• last year
Today's Weather, 5 A.M. | Nov. 12, 2024

Video Courtesy of DOST-PAGASA

Subscribe to The Manila Times Channel - https://tmt.ph/YTSubscribe

Visit our website at https://www.manilatimes.net

Follow us:
Facebook - https://tmt.ph/facebook
Instagram - https://tmt.ph/instagram
Twitter - https://tmt.ph/twitter
DailyMotion - https://tmt.ph/dailymotion

Subscribe to our Digital Edition - https://tmt.ph/digital

Check out our Podcasts:
Spotify - https://tmt.ph/spotify
Apple Podcasts - https://tmt.ph/applepodcasts
Amazon Music - https://tmt.ph/amazonmusic
Deezer: https://tmt.ph/deezer
Tune In: https://tmt.ph/tunein

#TheManilaTimes
#WeatherUpdateToday
#WeatherForecast
Transcript
00:00Magandang Umaga, narito po ang latest sa mga binabantayan po natin na bagyo na nasa loob ng ating Philippine Area of Responsibility, as of 5 a.m. bulletin po ito.
00:11So currently, meron po tayong tatlong bagyo na binabantayan na nasa loob at labas ng ating Philippine Area of Responsibility, so isa-isahin po natin sila ngayon.
00:21So una po, etong si Bagyong Nika, na currently ay nasa loob pa rin po ng ating PAR, at on Tinti or possible within the next few hours ay papalabas na din po ito ng ating Area of Responsibility.
00:33So sunod naman po, etong si kakapasok lang na si Bagyong Ophel, kaninang alas tres po ng umaga ay pumasok po siya ng ating PAR bilang isang tropical storm, na may international name na Usagi at binigyan din po natin ang local name na Ophel.
00:48And meron din po tayong binabantayan na bagyo na nasa labas naman ng ating Philippine Area of Responsibility, si tropical storm na may international name na Mangyi.
00:58As of 3 a.m. po yung location niya ay nasa mahigit 2,800 kilometers silangan po ng southeastern Luzon.
01:06Kung makikita po natin dito sa ating latest na satellite images, isang bagyo lamang po yung currently na may direct ng efekto sa ating bansa.
01:15Ito po si Bagyong Nika, at kung makikita po natin yung mga kaulapan po nitong Ophel at si Bagyong Mangyi, ay hindi pa po naka-afekto sa anong bahagi po ng ating bansa.
01:25So currently, ang main focus po natin sa ngayon ay yung dalawang bagyo na nasa loob po ng PAR.
01:30Yan po si Nika at si Ophel. Isaisahin po natin yung mga detalye patungkol dito sa dalawang bagyo.
01:36So una po muna si Bagyong Nika.
01:38As of 4 a.m. po yung latest location niya ay nasa 185 kilometers west or kanluran ng Lawag City, Ilocos Norte.
01:48At nananatili po siyang severe tropical storm na may taglay ng lakas ng hangin malapit sa gitna na 95 kilometers per hour.
01:55May pagbugso na umaabot ng 115 kilometers per hour.
01:59At mabilis po yung kilos niya sa direksyong northwestward sa bilis na 30 kilometers per hour.
02:05Makikita po natin dito sa ating latest na satellite image.
02:09Although yung sentro nitong si Bagyong Nika ay nasa Karagatan or nasa may West Philippine Sea na,
02:14yung rain bands po nitong bagyo ay patuloy pa rin naka-afekto sa may bandang Hilagang Luzon.
02:20So asahan pa rin po natin magpapatuloy pa rin yung mga pagulan over areas po ng Northern Luzon.
02:25Kaya patuloy pong pinag-iingat yung ating mga kababayan dyan.
02:28So alami naman po natin yung magiging pagkilos nitong Bagyong Nika sa mga susunod na araw.
02:35Ito naman po yung ating latest na track forecast as of 5 a.m. patungkol sa binabantayan po natin na si Bagyong Nika.
02:42Meron po tayo yung central track ng bagyo or magiging pagkilos nitong si Bagyong Nika sa mga susunod na araw.
02:48At meron din po tayo yung intensity forecast or yung kategoriya or lakas ng bagyo na posible pong makaranasan itong lakas ng bagyo sa mga susunod na araw.
02:58So nakita po natin sa ating latest track forecast na mananatili po siyang severe tropical storm category habang nasa loob ng PAR
03:06at maaari po siyang lumabas ng PAR mamaya or sa susunod na labing dalawang oras.
03:12So for now po nakita natin na unti-unti po niyang babaybayin yung area ng West Philippine Sea bilang isang tropical storm
03:19hanggang tuluyan po siyang humina bilang isang low pressure area dito po sa may southern portion ng mainland China.
03:26At kumakita din po natin sa ating latest na forecast track kung napapansin po natin yung area na shaded ng yellow,
03:32yan po yung radius ng bagyo or dyan po nakapaloob yung malalakas na hangin na dala po nitong si Bagyong Nika.
03:38Kaya naman kahit na sa karagatan na po yung centro na itong si Bagyong Nika,
03:42ay nakapaloob pa rin yung ilang areas ng northern zone sa radius ng bagyo,
03:46kaya maasaan pa rin po yung malalakas na bugso ng hangin na dala po nitong Bagyong Nika.
03:51So dahil po dyan, patuloy pa rin po nakataas yung signal number one sa may bahagi po or sa mga lalawigan ng Ilocos Norte,
03:59sa northern portion ng Ilocos Sur, northern portion ng Apayaw, northern at western portions ng Abra,
04:07sa western portion ng Babuyan Islands, at northwestern portion ng mainland kagayaan.
04:12So possible pa rin po yung malalakas na bugso ng hangin na dala po nitong si Bagyong Nika.
04:18Although nakikita po natin dahil mabilis po yung pagkilos nitong Bagyong Nika hanggang tuloyan po lumabas siya ng PAR mamaya
04:24or sa susunod na labing dalawang oras, possible na ilift na po yung mga signals po yan within the day.
04:30Ito naman po yung severe winds or possible po na malalakas na bugso ng hangin na outside ng mga areas kung saan nakataas po yung tropical cyclone wind signal.
04:42So even though na lumalayo na po itong si Bagyong Nika, possible pa rin po yung malalakas na hangin na dala naman po nitong bagyo.
04:50So far possible po ngayong araw magiging mahangin po yung panahon, may mga pabugso-bugsong mga hangin sa areas po ng Ilocos Sur,
04:57sa La Union, Pangasinan, Batanes, dyan po sa kagayaan kasama ang Babuyan Islands, gayan din sa Isabela.
05:06Ito naman po yung mga pagulan na possible pa rin pong dulot ng efekto ni Bagyong Nika.
05:11Kung nakita po natin sa ating latest satellite image kanina,
05:14yung mga rain bands nitong bagyo ay patuloy pa rin naka-apekto sa may bahagi ng Hilagang Luzon.
05:19So for today po, asaan pa rin natin ang possible na moderate to heavy na mga pagulan,
05:24yan ay 50 to 100 mm total rainfall for the next 24 hours sa areas ng Ilocos Norte,
05:31sa kagayaan kasama ang Babuyan Group of Islands, pata na rin sa Batanes.
05:35So patuloy pong pinag-iingat yung ating mga kababayan dahil ilang araw na din po tayo nakakaranas ng tuloy-tuloy na mga pagulan.
05:42So possible po na magpapatuloy pa rin yung mga areas na binabaha or possible pa rin po yung mga pagbaha,
05:47gayan din yung paguhu ng lupa.
05:51Pagdatingan po sa kalagayan ng ating karagatan, kung napansin po natin,
05:55yung sentro nitong Bagyong Nika ay nasa may west ng Ilocos provinces.
06:00So possible po rin po yung maalon hanggang sa napakaalong karagatan sa may dagat-baybayin ng Ilocos Norte at Ilocos Sur.
06:07So delikado pa rin po malaot, lalong-lalong na po yung ating mga kababayan na may mga malita-sakyang pandagat.
06:15So dapo naman po tayo dito sa isa pang bagyo na minomonitor po natin na nasa loob ng ating Philippine Area of Responsibility,
06:22nakakapasok lang na si Bagyong Ophel.
06:25So tropical storm po siya na may local name na Ophel.
06:28International name niya po ay Usagi.
06:30Ito po'y galing sa bansang Japan na ibig sabihin ay rabbit or kuneho.
06:35As of 4 a.m. po, ang location niya ay nasa 1,170 kilometers silangan ng Southeastern New Zone
06:43at nagtataglay po itong langlakas ng hangin ng 75 kilometers per hour.
06:47Malapit sa gitna, pagbugso na umaabot ng 90 kilometers per hour
06:51at kumikilos po northwestward sa bilis na 25 kilometers per hour.
06:56Gaya po nang nabanggit natin kanina, wala pa po itong directong efekto sa anuang bahagi ng ating bansa.
07:01Yung mga kapal na kuulapan na dala po nitong si Ophel ay hindi pa po nakakapekto sa ating kapuluan.
07:06Pero dahil inasaan po natin na patuloy po lalapit itong si Bagyong Ophel sa ating kalupaan,
07:11unti-unti pa rin po natin mararanasan yung efekto nitong bagyo sa mga susunod na araw.
07:16Mainam po na paghandaan po natin yan, especially po sa areas ng Luzon,
07:20na kung saan posible po maranasan yung mga pagulan at malalakas na hangin na dala po nitong si Bagyong Ophel.
07:28So alamin po natin yung detaly o magiging pagkilos nitong bagyo sa mga susunod na araw.
07:34Ito po yung latest track forecast ni Bagyong Ophel as of 5 AM.
07:38So meron po tayo yung central track ng bagyo o magiging pagkilos ng bagyo sa mga susunod na araw.
07:44Yung intensity forecast niya, or lakas ng bagyo, or category ng bagyo habang patuloy po niyang binabaybay
07:50yung silangang karagatan ng ating bansa dito sa loob ng ating par area.
07:55At yung area na shaded ng yellow ay radius ng bagyo.
07:58So based po sa ating latest track forecast, naikita po natin na habang patuloy niyang binabaybay
08:05yung silangang karagatan po ng ating bansa, unti-unti po siyang lalakas.
08:09Maaaring maging severe tropical storm at typhoon category pagdating naman po ng Wednesday.
08:15Meron po din po tayong landfall scenario sa may bahagi naman ng northern Luzon
08:19pagdating po yan ang Thursday afternoon or Thursday ng gabi.
08:23So naikita po natin, etong area na shaded ng puti, yan po yung forecast confidence cone
08:29or forecast probability cone, yan po yung areas na maaaring daanan pa rin
08:33ng centro nitong bagyo sa mga susunod na araw.
08:36So hindi lamang po sa may area ng northern Luzon ang possible landfall scenario din,
08:40possible din po sa may area ng Aurora.
08:43So nakapalob po sila sa ating forecast confidence cone.
08:46So mainam po na minomonitor po natin yung magiging pagkilos nitong bagyo sa mga susunod na araw
08:51para makapaghanda po tayo in advance.
08:56Ito naman po yung malalakas na hangin na inaasahan po natin yung dulot na efekto
09:00nitong bagyong offell sa mga susunod na araw.
09:03So even though yung radius ng bagyo, naikita po natin na may kaliitan pa,
09:07so wala pa pong ibang anong bahagi ng ating bansa ang nakapaloob sa radius ng bagyo.
09:12Pero inaasahan po natin na dahil lalakas pa po siya, maaaring lumawak pa po yan
09:17at ilang areas na po ng ating bansa ay mapapaloob.
09:20Si signal warning sa mga susunod na araw.
09:24So for now po, naikita natin na may posibilidad na makakaranas po tayo
09:28ng malalakas na bugso ng hangin habang papalapit po itong si bagyong offell
09:32outside po yung areas na kung saan itataas yung mga tropical cyclone wind signals po natin.
09:38So tomorrow, maaaring na po yung mga pabugso-bugsong hangin
09:41or mahangin na panahon sa Katanduanes.
09:43Pagdating naman po ng Thursday, mararanasan po yan sa Camarines provinces,
09:48sa Batanes, sa Quezon, gayun din sa northern portions ng Katanduanes.
09:53Pagdating naman po ng Biernes, maaaring din po maranasan yung mga pabugso-bugsong hangin
09:58sa Isabela at sa northern portion ng Aurora.
10:02So review lang po natin yung ating track.
10:04Ikita po natin na magiging mabilis yung pagkilos nitong bagyo.
10:08So nakikita po natin na dahil mabilis yung pagkilos nitong bagyo
10:12at may possibility na lumawak po po yung radius nitong bagyo
10:16kung saan mararanasan po yung malalakas na hangin na dala nitong si Bagyong Ophel,
10:20maaaring magtaas na po tayo ng wind signal number one
10:23sa areas po ng Cagayan Valley, kung hindi sa areas din po ng Aurora
10:27mamayang gabi po, or bukas ng madaling araw.
10:30Dahil yung wind signal number one winds po natin,
10:32may warning lead time po tayo na 36 hours.
10:36Ibig sabihin sa susunod na 36 hours,
10:39ay unti-unti na po natin mararanasan yung malalakas na bugso ng hangin
10:43na dala po nitong si Bagyong Ophel.
10:46Ito naman po yung heavy rainfall outlook natin sa mga susunod na araw,
10:50dulot naman na efekto nitong si Bagyong Ophel.
10:53So nakikita po natin, dahil dun sa track forecast,
10:56napansin po natin may landfall scenario po tayo sa may bahagi ng Hilagang Luzon,
11:00makakaranas po ng malalakas mga pagulan starting Thursday po yan
11:05sa may bahagi ng Cagayan, sa Isabela, Cagayan kasama ang Babuyan Islands,
11:10at moderate to heavy naman po ng mga pagulan sa Apayaw at Kalinga.
11:14So hindi pa po tapos, yung areas po na dinaanan ni Bagyong Nika,
11:20ay makakaranas pa rin po ng malalakas mga pagulan sa mga susunod na araw.
11:24So patuloy po ang pinag-iingat yung ating mga kabayan,
11:26dahil overly saturated na po yung mga kaulukaan po natin dyan,
11:31mataas po yung posibilidad mga pagbaha,
11:33at pati na rin yung mga pagbuho ng lupa.
11:36Para manatili po tayong updated,
11:39i-monitor lamang po yung mga forecasts at yung mga updates po
11:42na nilalabas natin sa pamamagitan ng ating mga social media accounts,
11:46pati rin po ang aming website, pagasa.ust.gov.ph.
11:51Yan lamang po latest mula dito sa Pagasa Weather Forecasting Center.
11:55Ako po si Rhea Torres.
11:56Patuloy po tayong mag-ingat.
11:58Magandang umaga at marami salamat.
12:09For more information, please visit www.pagasa.gov.au