Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
-Tricycle na magde-deliver ng isda, nasunog sa bahagi ng Roxas Blvd.


-Egot winner Viola Davis, gumanap na U.S President sa film na "G20"/Family at curiousity, mga bagay raw na nagpapalakas kay Viola sa kanyang career


-Mag-asawa, patay matapos makuryente sa alambreng bakod ng isang manukan na nakakonekta sa live wire


-Ilang sasakay ng barko para mag-Semana Santa sa probinsya, pinili nang bumiyahe ngayong araw/PH Ports Authority: Tinatayang 1.7M ang daragsa sa mga pantalan simula bukas hanggang Easter Sunday


-Lalaking nahuli-cam na nagnakaw ng linya ng kuryente, arestado


-Mahigit 10 bahay sa Brgy. 56, nasunog


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Tricycle
00:30Mapadrama o action films, walang sinusukuan ang multi-awarded Emmy, Grammy, Oscars at Tony Award winner na si Viola Davis.
00:47In her film G20, on Prime Video, gaganap siya bilang si President Daniel Sutton, a former soldier na naging Pangulo ng Amerika.
00:56Na lalaban sa mga teroristang mga hostage ng world leaders sa G20 International Summit.
01:03Pero in real life, gugustuhin kaya niyang tumakbo sa politika?
01:08Absolutely not. Like full stop, exclamation point, emojis, everything. Absolutely not. No, no, no, no, no, no.
01:20Maaksyon ang role, kaya kailangan fit and healthy si Viola.
01:24At the age of 59, ano nga ba ang nagpapalakas sa kanya?
01:28My love for my daughter and my husband, that keeps me standing. I feel like that's home for me.
01:36But also what keeps me standing is curiosity.
01:41Curiosity about what life has in store for me.
01:44Especially as, you know, I'm entering, I don't know how many decades in this business.
01:51I'm curious as to how my career will unfold and how I'll unfold within it.
01:59Marami mang gulo sa mundo ngayon. Hindi pa rin dapat mawalan ng pag-asa. At ayon kay Viola.
02:06You know, heroes exist. And they exist in so many different forms.
02:15There are people out there who are capable of changing the world.
02:20And they have the strength to do it and they have the heart to do it.
02:24Lin Cheng nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:28Ito ang GMA Regional TV News.
02:32Mainit na balita mula sa Visayas at Mindanao, hatid ng GMA Regional TV.
02:38Patay ang isang mag-asawa sa Genuay, Piloilo, matapos makuryente sa alambring bakod na nakakonekta sa live wire.
02:47Cecil, paano nangyari yan?
02:51Oscar, aksidente raw na nasagi ng babae ang alambring bakod.
02:55At nadamay naman ang kanyang mister nang subukan siyang iligtas.
02:58Batay sa investigasyon, naroon ang mag-asawa para magputol ng damo sa kanilang taniman nakatabi ng manukan na may live wire na bakod.
03:07May abiso naman daw na inilagay ng may-ari ng manukan pero isang metro lang ang layo nito sa bakod.
03:13Inilagay raw yun bilang proteksyon o mano laban sa mga magnanakaw.
03:17Ayon sa punong barangay ng Hibolo, walang permit at hindi nagpaalam ang may-ari ng manukan na maglalagay siya ng live wire na sa bakod.
03:25Nanindigan ang pamilya ng mga biktima na hindi sila makikipag-areglo.
03:29Ayon sa pulisya, posibleng reckless imprudence resulting in homicide ang haharaping reklamo ng may-ari ng manukan.
03:36Hindi siya nagpaunlak ng panayang.
03:38Update po muna tayo sa sitwasyon sa Manila Northport Passenger Terminal na isa po sa mga kananiwang binaragsa na mga pauwin sa probinsya tuwing sa Manasanta.
03:55May ulap on the spot si Vaughn Aquino.
03:57Vaughn?
03:58Conny, maluwag pa sa ngayon itong Northport Passenger Terminal pero may mga mangilang-ilang pasahero na yung babiyahe ngayong araw para sa Semana Santa.
04:10Tulad ng senior citizen na si Romy Aniceto at kanyang asawa na pauwin ng Palawan.
04:18Maaga rin babiyahe pauwin ng Davao si Elvini Osama para makaiwas sa dagsa ng mga tao sa mismong mahal na araw.
04:24Ayon sa pamunuan ng Manila Northport Passenger Terminal, 2,450 ang mga outbound passengers at 950 naman ang inbound passengers ngayong araw.
04:34Inaasahan daw nila na sa lunes pa dadagsa ang mga pasahero ng uuwi sa probinsya para sa Semana Santa.
04:40Paalala ng pamunuan sa mga pasahero, bumili na agad ng ticket para hindi na maabala.
04:45Huwag nang magdala ng mga ipinagbabawal at magdala ng tubig para manatiling hydrated sa kabila ng mataas na heat index.
04:52Narito ang mga pahayag.
04:54Ang Manila Northport ay handa sa pagdagsa ng pasahero natin.
04:59Kung papapansin nyo, meron tayong priority area. Binukas na rin natin yan for all the passengers para hindi sila may naiinitan.
05:08Gusto ko rin kasi magabiyahe para comfortable ka ba mag-uwi at walang siksikan.
05:17Connie, sa forecast ng Philippine Ports Authority, aabot sa 1.7 milyon ng mga pasahero magtatawid dagat simula bukas hanggang Easter Sunday.
05:26Connie?
05:27Marami salamat.
05:28Von Aquino.
05:29Aristado na ang lalaking ibinalita namin kahapon na nag-alas Spider-Man para makapagnakaw ng linya ng kuryente sa Antipolo Rizal.
05:40Naaresto ang suspect sa follow-up operation sa Antipolo Police pasado alas 6 kagabi.
05:45Una nang nahuli ang minor de edad na nagsilbing lookout ng suspect.
05:50Ayon sa pulisya, dati ng sangkot sa pagnanakaw ng linya ng kuryente ang dalawa.
05:54Natuntun din ang pulisya ang hideout ng mga suspect kung saan binabalatan nila ang mga kable.
06:01Walang payag ang dalawang naaresto.
06:03Mahigit sampung bahay ang nasunog sa isang residential area sa Caloocan.
06:11Ang ilang po sa mga nasunugan, tanging mahakalagang dokumento na lamang ang naisalba.
06:17Balitang hati ed, D. James Agustin.
06:19Ginising ng malaking sunog ang mga residente ng Kintos Compound sa barangay 56 Caloocan City kaninang hating gabi.
06:29Mabilis na kumalat ang apoy sa magkakatabing bahay.
06:32Itinaas ng Bureau of Fire Protection ang unang alarma.
06:35Nasa anin na fire truck nila rumisponde, bukod pa sa mga fire volunteer group.
06:40Pahirapan ang operasyon ng mga bumbero dahil sa kitid ng daan papasok sa residential area.
06:45Kaya ang ilan pumeso na sa bobo para malapit ang mga pagbuga ng tubig.
06:50Si Rico at kanyang kinakasamang si Mary Ann, tanging ilang dokumento lang ang nabitbi.
06:55Wala raw silang naisalbang gamit at damit sa bilis ng pangyayari.
06:59May narindig akong may pumutok sa kabila naming bahay.
07:05Yun na, nagsimula na po yung usok. Lumabas na po kami.
07:09Hindi ko alam kung paano magsisimula ulit.
07:12Kasi wala eh, wala talaga naisalba.
07:15Natupok din ang gamit ng pamilya ni Ramon.
07:17Laking pasasalamat niyang ligtas silang buong mag-anak.
07:20Nung nakita ko sa tabi na ng bahay ko yung apoy.
07:22Kaya ang ano ko, kagad, pamilya ko, na ilabas ko muna sila.
07:28Kaso nung pagbalik ko, mabilis na yung pangyayari.
07:31Hindi na ako nakabalik doon sa loob ng bahay.
07:33Nakawanan tayo, huwag lang tayo masunugan.
07:36Eh, talagang mabigat po.
07:38Talagang yung bahay ko, pinagpawisan ko yan, maggamit ko.
07:42Iniimbisigahan pa ng BFP ang Sanhinang Apoy.
07:47Ayon sa mga taga-barangay, mahigit sampung bahay ang nasunog.
07:50Apektado ang nasa dalawampung pamilya.
07:52Sa ngayon, pwede silang tumuli sa barangay.
07:55And then by tomorrow, kung iba hindi pa, pwede naman sila sa school na malapit dito sa atin.
08:01Napula ang sunog pasado alas tres na madaling araw.
08:04Inaalam pa ng mga otoridad ang kabuwang halaga ng pinsala.
08:06James Agustin, nagbabalita para sa GMA Integrated News.

Recommended