-Mga residente at turista sa Baguio City, nag-indakan sa Salubong 2025 concerts/ Unang araw ng taon, sinusulit sa pamamasyal ng mga residente at turista
-23 firecracker-related incidents, naitala sa East Ave. Medical Center/ Batang 11-anyos na nabangga ng lasing umanong rider, kabilang sa mga naaksidente habang sinasalubong ang bagong taon/ Ilan sa mga pasyenteng dinala sa EAMC, mga sangkot sa saksakan at bugbugan
-INTERVIEW: P/BGEN. JEAN FAJARDO
SPOKESPERSON, PNP
PNP: Bilang ng indiscriminate firing ilang linggo bago ang bagong taon, hindi bababa sa 18
-2 babae, patay sa lumubog na motorbanca; 6 na iba pa, nakaligtas
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
-23 firecracker-related incidents, naitala sa East Ave. Medical Center/ Batang 11-anyos na nabangga ng lasing umanong rider, kabilang sa mga naaksidente habang sinasalubong ang bagong taon/ Ilan sa mga pasyenteng dinala sa EAMC, mga sangkot sa saksakan at bugbugan
-INTERVIEW: P/BGEN. JEAN FAJARDO
SPOKESPERSON, PNP
PNP: Bilang ng indiscriminate firing ilang linggo bago ang bagong taon, hindi bababa sa 18
-2 babae, patay sa lumubog na motorbanca; 6 na iba pa, nakaligtas
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Masaya ang naging salubong sa bagong taon ng mga residente at turista sa Baguio City.
00:16At ngayong unang araw ng 2025, sinusulit pa ng ilan ng pamamasyat sa City of Pines.
00:21Mayulat on the spot si EJ Gomez.
00:24EJ?
00:30Rafi, Happy New Year! At dito pa rin tayo sa Baguio City.
00:34Kaninang umaga, medyo kaunti pa yung mga bakasyonista natin na lumalarga sa ibat-ibang tourist spots dito sa City of Pines.
00:42Dahil yan siguro sa sila ay puyat o nagpapahinga pa matapos nga ang magdamagang pagsalubong sa bagong taon.
00:49Pero ngayon na tanghali na ay medyo dumami na yung mga sasakyan sa kalsada,
00:54pati na rin yung mga kapuso natin na pumupunta na sa ibat-ibang destinasyon dito sa Summer Capital of the Philippines.
01:07Nagsimula ang pagsalubong ng bagong taon dito sa Summer Capital of the Philippines sa halong-halong musika at sayawan sa DJ party sa Rose Garden.
01:16Ang mga chikiting, maging ang mga oldies, humataw ang ilang oras.
01:21Ay, nako, ang mga chikiting, humataw, yes, ng ilang oras, bago ang New Year.
01:26Kanya-kanya picture din ang mga bakasyonista with their family and loved ones.
01:30Nagkaroon naman ang concert sa Melvin Jones Grandstand, ilang oras din, bago ang countdown.
01:36Meron ding sayawan, kantahan at mga palaro sa mga nag-abang sa bagong taon.
01:41Nagliwanag ang kalangitan pagsapit ng alas 12 ng madaling araw, ang opisyal na pagpasok ng taong 2025.
01:49Nag-enjoy daw mga dumayo rito.
01:51At ngayong unang araw nga ng taon, marami sa kanila, todo pasyal na sa mga tourist spots dito sa Baguio City.
01:57May ilan pa nga na first-time visitors pa.
02:09Rafi, nandito tayo ngayon sa Burnham Park, at kita ninyo sa aking likuran, no, ito yung mga kapusa natin,
02:14na nage-enjoy nga sa pag-ride ng mga bisikleta.
02:17Yung ilan sa kanila dyan ay nandito na bago pa yung pagsalubong sa bagong taon,
02:22habang yung iba naman ay first-time daw.
02:25At ito nga, yung first stop nila na destination sa kanilang trip dito sa summer capital ng bansa.
02:32Happy New Year po ulit sa ating mga puso.
02:34Rafi?
02:35Maraming salamat, EJ Gomez.
02:38Bukod naman po sa mga biktima ng paputok,
02:40mayroon ding mga na-aksidente at nasangkot sa gulo habang sinasalubong ang 2025
02:46na dinala sa East Avenue Medical Center sa Quezon City.
02:49At may ulit on the spot, si Ian Cruz.
02:52Ian, Happy New Year!
02:57Yes, Connie, kaka-update nga lang anong ngayon dito sa East Avenue Medical Center,
03:01at mula sa 23 ay 24 na yung firecracker-related injuries
03:06na naitala dito sa East Avenue Medical Center dito sa Quezon City.
03:10At Connie, pinakabata dyan yung nga nine years old na naputokan sa kamay ng unknown na paputok
03:15habang pinakamatanda naman ng 61 years old na senior mula sa Bukawi, Bulacan na tinamaan ng whistle bomb.
03:21Sa ngayon ay hindi pa na naglalabas ng comparative stats sa ospital
03:24kung marami ba ang naputokan sa salubong 2025 kung ikukumpara sa salubong 2024.
03:30Ngayong umaga, wala pang nadala na panibagong firecracker-related injuries dito sa ospital.
03:34Pero sa nakuha nating informasyon, maraming aksidente na naganap sa kasagsagan ng pagsalubong ng bagong taon.
03:39Gaya ng 11 anos na bata na nabangga ng motor ng nakainom na rider habang nanunood ng fireworks.
03:45Marami rin kaso ng stabbing at pumbugan kung saan isa sa pinakahuling dinala dito sa ospital
03:50ang isang lalaking tagka na Valichez.
03:52Doon naman Connie, sa Quirino Memorial Medical Center dito pa rin sa Quezon City,
03:56sinabi dito ng Dr. Errol Gonzalez na simula December 31 hanggang sa mga sandaling ito,
04:00nasa 17 na firecracker-related injuries sa ospital.
04:04Isa pa rin ang pagtuloy na naka-admit, mas pataas ito sa 13 o 14 cases noong salubong 2024.
04:12So Connie, patuloy pa rin naka-standby ang mga medical personnel dito sa East Avenue Medical Center
04:17dahil nga may mga instances in the past na yung mga bata ay namumulot na mga hindi sumabog na paputok
04:24at pinapasabog nila yan at yung iba nga ay naaksidente.
04:28Pero sana, huwag nang mangyari yan para hindi na nga tumaas yung statistics noong naputokan
04:32dito sa East Avenue Medical Center.
04:34Mula rito sa East Avenue, Happy New Year sa inyo, Connie.
04:37Happy New Year din muli sa'yo Ian Cruz at maraming salamat.
04:43Update naman po tayo sa pagbabantay ng Philippine National Police sa pagsalubong sa bagong taon.
04:48Pausapin po natin ang si Police Brigadier General Gene Fajardo.
04:51Happy New Year po at welcome sa Malitang Hali.
04:55Magandang umaga po ma'am Connie at Happy New Year po.
04:59Makikibalita lamang po kami gaano karaming kaso ng paggamit po ng ilegal na paputok
05:05yung inyo naitala sa pagsalubong sa bagong taon.
05:08Yes ma'am, as of 6am today po ay nakapagtala na po tayo ng more or less 1,360 cases of illegal possession, use and sale of firecrackers po.
05:19At ano ang kakaharapin ng mga nahulihan po nito?
05:24Ang mga kaso na kakaharapin po nila ay violation ng Republic Act 7183 po na mayroon pong penalty na more or less 20,000 to 30,000 po
05:36at mayroon din pong posibilang pagkakakulong na hindi po bababa ng 6 buwan hanggang 1 taon po.
05:42Okay, at kumpara hun, noong nakaraang taon ba, mas dumami ho ba yung mga firecracker related injuries at mga nakumpis ka po na ilegal na paputok this year?
05:52Mas malaki po yung nakumpis ka po nating mga paputok ngayon compared to last year, malaki ang itinaas po ngayon.
06:01More or less 593,094 yung mga nakumpis ka po nating firecrackers with estimated value of 3.9 po.
06:13Ano bang nakikita ninyong dahilan bakit husumipa ngayong taon itong mas maraming bilang na nagpaputok ng mga ilegal?
06:22Ang tinitingnan natin dyan ay again yung mga tradition talaga yung ating mga kababayan na talagang sasalubog nila ng paputok itong pagsalubog sa bagong taon.
06:34Hindi naman nagpulang ang gobyerno, even the PNP and Department of Health sa pagpapaalala na huwag sana tayong gumamit ng mga ilegal na paputok.
06:46Base po sa datos ng PNP ma'am ay nasa 297 yung naitala po nating injured as a result ng paggamit ng ilegal na paputok.
06:58At isa naman po yung namatayin sa Region 3 particularly yung sa Kuya po na Vice Gija po.
07:03Alright marami po salamat sa inyong update sa amin. Yan po naman si Police Brigadier General Gene Fajardo.
07:08Thank you ma'am.
07:16Dalawa ang patay sa lumubog na motorbanka sa dagat na sakop ng Lauang Northern Samar nitong lingko.
07:23Natagpo ang palutang yutang ang mga labi ng dalawang babaeng edad 68 at 50.
07:29Kabilang sila sa walong pasahero ng motorbanka na papunta raw noon sa isla ng Batag.
07:34Ayon sa embesigasyon ng Lauang Police, walang pahintulot mula sa Philippine Coast Guard ang paglalayag ng naturang motorbanka.
07:42Masama raw ang panahon noon sa dagat at naglalakihan ang mga alon. Ito raw ang naging dahila ng paglubog ng motorbanka.
07:49Ligtas naman ang iba pang anin na sakay ng motorbanka.