• last month
Panayam kay USec. Wilben Mayor ng Office for Local Conflict Transformation Cluster sa OPAPRU ukol sa panukalang batas ukol sa pagpapaliban ng halalan sa BARMM

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:30 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Panukalang batas tungkol sa pagpapaliban ng halalan sa BARMM.
00:05Ating tatalakayin kasama si Undersecretary Wilben Mayor,
00:10Presidential Assistant for Local Conflict Transformation Cluster
00:15ng Office of the Presidential Advisor on Peace, Reconciliation, and Unity, or yung OPAPRU.
00:22Usec Mayor, magandang tanghali po.
00:26Magandang tanghali Ma'am Ninia at sa iyong kasama kay Usec Punay
00:31at sa mga nanonood na inyong palatong tunan. Magandang umaga po sa inyong dahat.
00:35Una po, ano po ang posisyon ninyo dyan sa OPAPRU sa panukalang batas
00:41na ipagpaliban o ireset ang kauna-unahang BARMM elections na sinusulong ng Kongreso at Senado?
00:50Ma'am Ninia, noong last week nga po nagpatawag ang Senado ng hearing
00:55at doon nga po ay nanindigan ang ating kalihin, Secretary Carlito Galvez Jr.,
01:01na sinusuportahan po ng OPAPRU yung pagreset po ng elections dito sa BARMM.
01:08Sa mga kadahilanan po, unang-una po yung naging epekto po ng desisyon ng Supreme Court,
01:15yung exclusion ng Sulu, dahil marami po epekto po ito.
01:19Doon po sa BARMM meron po mga munisipyo na kinakailangan po ng probinsya
01:27at kongreso ang batas po ang kailangan dito na kailangan ipatupad ng kongreso.
01:32At marami ba pong mga batas na dapat bagoyin o amendahan
01:37dahil nga po dito sa desisyon ng Supreme Court na ang Sulu ay ihiwalay po sa BARMM.
01:45Magandang tali po Usec Mayor. Sa inyo, sa OPAPRU, sapat na po ba ang isang taon na pagpapaliban ng halalan sa BARMM?
01:54Usec Edus, tingin po naman namin yung isang taon na pagpapaliban ay sapat na po
02:02dahil ito ay pagkakataon na rin sa BARMM, parliament na BARMM at sa kongreso
02:08para i-address ang legal issues na naging epekto po ng desisyon ng Supreme Court na i-exclude ang Sulu province sa BARMM."
02:19Hindi ba ito mag-seset ng presidents na kada may bagong development,
02:25ay kinakailangan i-reset ang eleksyon o halalan dyan sa BARMM?
02:32Hindi naman siguro ma'am Nina, dahil nga po nagkaroon lang ng mga bagong developments nga po
02:40at naging epekto, malaking epekto nga po yung desisyon ng Supreme Court.
02:44Ito lang naman ang tinitingnan natin. Sa ibang mga developments na mga nakarani wala naman po.
02:50So dahil nga po dito nakikita natin na hindi na mangyayari po ito sa darating ng mga araw."
02:58Usec, ano po ba magiging impact or epekto nitong pag-plano pag-re-reset ng eleksyon sa BARMM?
03:03Dito naman sa Bang Samoro peace process, nakikita niyo po bang magiging beneficial po ito sa peace process?
03:10Malaki ito Usec. Edo, una-una nagpapasalamat kami sa DSWD, partner po natin sila,
03:16lalong-lalo sa decommissioning dahil sila ang bibigay ng tulong sa ating decommissioned combatant.
03:23Malaki po dahil una-una ang comprehensive agreement in Bang Samoro may dalawang tracks,
03:29yung political at normalization. Sa political track, na-mention ko na nga na dapat maguhin yung mga codes na pinasan nila,
03:38ang electoral code, local government code, at mayroon pa silang code na hindi pa ipapasa yung Indigenous Peoples Code.
03:46Then sa normalization track naman po, mayroon pa tayong decommissioning, mayroon pa tayong 14,000 na hindi pa nade-decommission.
03:54And then sa socio-economic package na bibigay natin sa kanila o yung mga programa natin sa pangkabuhayan nila,
04:02mas maganda rin na mayroon tayong pagkakataon na i-focus yung effort ng government dun dito sa resetting nito Usec Edo.
04:11So ano po ang reaction ninyo sa mga grupong tumututol na ipagpaliban ang BARMM elections?
04:20Ginagalang po natin sila, ma'am Nina, nasa ang ating pamahalaan, ang ating bansay, nasa demokrasya, we are in the Democratic and Republican government.
04:30So lahat po ng opinion, lahat po ng mga kuro-kuro ng ating mga kababayan ay ginagalang natin.
04:37Mas maganda nga po yan at maraming nagkakaroon ng discussion at makikita natin kung ano-ano mga opinion na bawat isa para magkaroon po tayo ng tamang desisyon.
04:54Sa ating mga kababayan, lalong-lalo na ang kapatid natin sa BARMM, bigyan po natin ang pagkakataon ang ating mga ehensa ng pamahalaan,
05:03lalong-lalo na ang kongreso at ehekotibo na gawin ang kanila mga tungkulin.
05:08Sa ating mga kababayan, at ganoon din ang kapatid natin sa BARMM at iba pa mga interested parties,
05:15ay siguro mas maganda magkaroon tayo ng constructive debate o discussion tungkol dito sa topic na ito.
05:21Alalahanin po natin ang nakasalalay dito ay kapakanan ng ating kapatid at kababayan sa BARMM.
05:29At ang pangkalatang kapayapaan ng ating bansa. Maraming salamat po.

Recommended