• 2 months ago
Panayam kay ASec. Arnel de Mesa ng DA kaugnay sa emergency procurement ng ASF vaccine
Transcript
00:00Magandang hapon po sa inyo, Asec Arnel.
00:03Good afternoon, Ms. Nina. Good afternoon po sa lahat.
00:06At syempre dahil biyernes ngayon, kasama natin ang Department of Agriculture.
00:11Okay, unahin natin Asec itong emergency procurement ng ASF vaccines para tugunan ang outbreak diyan sa Batangas.
00:20Ano po ang detalye nito, Asec?
00:22Nina pinag-utos ng ating Kalim, Secretary Francisco Chu Laurel Jr.,
00:27yung pag-procure o yung tinatawag natin na emergency purchase ng about 10,000 na bakuna doses para sa probinsya ng Batangas.
00:39Sa ngayon ay meron ng walong munisipyo at isang syudad na meron ngayong panibagong kaso ng ASF.
00:47Ito ay ang munisipyo ng Lobo, Lian, Calatagan, Rosario, Lipa City, ang Tui, San Juan, at ang Talisay.
00:56So malaking tulong itong mga bagong bakuna na ito para katuwang of course ang biosecurity
01:03at iba pang ginagawa ng ating lokal na pamahalan at ng Bureau of Animal Industry.
01:08Malaking dagdag na tulong itong bakuna na ito para mapigilan yung paglalapan ng sitwasyon sa Batangas.
01:15Hinggil sa African Swine Fever.
01:18Eto po bang African Swine Fever? Ano pong nangyayari sa mga hayop kapag sila dinapuan ito?
01:25Mataas niya yung mortality ng ASF.
01:29Basis sa mga karanasan natin, almost 100% pag tinamaan, yung baboy talagang mamatay dahil sa virus na ito.
01:41May tanong rin yung ating mga kababayan, natatakot sila siguro bumili ng karning ngayon or karning baboy.
01:47Pagka po ba nakain nila ito, just in case, kunyari, hindi mo alam, ano po ang pwedeng mangyari sa tao?
01:54Ninya, itong virus ng ASF ay hindi zoonotic.
01:58So hindi ito mapapasa mula sa baboy papunta sa tao.
02:02Pero ganun din naman, ayon na rin sa Food Safety Act, hindi natin tinotolerate na yung mga infected animals ay kakatayin at ibebenta at lulutuin.
02:13So dapat itong i-dispose properly sa pamamagitan ng paglibing at pagsunog.
02:19Sa pagkakataon naman na hindi alam na nakarne yung may sakit na baboy, madali namang mamatay ang virus basta lutuin mabuti.
02:30But again, nevertheless, gusto natin ay properly ma-dispose yung mga infected animals.
02:38So kailangan sunugin sila, ASEC?
02:40Sunugin or ilibing.
02:43Karamihan ay inilibing, six feet.
02:47Tapos meron niyang nilalagyan ng apog or line or may mga lining para tuluyan na hindi maka-apekto ito.
02:55Usapang bakuna pa rin ASEC, pinag-aaralan na ng DA ang pag-manufacture ng bakuna para dito sa foot and mouth disease.
03:03Ano po ang detali nito?
03:05Nina, kaibahan naman sa baboy. Itong foot and mouth disease para ito sa mga hoof animals, kagaya ng baka.
03:13Itong foot and mouth disease, sa ngayon ang estado ng ating bansa, tayo ay FMD-free without vaccination.
03:22Ibig sabihin nito, wala tayong kaso.
03:25Ngayon, ang kagandahan, yung kagalingan ng ating mga veterinary at scientifico dito sa Bureau of Animal Industry,
03:33nakapag-produce na tayo ng bakuna laban dito sa FMD.
03:36At pinapag-aaralan ngayon, kung sakali lamang na magkaroon tayo ng mga matitinding kaso ng FMD sa bansa,
03:43ay ready tayo to manufacture itong bakuna para mas madali natin na makontrol ang FMD pagdating ng panahon, kung sakali man.
03:53At least we don't have to import dito sa ASF vaccines?
03:58Tama yun niya. Sa ASF, galing sa Vietnam ngayon, yung inaprobahan ng FDA na bakuna. Ito yung A vaccine galing Vietnam.
04:07Okay, naalala ko tuloy yung HFMD sa tao naman yun.
04:10Kasi hand, foot and mouth disease na usually uso sa mga bata.
04:15So pati mga hayop, meron din ganyan. And it's a virus.
04:19Okay, punta naman po tayo, Asek, sa usapin ng oil spill na nagmula naman po diyan sa Bataan.
04:26Ano po ang update sa epekto nito at sa assistance po ng DA sa mga apektado pong mangingisda?
04:34Ngayon niya sa Bataan oil spill, meron ng 16 na bayan na nagkaroon ng fishing ban.
04:40Either ang local government or ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na apektado nito ay mahigit sa 28,000 na mangingisda.
04:49Inutos na of course ng ating Pangulo at ni Secretary Chu Laurel yung pamamahagi ng relief assistance sa mga mangingisda.
04:57Ganon din yung tinatawag natin na fuel subsidy na nagkakahalagan ng 3,000 pesos.
05:02Ngayong taon ay may inilaan na 500 million para sa mga mangingisda under this fuel assistance
05:09and another 500 million doon sa ibang nagmamayari ng makinarya.
05:14Ito ay para lamang sa mangingisda na 500 million at dinidistribute na ito.
05:19At pinag-aaralan pa rin ngayon yung paggamit din ng quick response fund doon sa mga naapektuhan din ng mangingisda.
05:26Speaking of mga isda, safe po ba na bumili ng isda po ngayon?
05:32Kasi isa rin yan sa mga iniisip ng mga kababayan natin na baka iniiwasan na bumili ng isda or mga shellfish, tahong, oysters?
05:40Hanggat maari doon sa mga lugar na nabanggit dito sa NCR, Bataan at saka dito sa bandang Kabite, Calabarzon area,
05:49pinagbabawal talaga yung paghuli at saka pagkain ng mga shellfish kagaya ng tahong, talaba, yung mga crabs natin.
05:57Bagamat yung karamihan na isda na naglaland dito sa Nabotas, galing ito sa Lucena, galing dito sa Visayas,
06:07at aligtas kainin at itong BIFAR natin, regular silang nagkoconduct ng sensory evaluation
06:14para masigurado na yung mga bumabagsak na isda dito sa mga pantalan ay talagang walang petrochemicals at hindi apektado.
06:22Doon naman sa may nakita, yun doon talaga nagbabawal ng BIFAR.
06:27Sabi nung isang scientist na nakuusap ko po kahapon na yung isda daw pagka marami siyang oil spill,
06:33I mean mamamatay na siya agad so hindi mo na siya pwede talagang ibenta?
06:37Kitang-kita rin naman talaga sa outside appearance pa lang niya nung isda pag mayroong efekto ng oil spill.
06:43At ang iniwasan nga rito, pwede kasi mag-cost ng food poisoning pag nakain.
06:49Yung mga isda na nakikaroon ng pagkain nila nitong mga petrochemicals, na delikado rin talaga.
06:56Pero yung mga oyster po at saka yung mga talaba na yan o yung mga takong,
07:01medyo magingat-ingat po kasi hindi yung nakakalayo sa oil spill.
07:07They cannot swim away from the oil spill.
07:10Pinagbabawal muna sa ngayon.
07:12Masigasig naman yung pagsusuri sa sensory evaluation ng BIFAR
07:18para masigurado na yung nasa pantala na ay ligtas ng kain.
07:22Linawin ko lang, Asek, pinagbabawal in general or galing lang sa kung saang lugar?
07:27Pinagbabawal doon sa mga lugar na may existing ban ngayon ang BIFAR o ang lokal na pamahal.
07:34So important na malaman natin kung saan galing kaibiganin, yung mga nagtitinda,
07:39para alam natin kung saan po galing ang mga ito.
07:42Mapunta naman po tayo sa usaping bigas.
07:45Nagsasagawa ang DA ng masusing review ng Masagana Industry Rice Development Program.
07:52Ano po ang detali nito, Asek?
07:54Ang detali nito niya ay gusong palakasin ng ating sektor, ng ating kagawaran,
08:01yung ani ng palay.
08:03Sa kasalukuyan, ang national average natin nasa 4.17 metric tons per hectare,
08:09katumbas siya ng mga 84 na sako kada ektarya.
08:12Ang gusto po ng ating kagawaran, again, sa pamumuno ng ating kalihim,
08:17Secretary Chu Laurel Jr., ay maiangat ito, lalo na doon sa mga areas talaga na malaki ang potential,
08:23up to 7.5 metric tons per hectare
08:26or katumbas na 150 na sako ng palay na katumbas ay 50 kilos kada sako.
08:35Yan yung ating programa.
08:37Itong actually 7.5 ay kaya nang na-harvest na ito sa mga ilang lugar.
08:42Meron nga mga areas na kaka more than 10 metric tons pa.
08:46At ang gusto natin ay itong mga example na nagagawa,
08:51ay magawa rin doon sa ibang lugar na nag-harvest lamang na mga 3
08:55or 4 or less than 5.
08:57Bago nagkaroon ng RTL, ang ating average yield ay naglalaro lamang ng 3.8 metric tons per hectare.
09:03Ngayon, doon sa mga RCEP areas, nasa 5, nearing 5 metric tons yan.
09:09At gusto pa ni Secretary talaga, at ng buong kagawaran, na lalo pang tumaas yung ani natin ng palay.
09:15Ano po ba ang dahilan bakit hindi mataas?
09:18Ano yan eh, kadalasan doon sa mga lugar.
09:21Una, yung kakulangan ng patubig.
09:23Kung rain-fed ang area mo, siyempre, isang beses ka lang pwede magtanim sa loob ng isang taon.
09:29Halimbawa, ang Vietnam, they can produce yung cropping intensity nila tatlong beses sa isang taon.
09:35Tayo?
09:36Yung patubig pa lang.
09:37Doon sa mga patubig, kaya natin dalawang beses.
09:39O pag minsan, meron pang quick turnaround.
09:42Pero doon sa mga rain-fed areas talaga, isang beses lang talaga sila.
09:46So, importante, number one, ang tubig.
09:48Pangalawa, yung paggamit ng high-yielding varieties.
09:51Kagaya ng inbred at hybrid.
09:54Dahil sila talaga yung kayang magproduce ng malaki.
09:57Parang analogy ng sa racing sa kabayo.
10:00Pag ang ipapa-race mo ay ordinary yung kabayo.
10:03Kahit anong pakain mo dyan, hindi yan makakatakbo ng mabilis.
10:08At kung toro bread yan, doon kaya nilang tumakbo talaga ng mabilis.
10:13Similar to palay natin.
10:15Kung maganda yung lahi, they can produce more.
10:18At we experience talaga mga 12 to 15 metric tons per hectare.
10:23And of course, yung suporta natin sa makinarya, suporta sa pataba.
10:29All of these are necessary for us to reach yung mga ganitong level of production sa buong bansa.
10:36We have more than 4 million hectares na harvested area every year.
10:42At gusto natin ma-sustain at ma-maintain itong mga lugar na ito.
10:47Suportado ng ating Pangulo yung palay subsector.
10:52At malaki yung na-harvest natin last year, 20 million metric tons.
10:57Ngayon, bahagyang bumaba dahil sa El Niño.
11:00At napakalaking bagay kung patuloy natin na ma-improve yung ating irrigation system.
11:06We still have more than a million hectares na potential irrigable areas.
11:12So we need a lot of investments.
11:15Tamang-tama, by Monday next week, mag-start na yung aming tinatawag na budget hearing.
11:21Budget season na ngayon.
11:23At malaking tulong yung investment sa irrigation.
11:27Hindi lang sa irrigation, sa iba pang agri-infrastructure sa buong bansa.
11:32Good luck po sa inyo.
11:34Sana.
11:35Kasi siyempre, bigas, isa yan talaga sa ayaw natin na mawalay.
11:40Gusto nga natin oversupply ng bigas.
11:43We import our bigas po, diba, sa Vietnam?
11:46Ninety percent ay galing sa Vietnam.
11:48We imported last year, 3.6 million metric tons.
11:52Ang tansya ng USDA ngayong taon ay pwedeng umabot up to 4 million metric tons.
11:59Mas malaki din last year.
12:01Mas malaki kaysa last year.
12:02Bagamat last year din, ang projection ng USDA, 3.9 million.
12:06Pero because of a strong harvest last year, it went down to 3.6 million metric tons.
12:11So, apektado rin ng local production.
12:14Gano karami yung papasok na import sa ating bansa.
12:18Kaya we're still aiming.
12:19Yan pa rin ang priority ng ating pamahalaan na palakasin ang local na production.
12:24Paano po yung mga bagyo?
12:25Hindi naman natin maiiwasan yan.
12:27Lalo na ngayon, pagpasok po ng La Nina, paano po yung ine-expect nyo na?
12:32Kunyari, you expect two yields a year instead of that maging isa?
12:37Sa pagdating sa mga bagyo, La Nina, every year meron tayong 18 to 21 na bagyo.
12:44Unfortunately, dahil nandito tayo sa geographic location natin.
12:49And out of that, four or five ay talagang mapaminsala.
12:53Depende sa forecast track.
12:55And because of that, normally, historically speaking, mga 500 to 600 thousand metric tons.
13:02Yung losses na kukuha natin because of this typhoon.
13:06Whether may La Nina or wala.
13:09So kasama na yan sa computation natin.
13:11Kaya napaka-importante rin yung tinatawag natin na climate proofing.
13:15Pag-adjust or adoption sa climate change.
13:19Yung mga mitigation measures natin.
13:21At isa rin yan sa tinututukan natin yun.
13:23Para maka-adapt tayo sa mga pagbabago ng klima natin sa pagsasaka.
13:30At bago ko pa kawalan si Azteca Arnel, may magandang balita kayo.
13:34Gustong sabihin may bago tayong kadiwa center?
13:37Yes.
13:38Starting yesterday, Nina, ay naglungsad ang NIA through their contract farming.
13:43Na tinatawag natin na kadiwa sa NIA.
13:45This is on top dun sa mga existing kadiwa sites natin.
13:48At dahil nag-harvest na yung contract farming nila sa Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, at Caraga region.
13:56So magkakaroon din ng kadiwa sa NIA sa mga nabanggit na lugar.
14:01At Php 29 pa rin, priority pa rin natin yung mga vulnerable sectors.
14:06At up to 10 kilos ang pwedeng bilhin ng ating mga kababayan dito sa mga lugar na ito.
14:13Okay, maraming maraming salamat Aztec Arnel sa mga update na ibinahagi mo sa amin mula sa inyo diyan sa Department of Agriculture.

Recommended