Lalaki, nakulong matapos hipuan ang dibdib ng isang babaeng estudyante

TomoNews PH

by TomoNews PH

106 views
Lalaki, nakulong matapos hipuan ang dibdib ng isang babaeng estudyante

Ang 41-year-old na si Qiu Huang-Bo ng Taipei, Taiwan, ay nakalaya mula sa bilangguan, para lang makulong muli -- dahil hindi niya maiwasang maging isang bastos na lalaki.

Si Qiu ay dating isang taxi driver, na inakusahan ng isang babaeng pasahero ng pag-masturbate sa harapan nito, at paghipo ng kanyang dibdib. Para sa insidenteng ito, at iba pang mga pangyayari, si Qiu ay nasentensiya ng tatlo't kalahating taon ng pagkabilanggo.

Matapos siyang makalaya, ay hindi pa rin nagbago si Qiu. Noong Oktubre, nilapitan niya ang isang kinse anyos na estudyante, at hinipuan ang dibdib nito. Nagtangkang tumakas ang estudyante, na hinabol pa ni Qiu, na nagbitaw pa ng malaswang salita.

Nang siya ay naaresto ng pulis, sinabi ni Qiu na nagkataon lang na nakasalubong niya ang estudyante. Pero nakunan sa surveillance camera ang lahat ng nangyari, at si Qiu ay muling nakulong.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH