• 9 years ago
Batang lalaki, nakainom ng detergent sa isang restaurant sa China!



Chinese na batang lalaki, nakainom ng detergent na nakalagay sa bote ng inumin, sa isang restaurant!


Isang dalawang taong gulang na batang lalaki ang nasugod sa ospital, matapos siyang makainom ng detergent, sa China, noong Huwebes.

Ito ang paboritong inumin ng biktima, na si LeLe. Pero ni-recycle ng staff ng restaurant ang bote, at nilagyan ito ng detergent.

Nangyari ang aksidente sa Deyang, Sichuan, noong Huwebes. Paalis na ang pamilya sa restaurant, alas nuwebe ng gabi, nang biglang bumula ang bibig ni LeLe.

Ayon sa manager ng restaurant, ang bote ay dapat na nakalagay malapit sa lababo, para magamit ng staff na panghugas ng kamay.

Ayon sa doktor, maaring napinsala ang puso ng bata, pero buti nalang at hindi napahamak si LeLe, at na-discharge siya mula sa ospital noong Lunes. Binayaran ng ospital ang lahat ng panggastos sa ospital.

Noong Enero, sa Beijing, isang employado ng restaurant ang naglagay ng cleaning fluid sa isang takure, na nai-serve ng isa pang employado sa mga customers, na inakalang ito ay tsaa.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended