US college, tinaggihan ang isang applicant dahil naniniwala siya kay God!

TomoNews PH

by TomoNews PH

8 views
US college, tinaggihan ang isang applicant dahil naniniwala siya kay God!


Community College sa Baltimore, tinanggihan ang college application ng isang lalaki dahil binanggit niya si God sa kanyang interview!

Noong isang taon, si Brandon Jenkins ng Maryland ay nangarap na mag-attend ng community college, para maging radiation therapy technician.

Nag-apply siya sa Community College of Baltimore County.

Nakuha ni Jenkins ang pinakamataas na score sa kanyang period of observation, at siya ay isa sa mga nanguguna para sa dalawampu't apat na spots sa eskuwelahan.

Pero nang tanungin siya ng interviewer kung ano ang pinaka-importante sa kanya, ang sagot niya ay, "My God."

Wrong answer pala! Makalipas ang ilang linggo, nalaman ni Jenkins na hindi siya tinanggap ng eskuwelahan.

Nang tinanong niya kung bakit, sinabi sa kanya ng program director na si Adrienne Dougherty na ito ay dahil binaggit niya si God sa kanyang interview.

Iyan ang tunay na wrong answer! Nag-file na ng discrimination suit si Jenkins laban sa community college.

Kahit na nagbigay rin ng ibang dahilan si Director Dougherty kung bakit hindi nila tinanggap si Jenkins, gaya ng isang ten-year-old na theft and drug charge, ang kanyang pagsabi na ang paniniwala ng isang tao ay isang dahilan para tanggihan ito, ay labag sa First Amendment ng Estados Unidos.

Kailangan atang mag-enrol ulit ni Dougherty sa community college!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH