Himala! Sasakyan, nadurog sa aksidente; mga pasahero, naligtas

  • 9 years ago
Himala! Sasakyan, nadurog sa aksidente; mga pasahero, naligtas

Sa isang nakakasindak na aksidente, na nangyari sa highway sa Taichung, Taiwan, and napakabigat na container na ito ay bumagsak sa isang kotse, na sa makikita natin ay nadurog nang husto.

Ang kotseng nadurog -- isang sedan -- ay minamaneho ng isang tatlumpu't dalawang taong gulang na ina, kasama ang kanyang apat na taong gulang na anak na babae. Sila ay nasa highway sa Taichung, Taiwan, noong November 20, nan gang container na naglalaman ng mabigat na kahoy, ay biglang bumagsak sa kanilang sasakyan!

Mabilis na bumaba ang driver ng lorry, at hinila ang ina mula sa sedan, pero hindi nila maabot ang maliit na bata, na nasa dulo ng mawasak na kotse.

Sumogod ang rescue team sa eksena ng aksidente, at pinutol nila ang pinto sa likuran ng kotse. Nang nakita nilang gumagalaw pa ang kamay ng bata, nabigyan sila ng pag-asa, at sa awa ng Diyos, ay naligtas din ito.

Dahil nakaupo ito sa isang child safety seat, ay hindi seryosong nasaktan ang bata.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended