Tanga-tangang lalaki, gumamit ng maliit na martilyo para nakawan ang tindahan ng alahas!

  • 9 years ago
Tanga-tangang lalaki, gumamit ng maliit na martilyo para nakawan ang tindahan ng alahas!


Tanga-tangang magnanakaw, gumamit ng maliit na martilyo, para nakawan ang isang tindahan ng alahas!

Mukhang hindi nag-aral ng Robbery 101 ang magnanakaw na ito, na gumamit ng napakaliit na martilyo, para basagin ang display case ng isang tindahan ng alahas.

Nagalit pa siya, at sinigawan ang shop owner, na kanyang inutusan na buksan ang display case para sa kanya.

Ang tindahan ng alahas, na nasa Kaohsiung, Taiwan, at nanakawan noong Linggo, ng lalaking nagsasabing siya ay depressed.

Ang tanga-tangang magnanakaw na si Yuan, ay nagdala ng maliit na samurai sword, at maliit na martilyo, para i-raid ang tindahan.

Binigyan siya ng shop owner ng 167 dollars, at umasa na kunin ito ni Yuan at umalis. Pero nagalit si Yuan, at inutusan ang show owner na buksan ang display case at ibigay sa kanya ang lahat ng kwintas sa loob.

Sadyang nagtaas ng boses ang show owner sa pagsabi kay Yuan na hindi niya dala ang susi -- para marinig ng kanyang pamilya sa itaas, at magtawag ng pulis.

Pagdating ng pulis, galit nag alit pa rin si Yuan, at patuloy na sinisigawan ang show owner, sa harap ng pulis.

Naging emosyonal si Yuan nang naglabas ng baril ang pulis, pero pinagmumura at sinisigawan pa rin niya ang shop owner.

Inawat siya ng pulis, na hinila siya palabas ng shop. Sinabi ni Yuan sa pulis na ninakawan niya ang shop dahil wala siyang trabaho, at kailangan niya ng pera. Siya ay nakasuhan ng robbery.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended