HK model Suki Wong, dumalo sa isang sexy party

  • 9 years ago
HK model Suki Wong, dumalo sa isang sexy party

Isang hindi masyadong kilala na Cantonese model ang dumalo sa isang sexy bachelorette party ng kanyang kaibigan. Siya ay si Suki Wong, at ayon sa kanya, ang mga taga-Hong Kong ay masyadong konserbatibo, kung mamasamain nila ang kanyang pagsali sa ganitong party.

Ang video na ito, at iba pang litrato mul sa naturang party, ay pinost mismo ni Suki sa kanyang Instagram. Dito ay makikita natin na enjoy na enjoy ito habang sinasayawan ng isang lalaking modelo.

Si Suki, na ang tunay na pangalan ay Huang Xue-Ying, ay napansin nang siya'y sumali sa isang magazine model search. Kasabay ng ibang model na sina Mia at Gina, walo sila sa isang grupong modelo na napili, kaya ang kanilang kasikatan ay nasa mababang level pa lamang. Ngunit dahil sa kanyang pinost na video, ay bigla itong naging sentro ng atensiyon! Ayon kay Suki, nag-eenjoy lamang ito at ang mga bachelorette party na tulad ng kanyang pinuntahan ay normal sa ibang bansa, at naging focus lang ng media dahil masyadong konserbatibo ang mga taga-Hong Kong.

Mahirap nga namang sumikat bilang isang model sa Hong Kong. Para gumawa ng balita ay kung anu-anong paraan na ang kanilang sibusubukan para lamang mapansin at mapuna. Gaya ng pagtawag-pansin sa iilang parte ng katawan, or pagsuot ng masyadong mailki o maliit na damit...o pagbuhos ng yogurt sa kanilang katawan! Normal lamang ito...kung ikaw ay isang model na gusting sumikat sa Hong Kong.

Recommended