Pulis sa San Jose, naakusahan ng pag-rape ng babaeng kanyang pino-protektahan!

TomoNews PH

by TomoNews PH

1 view
Pulis sa San Jose, naakusahan ng pag-rape ng babaeng kanyang pino-protektahan!


Pulis sa California, naakusahan ng pag-rape ng babaeng kanyang pino-protektahan.

Isang beteraning police officer sa San Jose ang naaresto, matapos makasuhan ng sexual assault laban sa isang babaeng nakilala niya habang siya ay on duty.

Si Geoffrey Graves ay kabilang sa apat na police officers na dumating sa bahay ng biktima, dahil nakatanggap sila ng tawag ng domestic disturbance, noong Setyembre.

Sinamahan ng 38-year-old na officer ang babae, na isang hotel maid, sa nalalapit na hotel kung saan ito minsang nagtrabaho.

Naghintay diumano si Graves sa parking lot ng hotel, hanggang sa rumispondi sa ibang kaso ang isa pang pulis -- bago siya tumuloy sa kuwarto ng babae.

Doon niya ni-rape diumano ang babae, na nilabanan siya...at makalipas ang sampung minuto, ay umalis sa hotel si Graves.

Ni-report ng biktima ang insidente, makaraan ng tatlong linggo, at si Graves ay naaresto noong Lunes, pagkatapos ng limang buwang imbestigasyon.

Pero mabilis na nakapag-piyansa si Graves, kahit na ang bail ay nasa 100,000 USD. Ang kanyang arraignment ay isasagawa sa March 24.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH