Indonesian maid, ni-rape ng lolo, ama, at apo ng employer family sa Taiwan!

TomoNews PH

by TomoNews PH

1 829 views
Indonesian maid, ni-rape ng lolo, ama, at apo ng employer family sa Taiwan!


Indonesian na katulong, ni-rape ng lolo, ama, at anak ng kanyang employer family sa Taiwan.

May espesyal na lugar sa impyerno, na naka-reserba para sa Taiwanese na lalaking si Hu Ye-Chang (胡葉昌), ang kanyang anak, at apo. Ang tatlong walanghiyang lalaki ay paulit-ulit na ni-rape ang kanilang Indonesian na live-in maid, sa loob ng isang taon.

Ang 24-year-old na housekeeper ay apat na taon nang nagta-trabaho para sa pamilya, para alagaan ang ina ni Hu.

Ayon sa mga report, unang ni-rape ni Hu ang babae noong November 2010. Habang nagma-mop ng sahig ang babae, hinawakan siya ni Hu mula sa likod, pinilit siyang magbigay ng oral sex, at ni-rape ang babae sa dining table. Pagkatapos, ay na-anal rape pa ang babae sa kanyang kuwarto. Sinabi ni Hu sa babae na pauuwiin niya ito sa Indonesia, kapag nagsumbong ito sa iba.

Patuloy na ni-rape ni Hu ang babae, isa hanggang dalawang beses bawat linggo, at binibigyan niya ito ng 16 US dollars pagkatapos.

Lumala ang sitwasyon nang ang 45-year-old na anak ni Hu ay nagsimula na ring i-rape ang kawawang babae. Tatlumpu't limang beses nan a-rape ang babae, na nakatanggap rin ng 16 dollars matapos ang bawat asulto.

Tatlong beses ring ni-rape ng apo ni Hu ang babae. Ayon sa babae, walumpu't isang beses siyang na-rape ng tatlong lalaki sa loob ng isang taon. Natapos lang ang kanyang paghihirap nang nakaipon siya ng sapat na pera para mabayaran ang kanyang agent. Pagkatapos ay kinontak niya ang Taiwan Council of Labor Affairs, noong Septemner 2011.

Sa korte, sinabi ng mga lalaki na inakit sila ng babae, at pumayag itong magsagawa ng mga sexual services kapalit ng pera.

Pero base sa ebidensiya, ay napagdesisyunan ng judge na hindi pumayag ang babae sa mga pinaggagawa ng mga lalaki.

Kahapon ay nasentensya si Hu ng sampung taong pagkabilanggo, para sa apatnapu't tatlong beses na pag-rape; ang kanyang anak ay makukulong ng siyam na taon para sa tatlumpu't limang bseses na pag-rape; at ang kanyang apo ay padadalhin sa juvenile dentention.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH