VIDEO: Kindergarten teacher sa Ohio, nahuling binu-bully ang isang 6-year-old na bata!

TomoNews PH

by TomoNews PH

1 view
Kindergarten teacher, nahuling binu-bully ang isang 6-year-old na bata, on camera!

Karamihan ng mga teachers ay maaasahang pigilan ang gawain ng pambu-bully. Pero para sa teacher na ito, ang pambu-bully ng mga batang estudyante ay parang parte pa ng kanyang trabaho.

Ang nakakagambalang security footage na ito ay nakunan sa isang Ohio kindergarten, kung saan pisikal na tinatakot ng teacher ang isang 6-year-old na bata.

Makikitang tumakbo ang bata sa banyo sa eskuwelahan, para lang makitang inaabangan siya ng kanyang middle-aged na teacher na si Barb Williams, sa labas.

Makikitang hinatak ni Williams ang payat na bata, na parang sirang manyika, at inumpog ito sa pader.

Ang bata, na walang kalaban-laban, ay nahatak sa kanyang damit.

Ayon sa mga school officials, ang insidenteng ito ay isang 'one-off' at hindi mangyayaring muli, pero sinong makakapagsabi for sure?

Ayon sa magulang ng bata, hindi pa nagagawa ng eskuwelahan ang lahat ng kanilang pwedeng gawin, para ma-reprimand ang teacher, na nabigyan lang ng ten-day suspension.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH