#AskAttyGaby— Usapang Notaryo | Unang Hirit

  • 2 months ago
Gaano nga ba kahalaga ang pagpapa-notaryo?

Alamin ‘yan kasama ang ating #KapusoSaBatas, Atty. Gaby Concepcion.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Yes mga boss, basta usaping batas, hindi niya yan pinalalampas.
00:04Narito na ang ating kapuso sa batas, Atty. Gabby Concepcion.
00:07Atty. Gabby, magandang umaga.
00:10Magandang umaga din sa iyo Ivan,
00:12at magandang umaga din sa lahat ng nanonood po sa atin sa maulan na umaga to.
00:17So lahat ba nakatutok na sa mga teleseryang Where Did She Go saga?
00:22Kahapon bukod sa mga testimonyong ni Sheila Guo tungkol sa paglabas nila ng bansa,
00:27usap-usapan din ang pagnonotaryo sa hearing sa Senado.
00:31Napag-usapan kasi ang pagnotaryo sa mga dokumento ng counter affidavit
00:36dididismissed by Mayor Alice Guo.
00:39Ano nga ba ang notaryo at mahalaga ba ito?
00:42Pag-uusapan po natin yan, Ask Me, Ask Atty. Gabby.
00:51Atty., madalmas na nagpapanotaryo tayo ng mga dokumento as requirement
00:56sa mga nilalakad na government or even personal transactions.
01:00Minsan sa gilid-gilid may makikita kang notaryo publiko.
01:04Gaano kahalaga po ba ang pagnonotaryo?
01:07Naku alam ko marami po sa atin hindi masyadong binibigyang halaga o pansin
01:12ang mga notary public.
01:14Pero hindi natin sila dapat sinasa walang bahala
01:17o hindi binibigyan ng importansya.
01:20Unang-una, para maging notary, kailangan ay abugado kayo.
01:24At least dito po sa Pilipinas.
01:26Sa ibang bansa kasi hindi sila kailangan maging abugado.
01:30More importantly, importante ang notaryo dahil it converts a private document
01:35into a public document.
01:37Ibig sabihin, pag yung isang dokumento ay notaryado,
01:40may presumption na ito ay authentic at duly executed.
01:44Anong ibig sabihin ito?
01:46Ibig sabihin, totoo ang nakasaad dito at totoo na pumirma
01:50ang mga taong nakalagay na signatory sa dokumentong ito
01:54at kasi humarap sila sa notaryo.
01:57At pumirma sila ng voluntary.
01:59At ang mga third party na nakakita ng dokumento nito,
02:02pwede silang mag-rely na totoo ang dokumentong ito at ang due execution.
02:08So, kung nakabenta na po kayo ng lupa o ng kotse o ng motosiklo,
02:13makaintindihan nyo po ito.
02:15Dahil para mahi-rehistro sa pangalan ninyo ang binentang bagay,
02:19ipipresent nyo ang notaryadong deed of sale, di po ba?
02:22Hindi na kailangan na isama pa ang parehong buyer at seller
02:26para patunayan na nagkaroon nga ng bentahan.
02:29Pag nakita na notaryado ang deed of sale,
02:31malamang ay tatanggapin ito ng Register of Deeds o ng LTO.
02:35Kaya't sa ilalim ng rules ukol sa pagnonotaryo at para sa mga notary public,
02:40talagang nakasaad doon halimbawa na dapat tumanggi ang notary na nagnotaryo
02:45kung sa palagay niya halimbawa ay imoral o iligalan transaksyon
02:49or kung mukhang hindi voluntary ang pagbirma
02:53or kung may mali sa transaksyon
02:55o kung sa palagay niya, hindi talaga yung taong yun ang nagpipresenta ng kanyang ID.
03:00Warang ano, parang baka fake yun, di ba?
03:03So attorney, paano kung may mali kang linagay na detalye o informasyon sa pagpapanotaryo?
03:10Pwede ka bang may pananagutan sa batas?
03:12At madadamay pa yung abugadong nagnotaryo?
03:16Ay kung may mali kayong iniligay na informasyon sa dokumento at sinumpaan niyo ito, di ba?
03:21Pag nakita yun yung notary, subscribed and sworn to.
03:25Kayo ay nagbigay ng oath.
03:26Ito ay material at ang dokumento ay required by law.
03:30Pwede kayong makasuhan ng krimen ng perjury.
03:33At huwag niyong baliwalain dahil hanggang 10 years po ang penalty for perjury.
03:39Hindi naman automatically na magkakaroon ng liabilidad ng abuganin yung nagnotaryo, although, di ba?
03:44Pero tulad ng sinabi ko, sa ilalim po ng rules ng pagnotaryo,
03:48kung alam nga ng notary na mali o kasinungalingan ang sinasabi ng affiant,
03:52o kung mga napipilitan lamang pumirma o mali ang transaksyon,
03:56o mukhang hindi siya ang naroong nandun sa kanyang ID, dapat ay tumanggi siyang magnotaryo.
04:02At kung nagnotaryo nang may pagkukulang siya, pwede siyang maharap sa disciplinary action itong notary tulad ng suspension.
04:10Even disbarment, depende sa gravity ng sitwasyon.
04:14Worse, pwedeng magkaroon ng criminal case for falsification of a public document ang isang notary.
04:20Halimbawa kung nagnotaryo siya ng isang huling habilan, huling testamento,
04:24at pinilabas niya na tumestigo ang isang tao,
04:27na hindi naman pala tumestigo in real life, absent pala nung pumirma.
04:31Criminal case po ito na hanggang labing dalawang taon na kulong, at hanggang isang milyong piso na fine.
04:37So needless to say, pwede rin matanggalan ng komisyon ng isang notary public kung may kalakuhang ginawa ito.
04:43So it's bad to tell a lie.
04:45In any case, ang mga usaping batas, bibigyan po nating linaw.
04:49Para sa kapayapaan ng pag-iisip, huwag magdalawang isip.
04:54Ask me.
04:55Ask Attorney Gabb.

Recommended