Viral online ang video ng isang tatay na paulit-ulit na sinampal ang bata at dumugo pa ang tenga! Ano ang maaaring ikaso dito at ano ang posibleng parusa?
Alamin ‘yan kasama ang ating Kapuso sa Batas, Atty. Gaby Concepcion.
Alamin ‘yan kasama ang ating Kapuso sa Batas, Atty. Gaby Concepcion.
Category
😹
FunTranscript
00:00Mga usaping legal at katanungan sa batas, bibigyan natin ng kasagutan.
00:04Narito na ang ating kapuso sa batas, Atty. Gabby Concepcion, laging maasahan.
00:09Maraming salamat, Maris. Good morning to you at good morning po sa ating lahat.
00:15Naku away, bata! Hindi na bago yan.
00:18Pero wag naman sanang humantong sa ganito.
00:21Kasi caught on cam ang pananampal ng isang lalaki sa Pangasinan sa isang batang sampung taong gulang lang.
00:29Salakas nga ng mga sampal niya, dumugo ang tenga ng bata.
00:33Base sa investigasyon, tatay ng kalaroo ng bata ang nanampal.
00:37Inagaraw kasi ng biktima ang laruan ng kanyang anak.
00:41So ano ba ang sinasabi ng bangka ba ng batas tungkol dito?
00:45Ask me? Ask Atty. Gabby.
00:48Naku attorney, grabe yung video. Paulit-ulit na sinampal ang bata at dumugo pa nga ang tenga.
00:59Ano po ang pwedeng maging kaso at parusa sa nanampal?
01:03Naku ha, nakakainisang, aga-aga.
01:06Iniinis niyo ako, inagawan lang ng laruan ng anak.
01:09Bug-bugin talaga ang isang 10-year-old?
01:11Pick someone your own size, man.
01:14Kakainit ng ulo, aga-aga.
01:16Kung ako ang tatanungin, ito ay isang kaso ng child abuse sa ilalim ng Republic Act 7610.
01:22Kung tutuusin ang kaso ng paulit-ulit ng pagsampal hanggang dumugo nga ang tenga ng bata,
01:28hindi lang ito ng kaso ng child abuse, kundi child cruelty na talaga ito.
01:33At sa ilalim ng batas, ang penalty ay prisyon mayor minimum, which is 6 years and 1 day to 8 years.
01:40Sabi nga ng Korte Suprema sa kaso ng San Juan v. People of the Philippines,
01:45ang intention ng child abuse law na yan ay pag-igtingin ang penalty para sa mga krimen kapag ito ay ginawa sa isang bata.
01:53So dahil nga sa epekto ng pang-aabuso at pananakit sa isang bata,
01:57daladala niya ito hanggang pagtanda.
02:00Kung walang child abuse law, assuming halimbawa na nabingi ang bata, parehong tenga,
02:062 years and 1 day lamang hanggang 6 years ang penalty.
02:10Kung isang tenga lang ang nabingi, 6 months and 1 day to 4 years and 2 months lamang.
02:16At kung hindi naman nabingi at all at hindi naman na-hospital ang bata na matagal,
02:20e baka 1 to 30 days lamang.
02:23Parang hindi naman makatarungan yan.
02:25So buti na lamang at mayroong Republic Act 7610 para naman magtanda ang matatanda sa mga bata.
02:33So sa mga ganitong away bata, pwede bang idahilan na ipinagtanggol lang nila naman ang anak nila?
02:39Naku, sa sitwasyon na ito, definitely hindi.
02:43Narinig naman natin ang konsepto ng self-defense.
02:46Meron ding defense of family at pati na rin defense of a stranger.
02:50Ibig sabihin kung kayo ay nakasakit ng tao dahil pinaprotektahan nyo sila from a threat on their life,
02:57ang sinasabi ng batas ay justified yung nagawa ninyo, walang krimen, walang kulong.
03:02Pero ito ay valid na depensa lamang kung talagang nanakit kayo ng tao dahil may unlawful aggression na tinatawag.
03:09May threat sa buhay o safety ninyo o mga kaanak ninyo.
03:13Pero yung agawan ng dalawang bata ng laruan at bubog-bogin nyo ang isang bata dahil inagawan lamang ng laruan ng anak ninyo,
03:22ay naku, hindi po yan pasok sa pinaprotektahan ng batas.
03:26So actually, ang mga bully dapat ang parusahan.
03:31Naku naman, ang mga ganyang mga issue talagang nakakainis.
03:35But in any case, ang mga usaping batas may bigyan po nating linaw.
03:39Para sa kapayapaan ng pag-iisip, huwag magdalawang isip.
03:43Ask me, ask Katerina Gabby.