• 2 weeks ago
Sa Bacolod City, nahuli-cam ang isang lalaking tinangay ang electric fan sa isang kainan!

Sa Guagua, Pampanga naman, huling-huli sa akto ang pagnanakaw ng malaking TV na gamit sa eskwelahan!

Ano ba ang sinasabi ng batas tungkol sa pagnanakaw? Alamin ‘yan kasama ang ating #KapusoSaBatas Atty. Gaby Concepcion!

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Nako ingat ingat po tayong lahat, kabi-kabila ang mga nahuhulikam na pagnanakaw.
00:07Sa Bacolod City, kitang kita sa CCTV ang pagtangay ng lalaki ito ng electric fan sa isang kainan doon.
00:16Sa Guagua, Pampanga naman, huling-huli rin sa akto ang pagnanakaw ng malaking TV na gamit sa eskwelahan.
00:25May napabalita ring hinold up ng mga nagpanggap na polis.
00:29Nako ingat po tayo, isa nga ang pagnanakaw sa mga binabantayang krimen,
00:34lalo na sa matataong lugar at big events gaya na nga ng Pista ng Nazareno.
00:39Ano nga ba ang sinasabi ng batas tungkol sa pagnanakaw?
00:43Ask me, ask Attorney Gabb.
00:52Attorney, may nahold up na snatchan na salisihan ni Looban ang bahay.
00:57Ano po ang sinasabi ng batas sa mga krimen na yan? Iba-iba po ba ang kaso nito?
01:02Well, oo naman. Kahit nasabihin natin na iisa lamang ang ginagamit natin na salita sa Tagalog na pagnanakaw,
01:09sa ilalim po ng criminal law na kung maraming iba't ibang krimen,
01:13depende kung paano at ano ang nanakaw. Kung minsan, depende rin kung saan.
01:18So ang unang pagkakaibay, parang yung kaso na lang nga ng TV at ng electric fan doon sa mga napanood natin na video.
01:25Pinulot lang ba ang item na ninakaw tulad ng electric fan?
01:28O meron bang dahas na ginamit katulad doon sa TV na sinira pa ang bubong o ang bintana para makuha to?
01:36Importante yan dahil yung nakatiwangwang lamang na pinulot na bagay na ninakaw,
01:42yung krimen na yun ay theft.
01:44Pero kung may dahas, force or violence involved,
01:47kung may sinira na cabinet, bintana o pinto, of course hindi na po theft yan,
01:52nagiging robbery na.
01:54Mas mabigat ang penalty kung may dahas na yung criminal intention talagang kitang kita,
01:58kung may dahas involved.
02:00Yung pintas din na ninakaw, kung tinutukan kayo ng kutsilyo,
02:03hindi na rin theft yan.
02:05Robbery, kasi may violence na yan.
02:08Sa kaso din ng theft, may dalawang klase din yan.
02:11Ang simple theft at ang qualified theft.
02:13Anong pagkakaiba?
02:15Pag simple theft, yan yung pagnanakaw ng walang pahintulot ng may-ari.
02:19Pero kung ag nagnakaw, isang kasambahay halimbawa,
02:23o may abuse of confidence,
02:25nagiging qualified theft po ito.
02:27Ang pagnanakaw ng isang taong pinagkakatiwalaan ninyo,
02:31tumataas syempre ang penalty.
02:33Syempre mas mabigat ang krimen kung ang taong nagnakaw ay mataas ang pagtitiwala nga.
02:37Nung nanakawan halimbawa, isang empleyado na accountant ninyo,
02:41o pinagkakatiwalaan ng custody ng pera,
02:45o pinagkakatiwalaan ng password,
02:48nagiging qualified theft din yan,
02:50ng mas mataas ang penalty by 2 degrees.
02:53Qualified theft din ang pagnanakaw kung may sakuna.
02:56Diba? Taking advantage.
02:58Kung sa gitna ng earthquake, typhoon,
03:00o kung nagnakaw kayo na mayroong banggaan ng kotse halimbawa,
03:04o kung ano na nakawan ninyo, ay yung biktima ng sakuna,
03:07ay talagang tumataas.
03:09Ayon sa isang kaso, ang 2 degrees higher,
03:11ay halimbawa, friction mayor to medium to maximum,
03:15na 8 years and 1 day to 12 years na kulong.
03:19Ngayon, pag-robbery ang involved, medyo may difference.
03:22Kung public ba o private setting naman yan,
03:24ayon sa ating revised penal code,
03:27kung yung robbery ay sa isang private building,
03:30o yung isang place na walang nakatira,
03:33ang nanakaw ay P50,000.
03:35Halimbawa, ang penalty ay 6 months and 1 day to 4 years and 2 months na kulong.
03:41Pero kung ito ay sa isang bahay na may nakitira,
03:44o isang public building,
03:46ang parusa nagiging reklusyon temporal,
03:48o nagiging 12 years and 1 day to 20 years naman ng kulong.
03:52O diba, anlaki?
03:53So, in a public building or setting,
03:55o bahay na may nakatira,
03:57yung mga akyat-bahay dyan,
03:58naku, mas mataas ang penalty.
04:00Sa ibang mga kaso, depende rin kung anong ninakaw.
04:03Diba, napaka-complicated.
04:05Kung simple ang pagnanakaw, well, hindi masyadong simple.
04:08Yung motociclo, kotse, walang violence of force,
04:1120 years and 1 day hanggang 30 years na kulong.
04:14Pero, kapag may violence, may pagnanakaw at pagtutok ng barel o patalim,
04:20ang penalty nagiging 30 years and 1 day hanggang 40 years na.
04:25Parang hindi naman worth it na magnakaw pa kayo ng motociclo
04:29na kapalit ay halos habang buhay na napagkulong.
04:33Pagnanakaw din ang paggamit ng mga jumper,
04:35tanahan, jumper,
04:37pagnanakaw yan ang kuryente at mga water meter na tampered.
04:40By the way, considered theft din po.
04:42Yung pagkuhan na gamit na akala niyo ay walang nagmamay-ari,
04:45yung mga lost and found,
04:46yung nakakita kayo ng sing-sing sa kalye,
04:49na wala namang mukhang may-ari,
04:51considered pa rin theft po yan kung binulsa ninyo.
04:54Dapat daw kasi, ibabalik sa may-ari o sa mga otoridad,
04:58isa-surrender ang mga ito.
04:59Although, walang akong kilalang nagsasurrender.
05:01Yung mga lote din na may bakod, walang nakatira,
05:04pinasok niyo kasi mangunguha sana kayo ng mangga o kaimito.
05:08Pagnanakaw din po yun.
05:09So palagi na ang maging alerto,
05:11mas mabuti siguro na kung hindi atin,
05:13huwag na lang natin kunin.
05:15Ang dami-daming batas tungkol sa pagnanakaw,
05:17whether theft or robbery,
05:19qualified ang qualified,
05:21ang simple lang naman,
05:22basta hindi po sa inyo,
05:23let it go.
05:25Ang mga usaping batas,
05:26may bigyan po nating linaw,
05:28para sa kapayapaan ng pag-iisip,
05:30huwag magdalawag-isip,
05:32ask me, ask Attorney Gabby.
05:36Ikaw,
05:37hindi ka pa naka-subscribe sa GMA Public Affairs YouTube channel?
05:40Bakit?
05:41Mag-subscribe ka na.
05:42Dali na!
05:43Para laging una ka sa mga latest kwento at balita.
05:46I-follow mo na rin yung official social media pages
05:49ng unang hirit.
05:50Salamat kapuso.

Recommended