Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Viral online ang pagtakas ng isang SUV kung saan nagpaikot-ikot hanggang makapinsala sa isang gasolinahan! Ano ba ang sinasabi ng batas tungkol dito? Alamin ‘yan kasama ang ating #KapusoSaBatas, Atty. Gaby Concepcion.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Naku, may nagva-viral video na naman online.
00:04Ito yung malapili ko lang pagtakas na isang SUV
00:07matapos makabangga ng ibang sasakyan sa Quezon City.
00:12Sa video, makikita ang isang polis na kinakausap
00:15at tila may ipinagagawa sa driver ng puting SUV.
00:19Maya-maya pa, pumarurot pa atras ang SUV
00:23at pumasok naman sa isang gasolinahan.
00:26Ilang beses itong nagpaikot-ikot doon
00:28dahilan para mabangga ang ilang gamit tulad ng gram ng tubig.
00:33Kapansin-pansin ding, napatakbo ang mga tao sa gasolinahan.
00:38Dahil nga ito sa pagharurot ng SUV.
00:41Bago ang nahulikam na insidente,
00:43may isang van na palang ilang beses binangga ng SUV
00:47habang nakapark sa gilid ng kalsada.
00:50Sa halos 20 minutong pag-ihintay,
00:53hindi raw lumabas ang driver ng SUV.
00:56Nang dumating ang mga otoridad,
00:57umatras daw bahagya ang SUV
00:59at muling binangga ang van.
01:02At ito na nga ang nakunan sa viral video.
01:06Nang humupo na ang sitwasyon,
01:08tina normal naman daw ang driver ng puting SUV
01:10paglabas nito ng sasakyan niya.
01:13Gayunman, tila hindi raw nito alam
01:16ang nangyari.
01:17Sa kabuuan, tatlong sasakyan ang nabangganang SUV,
01:21nasira din ang protective bar ng gasolinahan.
01:24Sa kabutihang palad, walang nasaktan sa insidente.
01:29Ano nga ba ang pananagutan ng driver ng SUV sa pangyayaring ito?
01:33Ask me, ask Atty. Gabby.
01:35Atty, parang andalas mangyari ng ganitong mga nagwa-viral na gulo sa kalsada.
01:44Bangamat walang nasaktan sa insidente,
01:46ano po ang maaaring pananagutan ng driver nito?
01:50Well, kailangan natin tingnan muna kung bakit ba ganito ang nangyari.
01:55Hindi kasi malinaw kung bakit nga nangyari ito,
01:57kung ano ba ang lagay ng driver
01:59nung nangyari ang paikot-ikot na banggaan na ito.
02:03Parang isang misteryo, di ba?
02:05Well, of course, titignan natin kung ano ba yung mga possibilities.
02:08Kasi kung ito ay deliberate at intentional niyang ginawa,
02:12then of course, hindi lang ito may liabilidad para sa damage,
02:16meron din kaso na kriminal na maaaring isampa
02:19sa pagkakasira ng mga kagamitan na ito at ibang sasakyan.
02:24Actually, kung iisipin din,
02:26hindi rin natin alam kung ito ay dahil sa problema
02:29sa sasakyan kasi naririnig naman natin
02:31na meron mga kotse na may mechanical defect
02:34na bigla na lang umaarangkada ng sarili niya.
02:38In which case, ito ay dapat yung panagutan
02:40ng manufacturer ng kotse.
02:43Pero pwede nating isipin,
02:45baka naman ito ay kaso ng
02:46yung may-ari ng sasakyan
02:48na meron palang problema ang kotse niya
02:50pero hindi naman pala niya pinapaayos
02:53in which case,
02:54may liabilidad siya para sa danos
02:57dahil merong pagpapabaya involved.
02:59Alam naman natin na sa halos lahat ng kaso
03:02ng pagpapabaya,
03:03nagkakaroon ng liabilidad
03:05pag may nasaktan,
03:06nawalan o nasiraan ng gamit
03:08dahil sa pagpapabayaan na ito.
03:10In which case, at the very least,
03:12kailangan panagutan ang lahat ng pinsala
03:14na kanyang naidulot
03:16sa mga ibang sasakyan na binanga
03:18at pati na rin ang damage
03:19sa property ng gasolinahan.
03:22Buti na lang nga
03:22at walang taong nasaktan sa pangyayari
03:25kundi lalaki pa ang danos
03:26na kailangan bayaran.
03:28Maaaring din naman actually i-argue
03:30na kung walang pagpapabaya at all,
03:33halimbawa,
03:34nagkaroon pa na ng stroke
03:35o seizure na biglaan
03:37at hindi alam ng driver,
03:39wala siyang sintomas before the incident
03:41at biglang-bigla ang pangyayari.
03:44Maaaring sabihin na wala siyang liabilidad
03:46dahil ito ay fortuitous event
03:48at walang bahid ng pagpapabaya.
03:51Of course, kung alam naman niya
03:52na may sakit pala siya,
03:53halimbawa,
03:54alam pala niyang meron siyang epilepsy,
03:57may history of seizures
03:58at nagmamaneho pa rin
04:00ay in which case,
04:02maituturing na pagpapabaya
04:03at dapat niyang panagutan
04:05ang mga damage na nangyari.
04:08So, kailangan talaga natin tingnan
04:09kung ano ba talaga nangyari.
04:11Pero dahil sa viral video na yan,
04:13hindi naman talaga in-explain,
04:15eh mukha naman daw normal ang driver.
04:17So, marami talagang katanungan
04:19na dapat sagutin.
04:21Attorney, dahil parang nadadulas nga po
04:23ang ganitong insidente,
04:24laging nakukuha na ng mga video
04:26at nagva-viral.
04:27Para sa kaalaman po ng lahat,
04:29kapag may nakunan pong video na ganito,
04:31pwede po bang basta-basta na lamang
04:33mag-post online,
04:35lalo kung kita ang pagkakakilanla
04:37ng mga sangkot,
04:38gaya ng mukha
04:39o plate number.
04:40Well, I would say,
04:42na the best talaga
04:43ang mag-blur ng mukha
04:44o takpan
04:45ang mga information
04:47na maaaring mag-reveal
04:48ng identity
04:48ng isang tao
04:49unless siya ay nagbigay
04:51ng pahintulot
04:52na i-upload
04:52ang video na ito.
04:54Posibleng violation pa rin ito
04:56ng Data Privacy Act natin.
04:58Tandaan,
04:59hindi porkit na sa isang
05:00pampublikong lokasyon
05:01ay nawawala na
05:02ang ating karapatang
05:04pribado.
05:04Diba?
05:05Our rights
05:05to our privacy.
05:07Of course,
05:07kung meron kayong video
05:08at hinihingi naman ito
05:09ng polis
05:10o ng korte
05:11bilang ebidensya
05:12o investigasyon
05:13sa isang kaso,
05:15dapat naman
05:15naibigay ito
05:16ng may hawak na video.
05:18Mas malaki pa ang problema
05:19kung ang video
05:20na nagbibigay
05:21ng identity
05:21ng tao
05:22information
05:23tungkol sa kanya
05:24ay mag-i-impute
05:25sa kanya
05:25ng isang krimen
05:26or
05:27baka naman magiging
05:28katawa-tawa siya
05:29sa publiko
05:30or makakasira
05:31sa kanyang reputasyon.
05:33In which case,
05:33magkakaroon kayo
05:34ng posibleng kaso
05:35ng cyber-livel
05:36o violation
05:37ng Cybercrime Prevention Act
05:39of 2012
05:40at ang penalty
05:41halimbawa sa cyber-livel
05:42ay 2 years,
05:434 months,
05:44and 1 day
05:44na hanggang 8 years.
05:46Sa Data Privacy Act naman,
05:47may posibleng
05:481 to 2,
05:493 years
05:49na imprisonment
05:51at fine
05:52at least
05:52500,000 pesos
05:54for an authorized
05:55processing
05:56of personal information.
05:58So,
05:59better air
06:00on the side of caution.
06:01Think before you click.
06:03Huwag mag-post
06:03para lamang
06:04sa madaming likes
06:05at mga shares.
06:07Diba?
06:08Huwag nang ganyan,
06:09mahirap yan.
06:10So,
06:10in any case,
06:11ang mga usaping batas,
06:12bibigyan po natin linaw
06:13para sa kapayapaan
06:15ng pag-iisip.
06:17Huwag mag-dalawang isip.
06:18Ask me,
06:20Ask Attorney W.
06:23Ikaw,
06:23hindi ka pa nakasubscribe
06:24sa GMA Public Affairs
06:26YouTube channel?
06:27Bakit?
06:28Mag-subscribe ka na,
06:29dali na,
06:30para laging una ka
06:31sa mga latest kwento
06:32at balita.
06:33I-follow mo na rin
06:33ang official social media pages
06:35ng unang hirit.
06:36Salamat kapuso!

Recommended