• 6 months ago
Nakita ko online ang link ng full movie na showing sa sinehan ngayon! Kapag nag-share o pinanood ko rin ito, puwede ba akong makasuhan?

Alamin ‘yan kasama ang ating Kapuso sa Batas, Atty. Gaby Concepcion.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Basta't usaping batas, siyang bahalar yan.
00:03Narito na ang ating kapuso sa batas, Atty. Gabby Concepcion.
00:06Good morning, Atty!
00:09Good morning din sa'yo, Ate Sue. Teka muna, busy lang ako.
00:13Oo, ano bang mga showing ngayon?
00:16Dito, online, diba? Teka, ano to?
00:19Bakit may link na isang movie online dito?
00:23Eh, showing pa to sa mga sine yan.
00:25Naku, no to piracy.
00:27Ano bang sinasabi ng batas tungkol diyan?
00:30Well, ask me, ask Atty. Gabby.
00:40Atty, pinanood ko at shinare ko ang nakita kong link online ng movie na showing ngayon.
00:45Pwede po ba akong makasuhan?
00:47Naku, of course, baunang-una bawal yung pagpapakita ng sine na yan online
00:52dahil siguradong wala itong pahintulot mula sa may-ari ng movie rights nito.
00:57Dahil nga, showing pa sa mga sinehan.
01:00Iba talaga ang mga problemang dulot ng internet dati-rati.
01:04Ang problema ay ang mga pagbenta ng mga DVD ng mga sining ito
01:08na binibenta sa Klyapo o sa Green Hills o kunsaan-saan.
01:12Pero bagong problema ang dulot ng internet
01:14dahil hindi mo nakakailangan pang ilipat ang movie material
01:18sa isang flash drive, sa DVD o sa disk.
01:21Ngayon nga lang ay pagbukas ng tamang link at pag-share nito kung mag-request ang ating barkada.
01:27Ang violation dito ay tinatawag na copyright infringement o ang piracy
01:31dahil ito ay pagnanakaw sa mga karapatan ng mga may-ari ng intellectual property
01:36in the form of movies and other similar work.
01:39Pero sa palagay ko ay malamang hindi ka naman makakasuhan kung manonood ka lang.
01:44Ang makakasuhan ay nag-ooperate ng site na nagpapalabas ng pirated material.
01:49Kaya nga ang intellectual property office natin, yan ang hinahabol.
01:53Nag-serve na sila ng request halimbawa para ipatigil at i-block ang mga site
01:58na nakikita ang nagpapalabas ng pirated material.
02:01Problema lamang ay napakadali talaga magtago sa internet kaya hirap na hirap sila.
02:07Attorney, paano naman po yung mismong nag-post ng link
02:11at yung ibang pinagyayabang pa na may link sila at nagla-livestream pa?
02:16Ano pong kaso nito?
02:17Well, ang kaso nga na pagpapalabas ng protected content ng walang pahintulot ay tinatawag na piracy.
02:23Pinagbabawal to sa ilalim ng intellectual property code natin.
02:26Pero sa palagay ko, yung pagyayabang at pag-share ng link lamang,
02:30baka hindi pa ito copyright infringement.
02:33Ang iya-argue ng iba, eh yung dinidistribute mo lang ay yung link mismo
02:37at hindi naman yung copyrighted material.
02:40Pero medyo ina-argue-argue pa yan.
02:42Pero mukhang nananalot tong argument na to.
02:44So, sabi naman yung iba, naku eh parang ganun na naman yun.
02:47Dapat maparusahan din kasi alam mo naman na pirated ang material
02:51pero tinulungan mo na ikalat ito.
02:53Diba? Parang aiding and abetting lang.
02:55Pero hindi naman sa ganyan ngayon ng pag-apply ng batas.
02:58Kailangan siguro amendahan muna natin para maparusahan ang ganito.
03:02Pero kung i-download ninyo at kayo pa ang magpakita sa iba,
03:06ibang usapan na yan dahil pasok na yan sa pinagbabawal sa batas
03:11ng pagpapakita sa publiko ng intellectual property
03:14na walang pahintulot ng may-ari nito.
03:17So, sana nakalinaw yan ang mga usaping batas.
03:20Talagang bibigyan nating linaw para sa kapayapaan ng pag-iisip.
03:24Huwag magdalawang isip.
03:26Ask me, ask Attorney Gabby.

Recommended