• 3 years ago
Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras Express ngayong Martes, September 13, 2022:

- Pres. Bongbong Marcos, pinirmahan ang EO na nag-uutos na ipagpaliban ang paniningil sa utang ng mga agrarian reform beneficiary ngayong 65th birthday niya

- 371 PDL mula sa iba't ibang piitan, pinalaya ngayong araw ng BuCor

- Transport groups, humiling sa LTFRB na aprubahan na ang nakabinbin nilang petisyong taasan pa ang pasahe sa jeep

- Ilang proyekto ng DOTr kabilang ang 'Libreng Sakay,' hindi na popondohan sa susunod na taon

- Implikasyon ng pagsusuot ng facemask sa bilang ng mga kaso ng COVID, babantayan daw ng DOH

- Pres. Bongbong Marcos, nilagdaan ang Sugar Order No. 1 na layong ilagay sa domestic use ang sugar production para sa taong 2022-2023

- Aberya sa transmission line ng NGCP na ugat umano ng biglang pagnipis ng supply ng kuryente sa Luzon, iniimbestigahan ng DOE

- NPC, pinagpapaliwanag ang ilang online gambling at bitcoin trading websites dahil sa paglipana ng personalized text scams

- Nalulugi ang ilang poultry owner dahil wala pang P100/KILO ang manok na inilalabas sa farm, ayon sa UBRA; bumababa ang farm gate price dahil sa imported na manok

- Ilang kaanak ng mahigit 30 nawawalang sabungero, patuloy na nanawagan ng tulong para mahanap ang kanilang mga kaanak; nagsagawa ng prayer vigil

- Rep. Bienvenido Abante Jr., binuhay ang panawagang buwagin na ang PCGG

- Apela ng ilang magsasaka, kahit 'wag na raw silang bigyan ng ayuda basta't bilhin sa tamang presyo ang kanilang ani

- OFW deployment sa Saudi, itutuloy na ulit simula Nov. 7, 2022 matapos mapagkasunduan ang mga hakbang para protektahan ang mga Pinoy

For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of 24 Oras.

24 Oras is GMA Network's flagship newscast, anchored by GMA News pillars Mike Enriquez, Mel Tiangco, and Vicky Morales, featuring top news stories from the Philippines and the hottest showbiz news on Chika Minute hosted by Iya Villania. Visit GMA News Online (http://www.gmanews.tv/24Oras) for more.

Recommended