• 2 years ago
Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras Express ngayong Huwebes, July 14, 2022:

- Vice Pres. at DepEd Sec. Duterte: Pagbabalik-eskuwela sa August 22, 2022 tuloy pa rin

- Classroom sa ilang paaralan, kukulangin daw kung ipatutupad ang physical distancing sa pagbabalik face-to-face classes

- Usec. Maria Rosario Vergeire, itinalaga ni Pangulong Marcos bilang OIC ng DOH

- Ambulansya na panay umano ang wang-wang at counterflow, tiniketan ng I-ACT; iba pang motorista na nakitaan ng paglabag, sinita

- Ilang customer ng Maynilad sa Metro Manila, pansamantalang mawawalan ng tubig dahil sa nasira nilang tubo

- China, iginiit na ilegal at wala raw bisa ang arbitral award na napanalunan ng Pilipinas noong 2016

- Ilang estudyanteng hirap sa online class, ikinatuwa ang pagbabalik ng full face-to-face classes

- Egg Council of the Philippines: Nakaapekto sa presyo ng itlog ang kakulangan sa supply at banta ng bird flu

- One Repatriation Command Center ng Dept. of Migrant Workers, ilulunsad sa susunod na linggo

- DTI, masusi daw na pag-aaralan ang bawat price adjustment sa mga bilihin

- Ipinapataw na interes ng Monetary Board ng BSP sa mga bangkong pinauutang nila, tinaasan

- Budget Sec. Pangandaman: Puwedeng palakasin ang iba pang ahensya ng gobyerno sa panukalang "rightsizing"

For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of 24 Oras.

24 Oras is GMA Network's flagship newscast, anchored by GMA News pillars Mike Enriquez, Mel Tiangco, and Vicky Morales, featuring top news stories from the Philippines and the hottest showbiz news on Chika Minute hosted by Iya Villania. Visit GMA News Online (http://www.gmanews.tv/24Oras) for more.

Recommended