• 3 years ago
Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras Express ngayong Lunes, July 18, 2022:

- Pres. Marcos, inatasan ang Dept. of Agriculture na pag-aralan ang mga programa para mapataas ang produksyon at mapababa ang presyo ng mga bilihin

- Libreng sakay sa EDSA Bus Carousel, pinilahan ng mga pasahero

- Ilang miyembro ng grupong nangho-hold up umano sa eastern Metro Manila at nambibiktima raw ng mga online seller, arestado

- Philippine Women's National Football Team, kampyeon sa AFF Women's Championship kontra Thailand

- Baha sa ilang lugar sa Maynila nitong sabado, inabot ng 4 oras bago humupa dahil sa hindi gumaganang pump

- Presyo ng uniporme at school supplies sa Divisoria, tumaas

- Hindi ire-require ng DepEd ang pagsusuot ng uniporme sa mga estudyante ng public school, ayon kay VP at DepEd Sec. Sara Duterte

- Pres. Marcos, ipagpapatuloy ang whole of nation approach para mabawasan ang climate risks sa bansa, ayon kay DOF Sec. Diokno

- Presyo ng gasolina, matatapyasan ng P5/L, bukas; P2/L sa diesel at P0.70/L sa kerosene

- Reklamong libel na inihain ng negosyanteng si Dennis Uy laban sa GMA News Online, ibinasura ng Davao city PRosecutor Office

- Dr. Solante: Ilang pasyenteng ginagamot sa mga ospital, mala-delta variant ng COVID ang nararanasang sintomas

- 2,285 bagong COVID-19 cases, naitala ngayong araw

- Pres. Bongbong Marcos, nakipagpulong kay DOH OIC Vergeire at iba pang opisyal kaugnay sa COVID-19 situation ng bansa

- OSG, kokunsulta sa DFA, DOJ, International Law Experts, at Office of The President kaugnay sa imbestigasyon ng ICC

For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of 24 Oras.

24 Oras is GMA Network's flagship newscast, anchored by GMA News pillars Mike Enriquez, Mel Tiangco, and Vicky Morales, featuring top news stories from the Philippines and the hottest showbiz news on Chika Minute hosted by Iya Villania. Visit GMA News Online (http://www.gmanews.tv/24Oras) for more.

Recommended