• 3 years ago
Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras Express ngayong Huwebes, October 13, 2022:

- Hanggang P4 na taas presyo sa Pinoy Pandesal at Pinoy Tasty, inapela ng bakers group; DTI, nakikipagnegosasyon para babaan ang hiling na taas presyo

- Comelec: Tuloy-tuloy ang paghahanda para sa Barangay at SK Elections sa October 2023; hanggang P10B dagdag budget, kakailanganin

- COA: Mahirap pa rin ang 90% ng kabuuang bilang ng tumatanggap ng 4Ps

- Mga taxi driver na nangongontrata o sobra maningil, target ng LTFRB sa ikinasang 'Oplan Isnabero'

- Sen. Jinggoy Estrada, gustong paimbestigahan ang seguridad sa Camp Crame at alegasyon ng hindi umano maayos na pagtrato sa ilang inmate

- PCCI: Papunta na sa mataas na growth trajectory ang Pilipinas dahil sa pagluluwag ng restrictions kontra COVID-19

- Pagtanggal ng value added tax sa ilang pangunahing bilihin gaya ng tinapay, mantika at de lata, isinusulong sa Kamara

- Manila North Cemetery, muling bubuksan sa mga bisita para sa Undas mula October 29-November 2, 2022

- Dating World Boxing Champion Luisito Espinosa, umapela ng tulong kay Pres. Marcos para makuha ang perang premyo sa naipanalo niyang laban noong 1997

- Guro na nagkusang ayusin at pagandahin ang classroom gamit ang sariling pera at ilang donasyon, hinangaan

- Paaralan sa Gapan, Nueva Ecija na nasira noong Bagyong Karding, pina-iimbestigahan ni Sen. Padilla kung gumamit ng substandard na materyales

For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of 24 Oras.

24 Oras is GMA Network's flagship newscast, anchored by GMA News pillars Mike Enriquez, Mel Tiangco, and Vicky Morales, featuring top news stories from the Philippines and the hottest showbiz news on Chika Minute hosted by Iya Villania. Visit GMA News Online (http://www.gmanews.tv/24Oras) for more.

Recommended