• 3 years ago
Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras Express ngayong Miyerkoles, March 2, 2022:

- Fuel subsidy sa mga tsuper, transport operator, mga magsasaka at mangingisda, inaprubahan na ni Pres. Duterte

- Special session ng Kongreso, kailangang ipatawag ni Pangulong Duterte para matalakay ang pag-amyenda sa 'Oil Deregulation Law'

- Bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw, bumaba sa 866

- Pagkawala ng van rental driver na bumiyahe umano sa Laguna at Batangas, iniimbestigahan kung may kinalaman sa sabong

- Ilang minimum wage earner, nababaon na sa utang dahil sa liit ng sweldo at mahal ng mga bilihin

- DEPED at CHED: hindi pa posible ang full face-to-face classes kahit hanggang 2023

- Sen. Lacson, ibinunyag na may impormasyon siyang hawak na may ilang pulis na posibleng sangkot sa pagkawala ng mga sabungero

- Bongbong Marcos, mas iniisip ang mga Pilipinong nasa Ukraine kaysa magkaroon ng stand sa pananalakay roon ng Russia

- Mayor Isko Moreno: mas prayoridad ang ibang energy resource kaysa pagbubukas ng Bataan Nuclear Power Plant

- Sen. Pacquiao sa mga 'di dumadalo sa debate: karapatan nilang 'di pumunta pero gustong malaman ng taumbayan ang kanilang plataporma

- VP Robredo, pabor sa same-sex civil union kahit sarado-katoliko raw siya

- Operasyon ng militar para tugisin ang teroristang grupong Dawlah Islamiya-Maute group sa Lanao Del Sur, pansamantalang itinigil para makalikas ang mga residente

For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of 24 Oras.

24 Oras is GMA Network's flagship newscast, anchored by GMA News pillars Mike Enriquez, Mel Tiangco, and Vicky Morales, featuring top news stories from the Philippines and the hottest showbiz news on Chika Minute hosted by Iya Villania. Visit GMA News Online (http://www.gmanews.tv/24Oras) for more.

Recommended