• 3 years ago
Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras Express ngayong Huwebes, March 17, 2022:

-Umano'y security breach sa operasyon ng Smartmatic na provider ng Comelec, inanunsyo nina Sen. Imee Marcos at Sen. Pres. Tito Sotto

-Nueva Ecija Gov. Aurelio Umali, sinabing nataon lang sa pamimigay ng ayuda ng LGU ang pagdating ng Uniteam

-P15 na dagdag sa base fare, ipinetisyon ng mga operator at driver ng TNVS dahil sa mataas na presyo ng langis at spare parts

-Sen. Pacquiao sa mga taga-suporta: Limited lang ang resources sa pangangampanya

-Hamon ni Sen. Ping Lacson sa mga kapwa kandidato sa pagkapangulo: maglapagan ng plataporma at solusyon sa gagawing debate ng Comelec

-VP Leni Robredo, pangarap daw para sa basilan ang programang pangkabuhayan, pagsusulong sa kultura at turismo

-Manila Mayor Isko Moreno, isa raw sa mga pagtutuunan ng pansin sakaling mahalal ang pagpapabuti ng internet connectivity sa bansa

-'Build, Build, Build' program na may kasamang digital infrastructure, isa sa mga tututukan ni Marcos sakaling Manalo

-Ang nagpapatuloy na aktibidad ng mga tumatakbo sa pinakamataas na posisyon ngayong #Eleksyon2022

-DOH: posibleng manatili sa Alert level 1 ang bansa hanggang sa katapusan ng termino ni Pres. Duterte

-Pagkamatay ng 2 siklistang nasagasaan ng van kahapon, ipinagluluksa ng kanilang mga mahal sa buhay

-Pres. Duterte, dinepensahan ang e-sabong na 'di daw dapat sisihin sa pagkawala ng mga sabungero; aabot sa P642-M ang naibibigay ng e-sabong kada buwan

-Comelec, nilinaw na 105,000 lang at hindi mahigit 5-M ang naimprentang bad ballots

For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of 24 Oras.

24 Oras is GMA Network's flagship newscast, anchored by GMA News pillars Mike Enriquez, Mel Tiangco, and Vicky Morales, featuring top news stories from the Philippines and the hottest showbiz news on Chika Minute hosted by Iya Villania. Visit GMA News Online (http://www.gmanews.tv/24Oras) for more.

Recommended