• 3 years ago
Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras Express ngayong Lunes, July 5, 2022:

- Unang Cabinet meeting ni Pres. Bongbong Marcos, isinagawa ngayong araw; sumentro ang pulong sa pagpapalakas ng ekonomiya

- Bantay Bigas, nanawagang bigyan ng subsidiya ang mga magsasaka ngayong planting season para dumami ang ani

- Dating Batangas Vice Gov. Ricky Recto, arestado matapos umanong magbanta na ipapakalat ang pribadong larawan ng dati niyang nobya; nahulihan ng 5 'di lisensyadong baril

- Umabot na sa 51,622 ang kaso ng dengue ngayong 2022, ayon sa DOH; pinakamarami sa Region 3, 7 at 9

- Patuloy na paghina ng piso kontra dolyar, posibleng magdulot ng taas-singil sa kuryente ngayong Hulyo

- PSA: Umakyat sa 6.1% ang inflation rate o bilis ng pagmahal ng presyo ng produkto at serbisyo sa bansa nitong Hunyo

- Sen. JV Ejercito, nanawagan kay Pangulong Marcos na paigtingin ang kampanya laban sa abusadong paggamit ng blinker at wang-wang

- Atty. Mrdo de Lemos, itinalaga bilang bagong OIC ng NBI; DOJ at NBI, nagpulong na hinggil sa kahina-hinalang pagkamatay ng ilang high-profile inmates sa Bilibid

- DSWD Sec. Tulfo, nagbabalang pananagutin ang mga amang 'di nagbibigay ng sustento sa kanilang anak

- COA: 59 sa 94 flood control projects ng MMDA, naantala o 'di natapos sa itinakdang kontrata

- Internet sa gitna at timog na bahagi ng bansa, layong palakasin gamit ang satellites ng Starlink ni Elon Musk

- Korte Suprema: Walang ginawang grave abuse of discretion ang ERC sa pagpayag nito sa Meralco na mag-power hike noong 2013

For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of 24 Oras.

24 Oras is GMA Network's flagship newscast, anchored by GMA News pillars Mike Enriquez, Mel Tiangco, and Vicky Morales, featuring top news stories from the Philippines and the hottest showbiz news on Chika Minute hosted by Iya Villania. Visit GMA News Online (http://www.gmanews.tv/24Oras) for more.

Recommended