• 2 years ago
Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras Express ngayong Martes, April 5, 2022:

- CHR, kinundena ang viral video ng ilang lokal na kandidato sa Laguna na umano'y nakakabastos sa kababaihan

- 237 counts ng vote buying, inihain laban sa tumatakbong kongresista na si Rose Nono Lin at iba pang indibidwal

- Patuloy na pinag-aaralan kung paano makokolekta ang estate tax mula sa pamilya Marcos, ayon kay finance Sec. Dominguez

- Nagpapakalat na naman ng black propaganda ang mga kalaban ni dating senador Bongbong Marcos, ayon sa kaniyang tagapagsalita na si Atty. Vic Rodriguez

- Nasa P500,000 halaga ng smuggled na carrots at broccoli, nakumpiska sa Divisoria

- 4 na Pilipinong tripulante, arestado dahil sa 416kl ng cocaine na hinihinalang galing sa kanilang barko

- Lacson, handang maghain ng petisyon para tuloy-tuloy ang fuel subsidy sa mga driver

- Sara Duterte, nangampanya sa Lubao, Pampanga na balwarte ni ex-Pres. Arroyo; BBM, wala sa birthday party ni Arroyo

- DEPED: face-to-face classes sa mga lugar na nasa alert level 1 at 2, nakadepende pa rin sa kahandaan ng LGU

- Moreno, dumalo sa pagbubukas ng Binondo-Intramuros bridge

- Ang nagpapatuloy na aktibidad ng mga tumatakbo sa pinakamataas na posisyon sa #Eleksyon2022

- Lorenzana: barko ng China, nagmamanman sa joint military exercises ng Pilipinas at Amerika

- Tambalang Leni-Kiko, pumirma ng kasunduan para isulong ang karapatan at kapakanan ng mga katutubo

- Rose Nono Lin, itinanggi ang alegasyon ng vote buying

For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of 24 Oras.

24 Oras is GMA Network's flagship newscast, anchored by GMA News pillars Mike Enriquez, Mel Tiangco, and Vicky Morales, featuring top news stories from the Philippines and the hottest showbiz news on Chika Minute hosted by Iya Villania. Visit GMA News Online (http://www.gmanews.tv/24Oras) for more.

Recommended