• 3 years ago
Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras Express ngayong Martes, September 20, 2022:

- DOJ Sec. Remulla, planong makipag-usap sa Chinese ambassador para ma-deport ang mga illegal POGO workers; nasa 40,000 raw ang nasa bansa ngayon

- Pres. Marcos, nakipagpulong at hinikayat ang mga negosyante sa Amerika na mamuhunan sa Pilipinas; ibinida ang mga manggagawang Pilipino

- Ilang lugar sa Metro Manila, binaha dahil sa malakas na ulang dala ng habagat; klase sa ilang lungsod, kinansela

- Mahigit 1,400kg ng mga botcha, hot meat at mishandled frozen meat, nakumpiska sa Tarlac

- DMW at POEA, nagdaos ng job fair para tulungan ang mga biktima ng illegal recruitment; may alok ding legal assistance

- Kampo ni Deniece Cornejo, sinabing sa Taguig City Jail dapat idetine ang aktor na si Vhong Navarro at hindi sa NBI

- Ad-interim appointment ni DOLE Sec. Bienvenido Laguesma, aprubado na ng Commission on Appointments

- SRA: Bababa na ang presyo ng asukal sa Nobyembre dahil full operation na ang halos lahat ng malalaking gilingan

- Palitan ng piso kontra dolyar, sumadsad pa; P57.48 = $1

- 6 na sindikato na posibleng nasa likod ng text scams, iniimbestigahan

- DOH OIC Vergeire: Pinag-aaralan na kung puwede nang luwagan ang requirements sa pagpasok ng mga dayuhan sa bansa

For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of 24 Oras.

24 Oras is GMA Network's flagship newscast, anchored by GMA News pillars Mike Enriquez, Mel Tiangco, and Vicky Morales, featuring top news stories from the Philippines and the hottest showbiz news on Chika Minute hosted by Iya Villania. Visit GMA News Online (http://www.gmanews.tv/24Oras) for more.

Recommended