Today's Weather, 4 A.M. | Dec. 4, 2024
Video Courtesy of DOST-PAGASA
Subscribe to The Manila Times Channel - https://tmt.ph/YTSubscribe
Visit our website at https://www.manilatimes.net
Follow us:
Facebook - https://tmt.ph/facebook
Instagram - https://tmt.ph/instagram
Twitter - https://tmt.ph/twitter
DailyMotion - https://tmt.ph/dailymotion
Subscribe to our Digital Edition - https://tmt.ph/digital
Sign up to our newsletters: https://tmt.ph/newsletters
Check out our Podcasts:
Spotify - https://tmt.ph/spotify
Apple Podcasts - https://tmt.ph/applepodcasts
Amazon Music - https://tmt.ph/amazonmusic
Deezer: https://tmt.ph/deezer
Tune In: https://tmt.ph/tunein
#themanilatimes
#weatherupdatetoday
#weatherforecast
Video Courtesy of DOST-PAGASA
Subscribe to The Manila Times Channel - https://tmt.ph/YTSubscribe
Visit our website at https://www.manilatimes.net
Follow us:
Facebook - https://tmt.ph/facebook
Instagram - https://tmt.ph/instagram
Twitter - https://tmt.ph/twitter
DailyMotion - https://tmt.ph/dailymotion
Subscribe to our Digital Edition - https://tmt.ph/digital
Sign up to our newsletters: https://tmt.ph/newsletters
Check out our Podcasts:
Spotify - https://tmt.ph/spotify
Apple Podcasts - https://tmt.ph/applepodcasts
Amazon Music - https://tmt.ph/amazonmusic
Deezer: https://tmt.ph/deezer
Tune In: https://tmt.ph/tunein
#themanilatimes
#weatherupdatetoday
#weatherforecast
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Magandang umaga po sa ating lahat, narito ang latest weather update ngayong araw ng Wednesday, December 4, 2024.
00:08Sa kasalukuyan po ay wala tayong binabantayan na LPA o bagyo sa loob at labas ng ating Philippine Area of Responsibility.
00:15Yung northeast monsun po natin ay nakakaapekto na lamang dito sa may extreme northern Luzon area.
00:21At ayon sa ating latest satellite image, meron po tayong namamataan na linya ng mga kaulapan na nakakaapekto sa may silangang bahagi ng northern Luzon.
00:29So dahil po yan sa efekto ng northeast monsun or pagsasalubong ng hanging amihan or northeast monsun
00:35at yung mainit na hangin na nagagaling sa karagatang pasipiko.
00:38So dyan po nagsasalubong yung dalawang hangin po na yan.
00:41Yan po yung shear line o yung pagsasalubong ng malamig at mainit na hangin.
00:46Nakita po natin na nakakaapekto ito sa may silangang bahagi ng northern Luzon.
00:50So possible po sa may hilagang Luzon area ay makakaranas pa rin po tayo ng maulan na panahon,
00:55dulot po ng efekto nitong shear line.
00:58Samantalang sa nalalabing bahagi naman po ng ating bansa,
01:01wala po tayong namamataan na makakapal na kaulapan na posible pong magdulot ng buong araw na tuloy-tuloy na mga pagulan.
01:08So asaan po natin generally?
01:10Fair weather conditions sa malaking bahagi po ng ating kapuluan.
01:13Diba na lamang po yung mga posibilidad na mga biglaan o mga panandaliang buhos ng ulan,
01:19dulot po ng mga localized thunderstorms.
01:22So magiging lagay po ng panahon ngayong araw dito sa Luzon,
01:25gaya po ng nabanggit natin kanina, dulot po ng efekto ng shear line,
01:29ilang bahagi po ng hilagang Luzon ay makakaranas ng maulan na panahon.
01:33Particularly dyan po sa malaking bahagi ng Cagayan Valley,
01:36sa may Cordillera Administrative Region,
01:38pati rin rin sa may Ilocos Norte at Ilocos Sur dyan po sa may Ilocos Provinces.
01:42Asaan po natin yung makulimlim na panahon at may mga posibilidad pa rin na mga kalat-kalat,
01:47mga pagulan, pagkidlat at pagkulog,
01:49dulot po ng efekto ng shear line.
01:51At sa nalalabing bahagi naman po ng Luzon,
01:54fair weather conditions po inaasahan natin,
01:56except na lang po yung mga posibilidad na mga biglaan o mga panandaliang buhos ng ulan,
02:01dulot ng mga localized thunderstorms na mas madalas pong nararanasan sa hapon o sa gabi.
02:07Temperature forecast naman po natin sa mga piling syudad dito sa Luzon,
02:10dahil inaasahan po natin na magpapatuloy yung maulan na panahon,
02:14lalong-lalong na po sa areas ng Cagayan Valley,
02:16ay mababa po yung temperature inaasahan natin dito sa Tuguegarao,
02:20na maaaring maglaro lamang mula 24 hanggang 27 degrees Celsius.
02:25Para naman sa Baguio, temperature po natin maglaro mula 18 hanggang 23 degrees Celsius,
02:3031 degrees Celsius naman maximum temperatures para sa Lawag,
02:34at 32 degrees Celsius maximum temperatures inaasahan natin ngayong araw dito sa Metro Manila,
02:39pata na rin sa Legazpi City.
02:41At sa Tagay tayo naman, yung agot ng temperatura ay maglaro mula 21 hanggang 30 degrees Celsius.
02:49Sa lagay naman po ng panahon sa nalalabing bahagi ng ating bansa dito po sa Palawan, Visayas at Mindanao,
02:55dahil wala po tayo na mataan na weather system na posible pong magdulot ng buong araw ng mga pagulan,
03:01fair weather din po yung inaasahan natin except na laman po yung mga biglaan o mga panandaliang buhus ng ulan,
03:06so mainit pa rin po, lalong-lalo na pagdating ang tanghali at may mga posibilidad pa rin na mga biglaan o mga panandaliang buhus ng ulan,
03:13dulot ng mga localized thunderstorms na mas madalas nararanasan sa hapon o sa gabi.
03:19Temperature forecast naman para sa mga piling syudad dito po sa Palawan, Visayas at Mindanao,
03:25agot po ng temperatura para sa Kalayaan Islands, maglaro mula 26 hanggang 31 degrees Celsius,
03:3126 to 32 degrees Celsius naman para sa Puerto Princesa.
03:34Maximum temperatures naman para sa Iloilo at Cebu, aabot ng 31 degrees Celsius,
03:40at yung agot ng temperatura para sa Tacloban ay maglaro mula 25 hanggang 32 degrees Celsius.
03:46Samantalang dito po sa Cagayan de Oro, yung agot po ng temperatura inaasahan maglaro mula 25 hanggang 31 degrees Celsius,
03:53maximum temperatures para sa Davao ay aabot ng 34 degrees Celsius,
03:59at para naman po dito sa Zamboanga, agot ng temperatura ay maglaro mula 24 hanggang 33 degrees Celsius.
04:07Sa kasalukuyin po, may nakataas pa rin tayong weather advisory,
04:11or babala po sa malalakas ng mga pagulan sa susunod na tatlong araw dito po sa bahagi ng hilagang luzon-dulot yung naepekto ng shear line.
04:19So for today po, inaasaan pa rin natin ang posibilidad ng heavy to intense na mga pagulan sa may areas po ng Cagayan,
04:27pati na rin sa Isabela, so for total rainfall po yan for the next 24 hours,
04:32at moderate to heavy naman po sa Apayaw at Kalinga.
04:35So yung heavy to intense po yan, makaaring umabot ng 200 millimeters yung lakas ng mga pagulan,
04:40at sa moderate to heavy naman po, makaaring umabot mula 50 to 100 millimeters.
04:45So inaibig sabihin po nito, ay ngayong araw magiging malakas po or possible yung malalakas mga pagulan,
04:51lalong-lalo na po sa areas kung saan nakataas yung orange or yung heavy to intense mga pagulan,
04:56at pinag-iingat po yung ating mga kabayan dahil posible yung mga pagbaha, pati na rin yung pag-uunang lupa.
05:03Bukas naman magpapatuloy pa rin yung mga pagulan or malalakas mga pagulan,
05:07especially sa ilang bahagi pa rin po ng Northern Luzon, almost similar areas pa rin po,
05:12heavy to intense pa rin ay posible sa Cagayan, at moderate to heavy naman sa Isabela at sa Apayaw.
05:18At pagdating naman po ng Thursday, unti-unti na po nghihina yung efekto nitong shear line,
05:22although asaan pa rin po natin, possible pa rin yung moderate to heavy ng mga pagulan sa area po ng Cagayan.
05:29So tatlong araw po yan, na posible pong magdulot ng malalakas mga pagulan itong shear line,
05:34so patuloy pong pinag-iingat yung ating mga kabayan dyan sa may Northern Luzon.
05:39Sa kalagayan naman po ng ating karagatan, wala po tayong gale warning na nakataas sa anumang baybayin ng ating bansa,
05:45kaya malaya pong mga kapalaot ang ating mga kababayan na may mga maliit na sakyang pandagat.
05:50Iba yung pag-iingat lamang po sa mga planong pong malaot sa mga dagat baybayin ng Northern Luzon,
05:55dahil yanasaan po natin yung katamtaman hanggang sa maalon na karagatan.
06:00Sunrise po natin ay 6.07 a.m. at sunset ay 5.26 p.m.
06:06Para sa karagdagang impormasyon, bestahin lamang po ang aming social media accounts
06:10at ang aming website pagasa.bost.gov.ph.
06:14Yan lang po politas mula dito sa pag-aas sa Weather Forecasting Center.
06:18Ako po si Rhea Torres.
06:19Magandang umaga po sa ating lahat.