Kabi-kabila ang tumatakbosa darating na eleksyon. Ang mga nasasangkot sa kaso, may balak ding tumakbo! Puwede kaya ito?
Alamin ‘yan kasama ang ating #KapusoSaBatas, Atty. Gaby Concepcion.
Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.
Alamin ‘yan kasama ang ating #KapusoSaBatas, Atty. Gaby Concepcion.
Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.
Category
😹
FunTranscript
00:00Mga Kapuso, may I get your attention?
00:10Gusto ko lang pong i-annuncio na yes, totoo po, totoo po, tatakbo po ako sa Pan-Run.
00:17Akala niyo, kayo talaga.
00:19Uso kasi ngayon ang kabilang pagtakbo.
00:22On a serious note, marami talaga nagsasabi ngayon na tatakbo sila sa darating na eleksyon.
00:28Napare-act nga ang marami sa mga balitang nagbabalak-tumakbo ang mga nasasangkot sa kaso
00:33at yung iba nga, minsan nang na-dismiss pa sa posisyon.
00:37Ang tanong na marami, pwede nga ba yan?
00:40Ask me, ask Attorney Gabby.
00:45Attorney, derechahan na, kahit nga ba may kinakaharap na kaso o na-dismiss na noon sa pwesto,
00:51pwede pa ring tumakbo.
00:53Unfortunately, parang ganun na nga po.
00:56Sa ilalim ng ating Omnibus Election Code,
00:58ang mga disqualified na tumakbo
01:00ay yung merong tinatawag ng final judgment sa isang kasong kriminal
01:04na more than 18 months ang penalty
01:06o kung ito ay isang crime involving moral turpitude
01:09unless nagkaroon nga ng pardon o amnesty.
01:12Two important things.
01:14Pag crime involving moral turpitude, mabigat pakinggan,
01:16pero madari lang ang ibig sabihin.
01:18Mga krimen na alam natin ay likas na mali.
01:21So malamang ito yung mga krimen na may involve na pagsisimuling,
01:24pagnanakaw, pagpatay at pananakit.
01:27You get the idea.
01:28Pero ito ang mas importante,
01:30para ma-disqualify sa pagtakbo,
01:32ay final judgment po ang kailangan.
01:35So kung ongoing pa ang kaso, naka-appeal ito o na-dismiss ito,
01:38pwede pa mag-file ng candidacy at tumakbo.
01:41Kasi nga we are all presumed innocent until proven guilty.
01:45At ganun din ang requirement sa ilalim ng Local Government Code
01:48para sa magustong tumakbo for a local government post.
01:51Ang disqualified lamang ay yung sentenced by a final judgment rin.
01:55Pero kung kasama dito yung mga natanggal as a result of an administrative case,
02:00yung mga dual citizen, mga fugitive from justice,
02:03whether here or abroad at iba pa,
02:05kasama sila sa disqualified.
02:07Pero malinaw kung natanggal na da-accept na pwesto
02:10dahil sa administrative na kaso
02:12o kung sa mga nakasuha na by final judgment na isang krimen,
02:16hindi na dapat pwede.
02:18You had your time to do good.
02:21Sana e, ginawa niyo na ng mabuti dito.
02:23But in any case, disqualified na sila.
02:25Attorney, paano kung manalo ang kandidatong may kaso at na-convict?
02:30Automatic ba ang forfeited, ang pagkapanalo niya?
02:33Yes, automatic na yan.
02:35Meron tayong kinikilalang principle of continuous qualification.
02:39Ibig sabihin ng isang kandidata for public office,
02:42hindi lamang dapat qualified at the time of his election,
02:46dapat ay he remains qualified pa rin at walang disqualification
02:50hanggang matapos ang kanyang termino.
02:52So kung biglang magkaroon ng final judgment habang siya ay mayor,
02:55halimbawa, automatic na tanggal siya
02:58at mapapalitan siya ng kanyang natural successor
03:01sa ilalim ng ating local government code,
03:03ang vice mayor.
03:05Yan ako, vote wisely.
03:07Madaming ang tumatakbo pero nasa atin po ang desisyon
03:10kung sinong iboboto natin.
03:12Vote wisely.
03:13So in any case, mga usaping batas,
03:15bibigyan po nating linaw para sa kapayapaan ng pag-iisip.
03:19Huwag magdalawang isip.
03:21Ask me.
03:22Ask Eternity Guide.