• 3 months ago
Panayam kay National Anti-Poverty Commission Sec. Lope Santos III ukol sa pagpapatupad ng Magna Carta for the Poor

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:30 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pagpapatupad ng Magna Carta for the Poor, ating tatalakayan kasama si Secretary Lopez Santos III,
00:07ang lead convener ng National Anti-Poverty Commission.
00:11Secretary Lopez, magandang tanghali po.
00:14Magandang tanghali, Usec Margs, Nina, at na-invita niyo uli ako dito sa inyong programa, Bagong Pilipinas.
00:21Yes, welcome back, sir.
00:23Secretary, para mas maunawaan po ng ating mga kababayan,
00:26ano po bang Magna Carta for the Poor at ano po ang layunin at kahalagahan nito base sa nakasaad po sa Republic Act No. 11291?
00:36Ang Magna Carta for the Poor ay pagtugon sa patakaran ng Estado na iangat ang kabuhayan at pamumuhay
00:45ng ating mga kababayan, lalo na yung mga mahihirap sa pamamagitan ng mga sectoral, area-based and focus programs
00:55upang matamo yung minimum basic needs at sa pamamagitan ng partnership ng national government, local governments at basic sector.
01:06Sir, Secretary, maaaringin po bang ibahagi sa amin yung ilang sa mahalagang detalye
01:12ng implementing rules and regulations ng Magna Carta of the Poor?
01:15At ano po ang significance ng mga ito sa implementation process?
01:19Basically, yung implementing rules and regulations ng Magna Carta of the Poor ayun din sa batas.
01:28Ito ay unang nalagdaan noong 2021. Yung batas ay naisakatuparan noong 2019.
01:39Subalit nagkaroon ng pandemic during that time, medyo na-delay yung IRR.
01:44It was signed by former NAPSILID convener, the former cabinet secretaries and the basic sector.
01:55Ang features naman ito ay nagsasabi ano yung 5 fundamental rights ayin sa Magna Carta of the Poor
02:02which include adequate housing, adequate food, decent work, highest attainable standard of health, relevant and quality education, and of course social protection.
02:19Yan yung mga pangunahing tunguhin ng Magna Carta of the Poor.
02:25At kasamay niyan, yung pagbalangkas ng National Poverty Reduction Plan which is the main mandate of NAVSEA in the implementation of Magna Carta of the Poor.
02:34At kasama rin diyan yung mandato ng mga local government units to prepare their respective local poverty reduction action plan.
02:42Where the local government agencies and the basic sector, national government agencies and other stakeholders will focus their effort on the 5 fundamental rights.
02:53So basically, yun yung laman ng ating IRR.
02:57Okay.
02:58Secretary, ano naman po ang masasabi ninyo sa pahayag ni Congressman Rodante Marcoleta
03:03ng sagip party list na hindi sapat ang pagpapatupad ng NAPSEA at ng NEDA ng Magna Carta of the Poor?
03:11Ano po ba ang role ng NAPSEA sa pagpapatupad po nito?
03:16Kapasalaman tayo kay Congressman Marcoleta sa pagkat mabuti na nasabi niya yung ganitong sitwasyon.
03:25Sa pagkat magkaroon tayo ng pagkakataon na mailinaw ano ba yung ginagawa ng NEDA at saka ng National Anti-Poverty Commission in accordance with law.
03:34So yung sinasabi na wala tayong IRR, meron na po. In fact, 2021 pa yan.
03:40Presently, dahil merong mga amenda na kailangan, ongoing yung process ng amendment,
03:47at yung implementation nito in terms of programs na kailangang ipatupad,
03:54ang magbuhat po sa batas ito ay nakalagay naman na dun sa batas.
03:58Ano yung mga programa na tututukan?
04:00Tututukan ng programa ng DSWD, nakalagay halimbawa dun yung 4-Piece Sustainable Livelihood Program.
04:08Sa DOLE, nakalagay dun yung Emergency Employment Program, kasama na yung tupad.
04:14Sa DepEd, kasama yung voucher system, kasama yung supplemental feeding program,
04:21socialized housing program, universal healthcare program.
04:24So nakalagay na po yan sa mga batas at nagtuloy-tuloy yan.
04:28At dahil dun po sa ginawa natin na National Poverty Reduction Plan,
04:32may napurubahan na ito ng NAPCI and Bank,
04:35ay nailatag na natin ano yung mga programa.
04:38At nakita natin na noong 2023 General Appropriations Act,
04:42ay meron tayong nai-enroll ng mga programa from national government agencies
04:47amounting to Php 616 billion worth of projects,
04:51excluding the infrastructure projects that also create employment and livelihood for our people.
04:58And ito yung sinasabi ko na pagtugun doon sa 5 fundamental rights.
05:04At natutuwa po tayo, yung ating mga kongresista at mga senador
05:09ay tumutulong upang tuloy-tuloy napunuan itong mga programa na ito.
05:12So the programs and projects are already in place and funded within the General Appropriations Act.
05:19Bagamat may mga nakikita pa kaming kailangan tugunan, kailangan dagdagan ng mga budget,
05:24but we can say ang mga programang ito ay nakatulong doon sa pagbaba ng poverty incidence
05:30from 2021 na 18.1% to 15.5% noong 2023.
05:35So nagsama-sama itong mga programa na ito.
05:38Sir, siguro para po mas maunawaan ng ating mga kababayan,
05:42bukod sa mga nabanggit nyo po,
05:44maari po ba kayong magbigay ng ilan pa sa mga accomplishments ninyo
05:48in relation sa Magna Carta of the Poor?
05:51At sino-sino po ang mga nakasama ng NAPC sa pagpapatupad po nito?
05:56Well, una, binalikan natin yung batas.
05:59Noong ako ay nai-appoint ng ating Pangulong Perdinad Marcos.
06:02Nakalagay doon, dapat mayroong National Poverty Reduction Plan.
06:05And we did that immediately.
06:07Nagkaroon tayo ng consultation sa ating mga kababayan,
06:12sa mga basic sector, national government agencies, and local government units.
06:16Atin nga ay na-approba noong July 10, 2024.
06:20At iyan ay i-roll out na natin doon sa mga LGUs.
06:25At nabalangkas din natin yung Joint Memorandum Circular
06:29with DSWD, DILG, PSA, and of course yung NAPC-ANEDA.
06:35Yung Joint Memorandum Circular for the Formulation and Implementation of National Poverty Reduction Plan.
06:41At na-conduct na natin yung orientation seminar sa lahat ng probinsya ng ating bansa.
06:48So, inabot namin ito at naipaliwanag na namin yung Magna Carta of the Poor.
06:52And they are now ready to prepare their respective Local Poverty Reduction Action Plan.
06:59At pipirmahan na din namin ng DILG yung Joint Memorandum Circular for Local Poverty Reduction Action Plan.
07:06Alam nyo, kailangan ng mga legal coverage para ito ay tumakbo.
07:11At ito ay nagawa na natin.
07:13Ang susunod dito siyempre yung harmonization, convergence,
07:17ng mga programs ng National Government Agencies at saka ng mga Local Government Units.
07:22At nakikita namin, ang daming programa nagtutulungan yung LGUs at saka yung NGAs
07:27sa pagpapatupad ng mga programa upang tugunan yung five fundamental rights
07:32na nakalaan dun sa Magna Carta of the Poor.
07:34May specific budget po ba na allocated para sa mga LGU
07:39para po dito sa Poverty Reduction Action Plan ng mga ito?
07:43At kumusta din po ang compliance ng mga Local Government Units tungkol po dito?
07:48Yung ating LGUs ay may sarili namang budget.
07:54Pinuprogramman nila yung budget na yan based sa kanilang annual investment program.
08:01At naka-allocate na yung pondo nila, paano gagamitin.
08:05Meron silang development funds na nandyan.
08:08At yung development funds na yan ay inilalaan ng mga LGUs
08:11depended dun sa pangailangan ng kanilang mga constituents.
08:16At bati dun sa mga pangailangan na yan ng mga constituents nila,
08:19pumapasok din yung National Government Agencies.
08:22At nakikita namin, nagko-complement yung programs.
08:25Kung ang priority halimbawa ng LGU ay agricultural development,
08:28yung Department of Agriculture ay nandyan.
08:31Kung ang kailangan nila ay mga livelihood programs,
08:35nandyan yung tumutulong yung DTI, nandyan yung DOLE,
08:39kung kailangan ng supplemental feeding program,
08:41nandyan yung DSWD, nandyan yung DepEd, at nandyan din yung iba pang mga sektor.
08:46So ganyan po yung example nung nakikita namin yung pagtutulungan,
08:50convergence, harmonization ng mga programa ng ating pamahalaan.
08:54Sir, paano naman po sinisiguro ng NAPSE
08:57na naka-align sa National Poverty Reduction Effort,
09:00yung mga local initiative efforts?
09:03Yan yung una nating sinisigurado.
09:05Inaangkulan natin yung National Poverty Reduction Plan natin
09:09at National Anti-Poverty Action Agenda,
09:11dun sa Philippine Development Plan.
09:13At nakita natin yung mga comprehensive development plans
09:17ng mga local government units,
09:19ay naka-ancored din dun sa Philippine Development Plan.
09:22So madali na nating may-align yung kanilang mga programa ng ating LGUs,
09:29sapagkat halos nung tinignan namin yung kanilang mga current programs,
09:35ay nakita namin ay konting yung mga adjustments na lang na kailangan.
09:38But of course, they need additional resources
09:43to address yung mga specific development needs,
09:47particularly those needs identified during the community-based monitoring system
09:56ng PSA at saka ng mga local government units.
09:59Sa ngayon, ano po yung hinaharap na challenges o hamo ng NAPC
10:03sa pagpapatupad po ng Magna Carta of the Poor?
10:06Yung mismong mandato namin na harmonization and convergence.
10:10Yan yung challenge.
10:12Dahil maraming agencies, maraming organizations involved,
10:18maraming sector na-involved.
10:20Yan yung challenge, paano namin sila pagsasamah-samahin
10:23at paano pagsasabay-sabayin yung mga programa.
10:26Halimbawa, mayroong programa sa ating mga magsasaka,
10:29dapat ang mga programa dyan ay hindi lang yung intervention ng DA.
10:33Dapat nandyan din yung intervention ng DOLE, intervention ng BIFAR,
10:39intervention ng DSWD, ng DepEd.
10:41Yan yung sinasabi naming harmonization.
10:43At yan, ang nakikita namin, mangyayari yan through the local poverty reduction action planning.
10:50At maganda yung mga ugnayan naman ng ating LGUs at ng national government agencies.
10:57Sir, mensahin niyo na lang po sa ating mga kababayan at sa mga mambabatas
11:02tungkol sa pagpapatupad ng Magna Carta of the Poor.
11:06Well, nanawagan po tayo dun sa ating mga kaibigan sa Senado at sa Kongreso
11:12na magtiwala po kayo na ang NEDA at ang National Anti-Poverty Commission
11:17na patuloy pinapatupad ang Magna Carta of the Poor
11:20kasama ang mga national government agencies, basic sector at local government units.
11:26Of course, nanawagan din tayo na sana, dagdagan niyo pa ng budget.
11:30Yung operations ng National Anti-Poverty Commission,
11:34hindi lang sa capacity building, hindi lang sa program monitoring,
11:38but yung actual poverty reduction programs and projects
11:42na iisip po ng ating mga batayang sektor at mga local government units.
11:47Maraming-maraming salamat po.
11:48Bakit magkano po ba?
11:50Ang budget lang ng NAPC, more than P300 million lang
11:54to cover yung aming operations at the national level.
11:58We are monitoring these enrolled programs of more than P600 billion.
12:03And we are working with more than 1,500 municipalities,
12:09133 cities and 83 provinces.
12:13So medyo, if we will provide technical assistance,
12:16that small budget will not be enough for us to cover and implement our own mandates.
12:23Magkano po sana ang hinihingi ninyo?
12:26Well, nanghingi kami, unang-una, yung hinihingi namin,
12:30na maitayo ito dahil sa batas ng National Anti-Poverty Commission,
12:34dapat merong P4.5 billion na People's Development Trust Fund
12:39na hanggang ngayon, ito ay tinadhana ng batas,
12:42pero hindi pa na ipapatupad at ito ay hinihiling natin sa ating Pangulo
12:46at sa ating mga mambabatas na ponduhan na itong unfunded funds na ito.
12:51Kasi kung ito ay maponduhan, hindi naman namin gagamitin yung P4.5 billion.
12:55Ang gagamitin lang namin dito ay at least yung interest income
12:59at malaki ng bagay yun para magtuloy-tuloy yung aming capacity building program
13:03with LGUs and basic sector, including itong mga technical assistance sa kanila.
13:09Wow, from P300 million to P4.5 billion.
13:13Yeah, yan yung nasa batas kasi na dapat merong kaming People's Development Trust Fund.
13:17Yes. Okay, good luck po sa inyo, sir.
13:20Good luck, sir, at sana po marinig huna lang yung diying niyo po.
13:23Maraming maraming salamat ulit at inaasahan natin itong ating panayam ay mapakinggan
13:28ng ating mga kaibigan na sa Senado at sa Congress.
13:31May replay naman to diba ninyo?
13:32Yes, ulitin po yan mamaya sa IBC 13, di ba? At saka dito rin po sa PTV4.
13:38Maraming salamat po sa inyong ora, Secretary Lopez Santos III,
13:42ang lead convener ng National Anti-Poverty Commission.

Recommended