• last year
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 10:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Patungkol naman sa MPOX cases sa bansa, kausapin po natin si Health Assistant Secretary Albert Domingo,
00:05ang tagkapagsalita ng DOH. Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali. Si Connie Sison po ito.
00:11Magandang umaga, Connie. Magandang umaga sa mga nanonood at nakikinig po sa atin.
00:15Okay. Nagsimula na hu ba ang contact tracing sa dalawang bagong kaso ng MPOX, si MPOX case number 13 at 14?
00:23Yes, Connie. Meron na tayong ongoing contact tracing for case 13 and case 14.
00:28Si case 13, meron tayong dalawa na close contacts na identified. Asymptomatic, wala siya nilang simptomas.
00:35Tapos si case 14 natin ay apat yung na-identify na close contact. Wala rin sila mga simptomas to date.
00:42At patuloy ang monitoring natin sa kanila.
00:44Okay. Sa ngayon po, ano na yung estado ni MPOX case number 10, 11, and 12? Gumaling na hu ba sila?
00:52Ang lahat po ng ating kaso na active, ating limang kaso ay gumagaling. Iba-ibang lugar lang po.
00:58Si case 11 at case 12 ay parehong nasa ospital, magkahiwalay ng ospital.
01:04Dahil meron silang mga ibang kondisyon. Di lang natin ma-disclose for privacy.
01:08Pero ito ay mga kondisyon maliban sa MPOX. Pero yung MPOX nila ay gumagaling.
01:13Si case number 12, 13, and 14, silang tatlo yung mga pinayagang makauwi sa bahay.
01:21Home isolation, gumagaling rin. Maximum lang siguro around mga 2-4 weeks.
01:26Depende kung gaano katagal bago matuyo yung kanilang mga butlig sa balat.
01:30Sa usapin po ng bakuna, napag-uusapan na po ba yung procurement nito kung sakali?
01:34Sabi nga ho, Php2,000 hu ba ang inyong initial na hinihingi?
01:39Yes. Sa usapin ng bakuna, ating tinitingnan yung bakuna ang tinatawag na JYNNEOS.
01:47Yan po yung bakuna na gagamitin.
01:49Bagamat ngayon kasi Connie, ang international strategy is ibuhos muna ang bakuna dun sa Africa,
01:55sa Democratic Republic of the Congo kung nasaan napaka-intense ng hawaan.
02:00So pagka nag-iba na yung strategy, nakapila tayo, tayo ay nag-request ng 2,000 doses itong JYNNEOS vaccine.
02:08Kung paano yung eksakto nga paraan, na kung ito ba procurement or donation,
02:13may kasimpasibility na baka maging donation siya.
02:15Depende kung anong availability at anong source.
02:18We will see to it na makakuha tayo.
02:20Pero ano ba ang talagang dapat gawin? Ano para hindi magkahawaan kapag may mpax?
02:26Magandang tanong yan Connie, at ito na rin yung assurance natin na ang mpax ay ibang-iba sa COVID-19.
02:32Kung sa COVID-19, ang pinaka sinasabi natin is magsuot ng mask, social distancing,
02:38rin yung mga familiar. Dito sa mpax, dapat iwas tayo sa dikit-dikit, iwas tayo sa balat sa balat.
02:44Ang hawaan ng mpax ay close, intimate, physical contact, both sexual and non-sexual,
02:51sa pagkipagtalik o kaya kahit hindi nagtatalik.
02:54Ang mahalaga is huwag tayo magdikit-dikit ng balat.
02:56Practical advice, pag tayo ay namamasahe sa tren, sa jeep, magsuot mo na ng long sleeves,
03:02o kaya ng jacket, o kaya yung mga forearm warmer, yung nakatakip, para yung balat natin hindi dumidikit.
03:07Huwag mo na magpalda, huwag mo na magshorts, mas maganda nakapantalon,
03:10para hindi rin nagtidikit yung ating mga binte.
03:13Kung kailangan maglapit ang muka, kaya rin nagbubulungan,
03:16o kaya barbero ka, nagugupit ka ng patilya, lumalapit ka dun sa ginugupitan mo,
03:21magsuot mo ng face mask para hindi tayo maghihingahan.
03:24Kasi dun lang pwede siyang tumakbo sa hingahan.
03:27I see. All right. Marami pong salamat sa inyong binigay sa aming mga tips na yan at informasyon.
03:32DOH Assistant Secretary Albert Domingo. Thank you po.
03:38Kapuso, para sa mga may init na balita, mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube.
03:43Sa mga kapuso naman abroad, subaybayan nyo kami sa GMA Pinoy TV at sa www.gmanews.tv.

Recommended