Panayam kay Project Technical Ass. Head for Strategic Communication and Creatives Ma. Christine Joyce Larga ng DOST-NCR patungkol sa 2024 Pamana Agham: Siyensya sa Bawat Habi at Hibla

  • 2 weeks ago
Panayam kay Project Technical Ass. Head for Strategic Communication and Creatives Ma. Christine Joyce Larga ng DOST-NCR patungkol sa 2024 Pamana Agham: Siyensya sa Bawat Habi at Hibla

Transcript
00:002024 Pamana Agham, Shensa sa Bawat Habi at Hibla.
00:06Pag-uusapan natin kasama si Maria Christine Joyce Larga,
00:10Project Technical Assistant at Strategic Communications and Creatives Head
00:15ng Department of Science and Technology, NCR.
00:20Magandang tanghali po, ma'am.
00:23Magandang tanghali po.
00:25Sa DOST po, no, Ms. Ninia Edasek Dale,
00:28ang bati po natin ay isang makaagham na tanghali po sa ating mga tagapanood at tagapakingin.
00:34Una po sa lahat, para po mas maunawaan ng ating mga kababayan,
00:39ano po ba itong Pamana Agham at ano po ang tema nito sa taong ito?
00:46Ayan po, maraming salamat po.
00:47Ang Pamana Agham po ay taonang event ng DOST National Capital Region o DOST-NCR
00:54kung saan po ating fini-feature yung iba't-ibang mga science and technology-based po na mga inisiyatibo ng DOST
01:04na may koneksyon po sa agham, kultura, at kasaysayan sa Pilipinas.
01:09Kung nung nakarang taon po ang ating finokus ay yung mga heirloom recipes po natin dito sa NCR,
01:15katulad po nung ating mga balut sa pateros, yung ating tipas hopya sa tagig, at yung ating moron sa pasig,
01:23ngayong taon, ang Pamana Agham po, ang tema natin ay yung sensya sa bawat habi at hebla.
01:29Ayan po.
01:30Gaganapin po ito ngayong 28 at 29 ng Agosto sa Intramuros, Manila.
01:38Ma'am, ano po yung kahalagahan at layunin ninyo sa paglulunsad ng Pamana Agham?
01:43At ano din po ang kahalagahan ng pagsasama-sama ng siyensya, sining, at kultura sa industriya ng tela?
01:51Ayan po.
01:52Alingid po sa kaalaman ng ating mga kapwa Pilipino po,
01:56hindi lang po sa rehiyon sa Ilocos o di kaya sa Mindanao, meron tayo mga bangahabi.
02:02Dito rin po sa NCR, isa rin po ito sa mga sektor na gusto natin matulungan.
02:08Kasama din po nung ating kampanya na inilunsad ng DOST-NCR, yung tinatawag po nating Science Beyond Borders.
02:15Gusto po natin matap din yung sektor ng textile para mabigyan po sila ng tulong po,
02:22para mas lalo pa po natin mailapit, lalong-lalo na doon sa mga makabagong generasyon,
02:27yung kultura at sining ng paghahabi.
02:30Sa Pamana Agham po, gusto po natin ipakilala at palakasin, lalong-lalo na doon sa mga makabagong generasyon,
02:37na ang agham at teknolohiya po ay hindi natin maihihiwalay sa kultur at kasaysayan natin.
02:46Okay. Sino-sino po ang mga kasama ninyo sa pagbuo at paglulunsad nito?
02:52At paano po makikilahok ang ating mga kababayan dito po sa inyong event?
02:59Ayan po. Katuwang po natin sa ating event na ito, yung Intramuros Administration.
03:06Nandiyan din po si Department of Tourism.
03:09Kasama din po natin yung ating mga partners, katulad po nina Partnerships for Sustainability Education.
03:15At nandiyan din po yung kapatid natin mula sa DOST na si Philippine Textile Research Institute o DOST-PTRI.
03:24Yung ating mga manonood ay pwede po makisama sa ating selebrasyon.
03:29Sa August 28 to 29 po, maaari po silang pumunta sa Intramuros
03:33at makibahagi po dun sa iba't-iba nating mga aktividad.
03:37Sa ating pong unang araw, gagawin po natin yung ating mga MOU signings.
03:43Nandiyan din po yung ating mga project launchings.
03:47At nandiyan din po yung kaabang-abang po para sa ating mga kapwa mga fashionista
03:52dahil po nandito po yung ating ang pamanaagham
03:56kung saan po itatampok natin yung mga collection mula sa DOST-PTRI
04:01na ipinalabas po nila sa New York exhibit po nila netong nakaraang June.
04:06And kasama din po natin na may showcase yung mga likhang sining po
04:12ng ating partners na Igorot Weaver po na si Ms. Rose Ann Wangdali.
04:17And kasama din po natin yung ating New York-based Filipino-American designer po
04:22na si Mr. Romel Rico.
04:24Maliban din po dito sa ating mga activities na ito,
04:28nandiyan po yung ating mga bazaars and yung exhibits po natin
04:32mula sa mga MSMEs, yung mga micro, small, and medium enterprises po natin
04:36na natulungan sa DOST
04:38and nandiyan din po yung ating mga community partners na natulungan.
04:42Hindi rin po pwedeng mawala yung ating mga likhang sining na ginawa po
04:48nung ating mga persons deprived of liberty
04:51mula sa iba't-ibang BJMP dorms dito sa NCR.
04:55And gusto lang din po namin bangyitin na ito pong mga paintings na ito
04:59ay ating EO Auction
05:01and yung mga proceeds po na matatanggap natin dito
05:04ay directly mapupunta po sa ating mga PDLs at sa kanilang mga pamilya.
05:09Maliban din po sa mga activities na ito, nandiyan po po yung ating mga forum
05:13and workshops po para po mas lalo pa natin mapakilala
05:17at mapalakas yung industriya po ng textile dito sa Pilipinas
05:22lalong-lalo na po sa NCR.
05:24Okay. Nakumabuhay ang likhang Pinoy. Maraming salamat po sa inyo.
05:30Maria Christine Joyce Larga, Project Technical Assistant
05:34at Strategic Communications and Creatives Head ng DOST-NCR.

Recommended