• last year
Panayam kay Acting Vice President Rey Balena ng Philhealth ukol sa financial support para sa hemodialysis, tinaasan na ng Philhealth

Transcript
00:00guidelines enhanced hemodialysis package ng PhilHealth ating alamin kasama si Ray
00:06Baleña acting vice president ng corporate affairs group ng PhilHealth
00:11Sir Ray magandang tanghali po. Magandang magandang tanghali ma'am Ninia at
00:17syempre kay Asick Dale at sa lahat po ng mga sumusubaybay dito po sa bagong
00:21Pilipinas program magandang umaga po sa ating lahat. Okay sino sino po ang
00:27mga eligible dito po sa hemodialysis benefit package ng PhilHealth at nasa
00:32magkano na ngayon ang itinaas ng session rate para po sa hemodialysis?
00:38Well ma'am Ninia ito namang ating mga benefit packages hindi lang po yung
00:43dialysis. Open ito sa lahat ng mga kababayan natin. Pero syempre in
00:49particular ay kapag yung kababayan natin may chronic kidney disease stage
00:54five ay sigurado sila po ang unang magbe-benefit po dito. Ang atin lamang po
01:00na mga requirement po dito ma'am Ninia, Asick Dale ay dapat yung kanilang
01:08pagdadialysis ay nirecommenda po ng isang licensed physician at dapat po yung
01:13pasyente nakaregister po sa ating PhilHealth dialysis database. Aasistihan
01:18naman po sila nung dialysis center sa pagreregistro dito kaya dapat ang
01:24puntahan nilang center ay yung pong accredited ng PhilHealth para properly
01:29mag-guide po sila. Ngayon ma'am Ninia ay bukod sa in-expand natin yung coverage
01:36natin sapagkat dati 90 sessions a year lang ang covered ng PhilHealth pero
01:41ngayon po 156 sessions na. So last year yan ang naging move ng ating PhilHealth
01:47board so yung pambuong taon na pangangailangan for dialysis ng isang
01:52pasyente ay covered na po ng PhilHealth. At kamakailan naman po ay itinaas natin
01:58ang ating financial coverage mula po sa 2,600 pesos per session naging 4,000
02:05pesos na po. So lalabas ma'am Ninia, Asick Dale, yung pambuong taon na
02:11pangangailangan na aabot po sa 624,000 ano po ang benefit na maipagkakaloob
02:20natin sa bawat pasyente kada taon.
02:23Sir Ray, ano po ba yung proseso ng pagkuhan ng benefit package na ito at nasa magkano na po ba yung nabayaran o binayaran ng PhilHealth patungkol sa hemodialysis claims?
02:34Yes, Asick Dale, maa-avail po itong benefit na ito sa lahat po ng mga accredited freestanding dialysis centers o yung mga healthcare institutions mula po sa levels 1 to 3 hospitals,
02:48ambulatory surgical clinics at mga primary care facilities po na meron po na pasilidad para sa dialysis.
02:56Ipinapaalala din po natin, Asick Dale, na applicable po dito sa package na ito yung ating no balance billing.
03:04Ibig sabihin, dapat wala na po nababayaran na anumang extra yung pasyente kapag sila po nagpapadialysis,
03:12basta po yung mga ipinagkaloob na serbisyo sa kanila, e yun pong natugunan yung minimum standards of care na inilatag natin sa ating guidelines na kamakailan lang natin nilathala.
03:25Sa ngayon po, ay meron tayong kabuang 663 na mga accredited freestanding dialysis clinics sa bansa, so maaaring puntahan ito ng ating mga pasyente.
03:37Asick Dale, last year ay nakapagbayad ang PhilHealth ng P17.4 billion para po sa P3.6 million na kaso o claims for dialysis.
03:51Over the years, nakikita natin yung pagtaas apagkat noong 2022, P17.3 billion yung binayad na rin natin dyan.
04:01So with this, tayo ay umaasa na talagang makakatulong ng malaki ito sa pasyente, pero pinakamaganda pa rin po Asick Dale na makaiwas tayo sa pagkasira ng ating mga bato sapagkat kahit may PhilHealth benefit, syempre ito po ay mabigat na condition sa pasyente at maging sa pamilya po nila.
04:31How can this benefit package help existing dialysis patients?
05:01So mula sa drugs and medicines, salimbawa yung kinakailangan gamot, yung erythropoietin na nakalista sa Philippine National Formulary, regardless ng preparation kasi may 4,000 units per vial, may 5,000, may 10,000.
05:23So kung kakailanganin po ng pasyente, ito po ay dapat ipagkaloob.
05:30Yun pong iron sucrose 4, kung ito po indicated, ay dapat ipagkaloob sa pasyente.
05:39At may laboratory test, supplies at admin and other fees. So mahabang listahan po ito. But suffice it to say, ma'am Ninia, na kung kailangan po ng pasyente at determined o i-recommend naman ng provider na ibigay sa pasyente, dapat po sapat na ang ating 4,000 per session para po wala nang babayaran ang ating mga pasyente sa kanila pong pagdadialysis.
06:09So Ninia, yung nakikita niyo ang dahilan kung bakit nagkaroon ng pagtaas ng dialysis patient sa bansa?
06:14Well, Atik Dale, ang ating lamang layunin dito ay para matulungan natin yung mga pasyente. Alam po natin na napakabigat po na condition. Ito pong chronic kidney disease stage 5 at napakamagastus po ng pagdadialysis.
06:32Sa isang standard na pangangailangan ng pasyente ay three times a week po ito, Atik Dale. So napakamagastus po. At ang layunin natin, at itong nakita ng PhilHealth Board na dapat maging sapat yung ating benefit, maramdaman po nila. At in concrete terms, dapat wala na silang babayaran pa over and above their PhilHealth package.
06:54Yan ma'am Ninia, Atik Dale.
06:58Okay Sir Ray, ulitin ko lang po yung naiwang tanong. Ano po itong inilunsad ka makaila ng PhilHealth at ng Department of Information and Communications Technology o DICT gamit po itong pinagsama at pinalakas na PhilHealth member portal at E-Gov app?
07:15Yes ma'am Ninia, good news po ito sa mga kababayan natin sapagkat hindi na po nila kailangan lumabas pa ng bahay at magtungo sa mga tanggapan ng PhilHealth para lamang po i-access yung mga servisyon nila ng PhilHealth lalo na po yung pag-alam ng kanilang member profile at iba pang information.
07:34Kasi po yung ating PhilHealth member portal ay nasa E-Gov PH app na po na dinevelop ng DICT. So atin pong ikinakampanya sa ating lahat na sana po i-download natin at mag-create tayo ng access at account dito sa E-Gov PH app sapagkat hindi lang naman po PhilHealth ang maa-access nyo dyan. Meron ding iba-ibang mga government services na maa-access po natin sa pamamagitan ng E-Gov PH app.
08:02Sir Jay, follow-up lang po. Ano po yung servisyong hatid nito sa publiko lalo na sa mga miembro ng PhilHealth?
08:32Sir Jay, follow-up lang po. Ano po yung servisyong hatid nito sa mga miembro ng PhilHealth?
09:02So po sa mga nabanggit, ano po yung mga upcoming o pinaplanong programa at proyekto po ng PhilHealth na makakatulong sa mga PhilHealth members natin?
09:32So ngayong taon ay nakatakda pa rin natin na pagbutihin pa yung ilang pang-packages para makatulong tayo sa mga pasyente.
09:51Meron pa tayong tatlong cancer packages na i-enhance and following the experience with breast cancer package, nakikita po natin na malaki ang magiging increase.
10:21And heart surgery sa mga bata ay paiigtingin, aayusin din po yan, palalakihin din po natin. Yun pong ating dengue hemorrhagic fever na severe package ay i-rationalize din po kasama na yung chemotherapy at yun pong COVID-19 packages, ma'am Ninia, ay nakatakda rin pong i-enhance.
10:51Ating mga kababayan natin sa patuloy na paglaki, pagbuti ng ating PhilHealth benefit packages.
10:58Sir, sa mga nais humingi ng detaly at karagdagang impormasyon, saan po ba maaaring tumawag o dumulog ang ating mga kababayan?
11:08Yes, Asek Dale, maaaring na tumawag sa hotline ng PhilHealth sa 8662-2588 at yan po ay bukas any time of the day, 7 days a week.
11:18Kaya kahit na anong oras na maisip po ng mga kababayan natin magtanong about their PhilHealth benefits, tawag lang po sa 8662-2588.
11:29Okay, mensahe nyo na lang po sa mga PhilHealth members na nakatutok po sa atin ngayon?
11:36Ma'am Ninia, salamat po sa pagkakataong ito na kaloob nyo sa PhilHealth.
11:40Ang PhilHealth ay committed para patuloy na pagbutihin, palawakin ang ating PhilHealth benefit packages.
11:47Nang sa gayon, maramdaman po ng gusto ng ating mga miyembro, ng ating mga kababayan ang ating benepisyong PhilHealth.
11:55Ang ating panawagan pa, huwag pong mag-atubili na tayo ay magpagamot sapagkat ang mga benepisyong ito ay katuang po ninyo.
12:04Para po sa inyong mga pagpagamot o treatment sa iba-ibang accredited facilities ng PhilHealth.

Recommended