Super cute black bear cub, na-stuck ang ulo sa loob ng cookie jar!

  • 9 years ago
Black bear cub, na-stuck ang ulo sa loob ng isang cookie jar!

Heto na ang real-life na Winnie the Pooh!

Isnag 6-month-old na black bear cub ang gustong gayahin ang kanyang idolo -- ang cartoon bear na si Winnie the Pooh -- at dahil sa kanyang katakawan, ay naipit siya sa isang masikip na lugar.

Sinubukang kainin ng bear cub ang isang cracker na naiwan sa loob ng isang cookie jar. Nang hindi niya ito maabot, naisipan niyang gamitin ang kanyang ulo!

Ayun -- naipit ang kanyang ulo sa loob ng jar, at hindi niya ito mahila paalis!

Nasindak at natakot yata ang bear cub, na sa kanyang panic ay inakyat ang isang puno...kung saan naman siya na-trap, sa taas na may 40 feet!

Gumamit ng bucket truck ang mga bumbero para maabot ang natatarantang bear cub, na kinailangan nilang ma-tranquilize.

Matapos siyang maligtas mula sa cookie jar, ay inilagay ang dehydrated na bear cub sa tubig. Pagkatapos, ay dinala ito sa isang animal rehabilitation center. Paggaling niya, ay maire-release siyang muli, sa kanyang natural na tirahan at kapaligiran.




For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH