Lalake, ginugulo ang mga gustong mag-rescue sa pusa na na-stuck ang ulo sa bird feeder!

  • 9 years ago
May isang lalaking inaapi ang pusang ito, at ang mga taong gustong tumulong dito!

Hindi namin alam kung paano, pero na-stuck ang ulo ng pusang ito sa loob ng isang bird feeder. At may isang taong panay tanggal sa mga trap na maaring magligtas sa buhay ng kawawang pusa!

Sa bayan ng Brandon, sa Manitoba, isang kulay orange at puting pusa na nagngangalang Butterscotch ang nagawang ma-stuck ang ulo sa loob ng isang bird feeder.

Napansin ito ng mga residente, na nagdesisyong tulungan ang pusa.

Si Butterscotch ay hindi domestic na pusa, at takot sa mga tao. Kaya nag-set ng mga trap ang mga volunteers, para mahuli si Butterscotch – pero sinisira ng loko-lokong ito ang kanilang mga plano, sa pagsira sa mga trap, para hindi matulungan ng mga tao ang pusa! Pagdating ng mga pulis sa eksena, nakatakas na siya at wala na silang magawa.

Ang tanging magagawa lang ng mga volunteers ay bantayan ang mga trap, at sabihan ang iba na huwag ipagsabi kung saan nakalagay ang mga ito.

Pag nahuli nila ang lalake, isaksak kaya nila ang ulo niya sa isang birdfeeder…para tamaan din siya ng karma!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH