Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • today
-Truck na sumabog ang gulong, nagdulot ng karambola; driver nito, patay


-Modern jeepney driver, patay matapos malapitang barilin sa loob ng terminal/Gunman, patuloy na tinutugis ng mga awtoridad


-Lugar kung saan ililibing si Pope Francis, naging huling hantungan din ng mga mahihirap, alipin at hinatulan ng kamatayan noong sinaunang Roma


-INTERVIEW: FR. BONG BAYARAS, PARI SA PONTIFICIO COLLEGIO FILIPPINO


-Michael V., iginuhit si Pope Francis bilang pagbibigay-pugay/Ilang international celebrity, binalikan ang mga sandaling nakasama si Pope Francis


-Malacañang: Nora Aunor, Pilita Corrales, Gloria Romero at Margarita Fores, bibigyan ng Presidential Medal of Merit sa May 4


-British Embassy Manila: Kalahok na rin sa 2025 Balikatan Exercises ang United Kingdom/United Kingdom, muling nagpahayag ng suporta sa Pilipinas kaugnay sa isyu sa West Phl Sea


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Huli kam na karambola sa Alubihid, Misamis Oriental.
00:04Mabilis ang takbo ng truck na yan hanggang tumagili dito sa bahagi ng National Highway.
00:09Tinamaan nito ang isang sasakyan.
00:11Pumiwalay at dumaos-dos ang container ng truck at tumama sa isa pang sasakyan.
00:16May lang pang sasakyan na nadamay sa karambola.
00:19Nasawi ang driver ng truck habang sugatan ang driver ng sasakyan na tinamaan ng container.
00:24Ayon sa polisya, sumabog ang gulong ng truck dahil umano sa bigat ng karga nito
00:28at posibleng sa init na rin daw ng panahon.
00:31Nagkareglo na ang operator ng truck at ang mga nadamay sa karambola.
00:35Huli kam sa Antipolo Rizal, isang lalaki ang malapitang binaril habang nasa terminal ng jeep.
00:43Balitang hatid ni EJ Gomez.
00:48Sa kuha ng CCTV sa isang terminal ng modern jeepney,
00:52sa barangay Santa Cruz Antipolo City madaling araw kahapon,
00:55kitang papasok ang isang lalaking nakasuot ng helmet.
00:58Sa isa pang CCTV, lumapit ang lalaking nakahelmet sa isang lalaking nakaupo at nagsiselfone.
01:04Nambiglang, binaril niya sa ulo ang lalaking nakaupo na napagalam ang driver ng modern jeep.
01:10Pagkatapos ay tumakas ang gunman.
01:13Kasama ang ilang tauhan ng barangay, rumisponde ang Antipolo Police sa insidente.
01:17So pag dating nila doon, nakita nila binubuhat na at tuguan na po yung biktima.
01:23Dedo na rival sa ospital ang biktima.
01:26Base sa inisyal na investigasyon,
01:28nagihintay na makabiyahe ang biktima nang mangyari ang pamamaril.
01:31Ayon sa isang tauhan ng terminal na katrabaho ng biktima,
01:34saksi sa insidente ang isa pa nilang driver at kahera.
01:37Wala raw silang alam na may nakaaway ang biktima bago ang pamamaril.
01:41Matapos ang pamamaril, nasa pool sa CCTV ang pagtakas ng gunman na umangkas sa kasama niyang rider.
02:03Ayon po sa CCTV footage natin, ang way po nila galing po masinag ng pamamaril po dito sa ating biktima.
02:15Nung nabaril na po, angkas po siya ng isang rider.
02:19Apos po, nung pabalik po sila, papunta pa rin po sila ng masinag.
02:24Sinubukan ng GMA Integrated News na kuna ng pahayag ang Antipolo Police pero wala pa silang tugon.
02:30Patuloy pa ang investigasyon ng mga otoridad sa insidente.
02:33Gayun din ang manhunt operation sa gunman.
02:35E.J. Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:47Libinga ng mga mahihirap, alipin at hinatunan ng kamatayan
02:51noong sinuunang Roma ang lugar kung saan hiniling ni Pope Francis na mailibing.
02:54Sa Basilica of St. Mary Major sa Rome, Italy ang napiling huling hantungan ng Santo Papa.
02:59Iba ito sa tradisyonal na libingan ng mga Santo Papa sa St. Peter's Basilica.
03:04Sa katunayan, 1903 pa ang huling pagkakataon na nasa labas ng Vatican inilibing ang isang Santo Papa.
03:10Pero hindi si Pope Francis ang unang Santo Papa na ililibing sa Basilica of St. Mary Major.
03:15Kaugnay po sa public viewing sa labi ni Pope Francis sa St. Peter's Basilica sa Vatican City
03:24at sa listahan ng mga papabil o pagpipilian bilang susunod na Santo Papa,
03:30kausapin po natin ang isa sa mga pare ng Pontificio Colegio Filipino sa Roma,
03:36si Fr. Bong Bayaras.
03:38Magandang umaga po mula dito sa Pilipinas at welcome po sa Balitang Halil.
03:43Magandang umaga din po dito mula sa Roma, Miss Connie.
03:48Opo. Kamusta po ang inyong karanasan sa pagpila sa St. Peter's Basilica kasabay po ng iba pang mga pumina, no?
03:55Galing sa iba't ibang bansa pa.
03:57Kagabi nandun kami, nagsimula kami ng mga alas 7 ng gabi, nakapasok na kami mga alas 11.
04:07So umabot ng mga apat na oras hanggang limang oras yung pagpila.
04:11At dun sa unang announcement, parang hanggang alas 12 lang yung open,
04:17pero napansin namin hanggang alauna meron pa rin pumapasok.
04:20Mukhang lagpas alauna, medya pa nagpapasok pa sila.
04:25Kaya medyo nag-i-extend din sila ng oras para ma-accommodate pa yung mas maraming tao
04:30para makapagbigay-pugay sa ating Santo Papa.
04:33Opo, talagang maraming nagmamahal sa ating Santo Papa.
04:36At maaari nyo kung ibahagi sa amin yung mga pagkakataon na nakausap nyo nun ng harapan
04:42o nakasama si Pope Francis?
04:45Yung pagkakataon lang na yun, yung 2015 nung dumalo siya sa Pilipinas.
04:51Nakasama ako dun sa mga naghanda para dun sa PayPal visit.
04:56At mabigyan naman ako ng pagkakataon na makadaopang palad siya bago dun sa Manila Cathedral.
05:03At memorable yung pagkakataon na yun.
05:06Parang nung nakita ko siya ng malapit at tinatapit-tapit ko yung sarili.
05:10Nagising ba talaga ako? Di ba ako nananaginip itong mga pagkakataon na ito?
05:14At yun yung mga pagkakataon na nakadaopang palad ko siya.
05:18Dito naman sa Roma, may mga pagkakataon din na pag gusto namin siyang mapakinggan,
05:23may general audience kasi siya dito sa Roma.
05:26Every Wednesday at kada linggo,
05:29lumalabas din siya pag may Angelus at nagbibigay ng mensahe,
05:33pag gusto namin makita,
05:35at gusto namin siya mapakinggan,
05:37yun yung mga pagkakataon na napupuntaan at nakikita namin siya.
05:41Ano ba yung mga pagbabago kaya naasahan sa programa o serimonyo
05:45na gagawin sa libing ng Yumaon nating Santo Papa?
05:49Gaya na rin nung nabanggit kanina
05:52na hindi ito yung pagkabago, pagkatapos ng ilang taon,
05:58ililibing siya sa Basilica of St. Mary Major.
06:03Hindi naman ito kalayuan sa St. Peter's Basilica
06:06pero ito yung isa sa apat na major basilicas dito sa Roma.
06:10At napakagandang senyales o napakagandang larawan niya na siya ililibing
06:16ayon din sa kanyang kahilingan na malapit siya dun sa kanyang ina o sa ating ina.
06:23At ang gandang senyales kasi kung makikita niya yung dating mga ginagawa niya
06:30bago siya umalis ng bansa o bago siya umalis ng Roma, bago siya umalis ng Vatican,
06:35kapag may dadalawin siyang ibang bansa,
06:39lagi siyang dumadaan doon para bang anak na nagpapaalam sa nanay.
06:43Naaalis muna po ako, gabayan niya po ako.
06:46At pagkatapos din, pagkatapos ng kanyang PayPal visit sa isang bansa,
06:51dumadaan din siya doon.
06:53At magpapaalam din na para bang isang anak din nagsasabi na,
06:56ah nanay, nakauwi na po ako.
06:58Yun yung gawain niya, laging gawain niya yun.
07:01Kapag may PayPal visit o di kaya may mga pagkakataon na gusto niyang magdasal
07:06dun sa papilya na iyon.
07:09Opo, kayo ho ba sa Pontificio Colegio Filipino eh may magiging participasyon
07:15sa mismong araw po ng libing?
07:18Nag-uusap-usap din kaming mga pari dito na anong oras kami pupunta dun sa araw ng libing
07:25dahil inaasahan din namin na marami ang magkikibahagi dun sa araw ng pagdilibing.
07:31Magko-concelebrate din kami dun sa funeral mass niya sa Sabado.
07:35I see.
07:36At kaugnay naman po sa hihirang yung susunod na Santo Papa,
07:39anong masasabi ninyo sa mga ika nga ay nasa listahan ng Papa Bile
07:43kung saan kabilang po si Cardinal Tagle?
07:46Alam nyo, may kasabihan dito eh.
07:49O di ko alam kung narinig nyo na lang.
07:52If a person enters the conclave, a pope goes out of it as a Cardinal.
07:59Madalas kung sino yung mga narinig na ito yung susunod na Papa, ito yung magiging next pope.
08:06O siya yung madalas na hindi na boboto o hindi nahihirang.
08:10At siguro sa pagkakapao na ito, maganda lang na ipagdasal at manalangin.
08:17Dahil yun naman yung magiging proseso ng conclave.
08:20Hindi naman ito ordinary yung election.
08:23Hindi naman siya ordinary yung classroom election na magtataasan lang ng kamay.
08:28Kaya asyan yung class president natin.
08:30Hindi.
08:31Ito'y nasa diwa ng pananalangin.
08:34Sinisimulang nila sa isang panalangin.
08:36O di kaya yung buong proseso ay isang panalangin na hinihiring yung paggabay ng Espiritu Santo
08:43para mahirang o mapili nila yung karapat-dapat na magiging susunod na Santo Papa.
08:49Ayun, talagang gabay ng Espiritu Santo ang dapat.
08:52Maraming maraming salamat po sa inyo, Father Bong Bayaras.
08:55Isa po sa mga pari ng Pontificio Kolehiyo Filipino dyan sa Ropa. Thank you.
09:00Maraming salamat po.
09:03Nagbigay-pugay at sinariwa ng ilang celebrity sa iba't ibang panig ng mundo
09:08ang mga iniiwang alaala ni Pope Francis.
09:11Si Kapuso Comedian Michael V. inalala si Pope Francis sa pamamagitan
09:16ng iginuhit niyang larawan ng Santo Papa.
09:19Ni-re-share din ni Tom Rodriguez ang kanyang obra
09:22nang bumisita si Pope Francis sa Pilipinas noong 2015.
09:27Inalala rin ni American actor Leonardo DiCaprio ang sandaling
09:32nakasama niya ang Santo Papa sa kanilang pulong tungkol sa climate change noong 2016.
09:37Isaraw inspirasyon si Pope Francis para sa mga environmentalist sa buong mundo.
09:42Karangalan naman daw para kay American TV host Jimmy Fallon
09:46na makita at mapatawa si Pope Francis.
09:49Inalala rin ni American actress at comedian Whoopi Goldberg
09:52ang pagiging makatao at mapagmahal ni Pope Francis.
09:55Habang si Spanish actor Antonio Banderas inalala
09:59ang pagpapakita ng kabaitan ng Santo Papa sa mga nangangailangan.
10:03Kasunod po ng pagpanaw ni national artist at pinaguri ang superstar na si Nora Unor
10:12inanunsyo ng Malacanang nagagawaran siya ng Presidential Medal of Merit.
10:17Makatatanggap din ang kaparehas na parangal
10:19ang mga yumaong sina Asia's Queen of Songs,
10:22Pilita Corrales, Philippine movie icon at veteran actress Gloria Romero
10:27at ang Pinay chef at restaurateur Margarita Forrest.
10:31Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro,
10:34gagawin ang seremonya ng pagbibigay ng pagkilala sa May 4.
10:39Isa, ang Presidential Medal of Merit sa mga pinakamataas na pagkilalang ibinibigay
10:44ng Pangulo ng Pilipinas sa mga indibidwal para sa kanilang kontribusyon sa nation building.
10:50Kalahok na rin at hindi lang the observers ang United Kingdom sa nagpapatuloy na 2025 balikatan exercises.
11:00Ayon kay British Ambassador to the Philippines, Laura Bufis,
11:03siyem na British Commando Forces ang kasali sa mga pagsasanay hanggang sa May 9.
11:08Una nang naimbitahan ang Japan at Australia bilang kalahok sa balikatan.
11:12Sa pagsali ng UK sa balikatan exercises,
11:14asahan daw na lalo pang lalakas ang kooperasyon ng militar at depensa ng Pilipinas at UK.
11:19Kabilang dyan ang suporta ng UK sa Pilipinas kaugnay sa sitwasyon sa West Philippine Sea.

Recommended