Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Kauknay po sa public viewing sa labi ni Pope Francis sa St. Peter's Basilica sa Vatican City
00:05at sa listahan ng mga papabil o pagpipilian bilang susunod na Santo Papa,
00:11kausapin po natin ang isa sa mga pari ng Pontificio Colegio Filipino sa Roma,
00:17si Father Bong Bayaras.
00:19Umagandang umaga po mula dito sa Pilipinas at welcome po sa Balitang Halil.
00:24Magandang umaga din po dito mula sa Roma, Miss Connie.
00:29Opo. Kamusta po ang inyong karanasan sa pagpila sa St. Peter's Basilica
00:33kasabay po ng iba pang mga pumina, galing sa iba't ibang bansa pa?
00:39Kagabi nandun kami, nagsimula kami ng mga alas 7 ng gabi, nakapasok na kami mga alas 11.
00:48So umabot ng mga 4 na oras hanggang 5 oras yung pagpila.
00:52At dun sa unang announcement, parang hanggang alas 12 lang yung open
00:57pero napansin namin hanggang alauna meron pa rin pumapasok.
01:01Mukhang lagpas alauna, medyo pa nagpapapasok pa sila.
01:06Kaya medyo nag-i-extend din sila ng oras para ma-accommodate pa yung mas maraming tao
01:11para makapagbigay-pugay sa ating Santo Papa.
01:14Opo. Talagang maraming nagmamahal sa ating Santo Papa.
01:17At maaaring nyo pong ibahagi sa amin,
01:19yung mga pagkakataon na nakausap ninyo ng harapan o nakasama si Pope Francis?
01:26Yung pagkakataon lang na yun, yung 2015, nung dumalo siya sa Pilipinas.
01:32Nakasama ako dun sa mga naghanda para dun sa PayPal visit.
01:37At mabigyan naman ako ng pagkakataon na makadao pang palad siya bago dun sa Manila Cathedral.
01:43At memorable yung pagkakataon na yun.
01:47Parang nung nakita ko siya nang malapit at tinatapit-tapit kayo sarili.
01:51Kasi gising ba talaga ako? Di ba ako na nanginigit itong mga pagkakataon na to?
01:54At yun yung mga pagkakataon na nakadao pang palad ko siya.
01:59Dito naman sa Roma, may mga pagkakataon din na pag gusto namin siyang mapakinggan.
02:04May general audience kasi siya dito sa Roma.
02:07Every Wednesday at kada linggo,
02:09lumalabas din siya pag may angelus at nagbibigay ng mensahe.
02:14Pag gusto namin makita at gusto namin siya mapakinggan.
02:18Yan yung mga pagkakataon na napupuntaan at nakikita namin siya.
02:22Ano ba yung mga pagbabago kaya naasahan sa programa o seremonya na gagawin
02:26sa libing ng Yumaon Nating Santo Papa?
02:30Gaya na rin nung nabanggit kanina na hindi ito yung bago,
02:36pagkatapos ng ilang taon ay ililibing siya sa St. Mary Major,
02:42sa Basilica of St. Mary Major.
02:44Hindi naman ito kalayuan sa St. Peter's Basilica,
02:47pero ito yung isa sa apat na major basilicas dito sa Roma.
02:51At napakagandang senyales o napakagandang narawan niya na siya ililibing,
02:58ayon din sa kanyang kahilingan na malapit siya dun sa kanyang ina o sa ating ina.
03:04At ang gandang senyales kasi kung makikita niyo yung dating mga ginagawa niya
03:11bago siya umalis ng bansa o bago siya umalis ng Roma,
03:15bago siya umalis ng Vatican, kapag may dadalawin siyang ibang bansa,
03:20lagi siyang dumadaan doon para bang anak na nagpapaalam sa nanay.
03:24Naaalis muna po ako, gabayan niyo po ako.
03:27At pagkatapos din, pagkatapos ng kanyang PayPal visit sa isang bansa,
03:32dumadaan din siya doon.
03:34At magpapaalam din na para bang isang anak din nagsasabi na,
03:37ah nanay, nakauwi na po ako.
03:39Yun yung gawain niya, laging gawain niya yun.
03:42Kapag may PayPal visit o di kaya may mga pagkakataon na gusto niyang magdasal
03:47dun sa papilya na iyon.
03:50Opo, kayo ho ba sa Pontificio Colegio Filipino eh may magiging participasyon
03:56sa mismong araw po ng libing?
03:59Ah, nag-uusap-usap din kaming mga pari dito na anong oras kami pupunta
04:04dun sa araw ng libing dahil naasahan din namin na marami ang magkikibahagi
04:10dun sa araw ng pagdilibing.
04:12Magko-concelebrate din kami dun sa funeral mass niya sa Sabado.
04:16I see.
04:17At kaugnay naman po sa hihirangin susunod na Santo Papa,
04:19paano ho masasabi ninyo sa mga ika nga inasalistahan ng Papa Bile
04:23kung saan kabilang po si Cardinal Tagle?
04:27Alam nyo, may kasabihan dito eh, o di ko alam kung narinig nyo na lang.
04:33If a person enters the conclave, a pope, he goes out of it as a cardinal.
04:39Madalas kung sino yung mga narinig na ito yung susunod na Papa, ito yung magiging next pope.
04:47Siya yung madalas na hindi na boboto, hindi na hihirang.
04:51Kaya siguro sa pagkakapaon ito, maganda lang na ipagdasal at manalangin.
04:57Dahil yun naman yung magiging proseso ng conclave.
05:01Hindi naman ito ordinary yung election.
05:04Hindi naman siya ordinary yung classroom election na magtataasan lang ng kamay.
05:09Ah, siya na yung class president natin.
05:10Hindi.
05:11Ito'y nasa diwa ng pananalangin.
05:14Sinisimulang nila sa isang panalangin o di kaya yung buong proseso ay isang panalangin na hinihiling yung paggabay ng Espiritu Santo para mahirang o mapili nila yung karapat-dapat na magiging susunod na Santo Papa.
05:30Ayun, talagang gabay ng Espiritu Santo ang dapat.
05:33Maraming maraming salamat po sa inyo, Father Bong Bayaras.
05:36Isa po sa mga pari ng Pontificio Colegio Filipino dyan sa Roma.
05:41Maraming salamat po.
05:44Maraming salamat po.

Recommended