Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Cardinal Giovanni Battista Re, Dean ng College of Cardinals, pangungunahan ang funeral mass ni Pope Francis

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pangungunahan ni Cardinal Giovanni Battista, Dean ng College of Cardinals,
00:05ang funeral mass ng namayapang si Pope Francis ngayong April 26.
00:09Ang detalye sa Balitang Pambansa ni Gap Villegas.
00:14Nailipat na ang mga labi ni Pope Francis ngayong araw patungo sa St. Peter's Basilica mula sa Casa Santa Marta ayon sa Vatican.
00:22Inilipat ang labi ng namayapang Santo Papa kaninang alas 3 ng hapon,
00:26oras sa Pilipinas na pinangunahan ni Cardinal Camerlengo Kevin Farrell.
00:31Mananatili ang labi nito sa loob ng Basilica hanggang sa kanyang libing sa araw ng Sabado, April 26,
00:38sa ganap na alas 4 ng hapon, oras sa Pilipinas,
00:41na siya ring hudyat ng pagsisimula ng Noveniale o Siyam na Araw na Pagluluksa ng Simbahang Katolika.
00:48Pangunahan ni Cardinal Giovanni Battista Re, Dean ng College of Cardinals,
00:52ang Funeral Mass kung saan kasama niyang magdiriwang na misa ang mga Patriarch, Cardinal, Arzobispo, Ubispo at Kaparian mula sa iba't ibang panig ng mundo.
01:03Mula sa St. Peter's Basilica ay ililibing ang Santo Papa sa Basilica of St. Mary Major sa Roma.
01:10Isa si na Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta Marcos sa mga inaasahang dadalo sa libing ng Santo Papa.
01:18Samantala, nagsimula na rin ang unang General Congregation ng College of Cardinals sa Vatican,
01:24hudyat ng paghahanda para sa paparating na conclave kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.
01:30Aabot sa 60 Cardinal ang nagtipon sa Synod Hall para sa nasabing aktividad.
01:35Nakatakda namang gawin ang susunod na General Congregation bago sumapit ang gabi oras sa Roma ngayong araw.
01:41Bukas naman ng hapon ay nakatakdang lumipad patungong Roma si CBCP President at Kaloocan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David
01:49na isa sa mga Cardinal Electors para sa People Conclave na inaasahang gagawin 15 hanggang 20 araw matapos pumanaw ang Santo Papa.
01:59Pinangunahan rin ni Cardinal Pietro Parolin ang ikalawang gabi ng pagdarasal ng Rosario para sa kaluluwa ng Santo Papa.
02:06Ang Pilipinas ang isa sa mga bansa sa mundo na mayorya ng populasyon ay mga Katoliko.
02:13At sa kasaysayan na simbahan, tatlong Santo Papa pa lamang ang nakarating sa ating bansa.
02:18Una dito ay si Pope Paul VI na bumisita noong 1970 kung saan isa sa mga ginawa niyang aktividad
02:24ay ang pagbisita sa mga informal settlers sa Tondo, Maynila.
02:29Si Pope John Paul II naman ay dalang beses bumisita sa ating bansa.
02:32Una noong 1981 para sa beatification ni Lorenzo Ruiz na siyang naging unang Pilipinong Santo
02:39at noong 1995 para sa World Youth Day.
02:42At ang huli ay si Pope Francis na bumisita sa Pilipinas noong 2015 para dumamay sa mga naging biktima na Super Typhoon Yolanda.
02:51Ang kanyaring PayPal mass sa Kirino Grandstand ang siyang ngayong pinakamalaki sa kasaysayan
02:56na umabot sa 6 na milyon ang bilang ng mga dumalok.
03:00Mula sa People's Television Network.
03:02Gabumil de Villegas para sa Balitang Pambansa.

Recommended