Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Samantala, balikan natin ang sunog sa Port Area sa Maynila kung saan nasa 300 pamilya ang apektado.
00:06At naroon pa rin para sa unang balita live, si Jomer Afresto.
00:11Jomer!
00:16Ivan, narito ako sa bahagi ng Port Area sa Maynila kung saan nasunog ang nasa 200 bahay kanina.
00:22Umabot sa Task Force Alpha ang sunog. Narito ang aking report.
00:25Ganito kalaking apoy ang inabutan ng mga bombero sa bahaging ito ng Port Area sa Maynila pasado alas 12 ng hating gabi kanina.
00:36Dahil pawang gawa sa light material sa mga bahay, babilis na kumalat ang apoy hanggang sa inakyat ito sa Task Force Alpha.
00:43Hindi bababa sa 25 truck ang kailangang rumisponde.
00:47Karamihan sa mga residenteng nasunugan, wala halos na isalbang gamit.
00:51Tulad ng 45 years old na si Riza na natutulog na noong mga oras na magsimula ang sunog.
00:56Kwento niya, wala silang supply ng kuryente mula pa alas 2 ng hapon kahapon.
01:02Kababalik lang daw ng kuryente nila ilang minuto bago nagsimula ang sunog.
01:07Tapos bigla-bigla na lang ko na nagsigawan na sila na may sunog na daw.
01:11Kaya ni gamit, wala po kaming naisalbang gamit.
01:15Sobra po, bigla-bigla lang po.
01:17Paglabas po, grabe na yung init. Kaya takbuhan kami.
01:21Kasama niyang lumikas ang ilang kaanak na pansamantalang tumutuloy sa kanyang bahay
01:25at papunta na ng Saudi Arabia sa katapusan ng Abril.
01:29Mabuti na lang daw at hindi na damay sa sunog ang kanilang mahalagang dokumento.
01:33Ang 18 years old naman na si Lalein, nakatambay sa kanto ng sumiklabang apoy.
01:38Malaki, parang ano, parang iperno.
01:42Yung tabi-tabi ng bahay, dun daw nagsimula yung sunog, tapos lumaki.
01:46Habang ang karamihan ay abala sa paglikas,
01:49ang lalaking ito naman sumasali si Rao sa mga bahay na walang tao ayon sa mga pulis na humuli sa kanya.
01:57May ilang residente rin umano ang binasag pa ang windshield ng firetruck na ito sa hindi pa malamang dahilan.
02:06Ayon sa Bureau of Fire Protection, naging pahirapan ang pag-apola sa sunog dahil sa mabababang kable na nakahambalang sa lugar.
02:14Gayun din ang kakulangan ng supply ng tubig kahit pamaraming bumbero ang rumesponde sa lugar.
02:19Ang ilang bumbero, kumuha ng supply ng tubig mula sa mga tubo sa lugar.
02:23Sa pagtaya ng BFP, aabot sa 200 bahay ang natupok ng apoy.
02:28Hirap po na i-control yung mga tao. At the same time, yung mga allies po natin, yung daanan po ng mga host is sobrang sisikip din po.
02:35300 families po unaffected, more or less 1,000 individuals din po.
02:39Wala namang napaulat na nasaktan o namatay sa sunog.
02:43Patuloy na inaalam kung magkano ang halaga ng pinsala sa mga ari-arian at kung ano ang sanhi ng apoy.
02:48Ivan, as of 6.59am kanina, tuluyan ang naapula ang sunog dito sa bahagi ng port area.
02:59Pangunahing kailangan ng mga residenteng nasunugan dito ay malilinis na damit, mga underwear at mga hygiene kit.
03:06Live mula dito sa Maynila, ako po si Jomer Apresto para sa GMA Integrated News.
03:12Kapuso, huwag magpapahuli sa latest news and updates.
03:15Mag-iuna ka sa malita at mag-subscribe sa YouTube channel ng GMA Integrated News.

Recommended