Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Sa Davao Del Norte, bumigay ang isang tent sa gitna ng graduation rehearsal. Ano ba ang sinasabi ng batas tungkol dito? Alamin ‘yan sa video na ito.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Graduation season na. Naku, talagang excited ang mga magulang.
00:05Bago magmarcha, practice muna.
00:08Pero paano kung sa gitna ng ensayo, naku, mangyari to?
00:13Alam!
00:17Bigla kasing bumigay ang malaking tent na yan sa isang eskwelahan sa Daval de Norte sa gitna ng graduation rehearsal.
00:25Ayon sa school principal, bumuhos ang malakas na ulan at naipon daw ang tubig sa tent na bigay ng LGU.
00:34Agad namang pinalikas ang mga estudyante sa paligid kaya walang nasaktan sa pagbagsak ng tent.
00:40Naku, talagang nakakatakot naman yan. Ano ba ang sinasabi ng batas tungkol dito?
00:45Ask me, ask Atty. Gabby.
00:47Attorney, kabi-kabila ang practice ng mga graduation ngayon.
00:58Sa mga school activity, ano po ang sinasabi ng batas kung may mangyaring mga ganitong insidente?
01:04Well, sa mga ganitong insidente, titignan ka agad natin ang general rules ng batas natin ukol sa pagpapabaya.
01:10Dahil alam nyo naman, ang general rule naman ayon sa Article 2176 ng Civil Code ay kung sino ang naging sanhin ng damage o loss sa ibang tao ay mananagot para sa danyos na ito kung ito nga ay dahil sa pagpapabaya.
01:27Buti na lang at walang nasaktan sa pangyayari ito. Kung hindi, naku, baka madami siyang babayaran na danyos kung may kailangan ipagamot, isugot sa ospital o may nasirang mga gamit.
01:40Hindi kasi natin masasabing hindi inaasahan o unexpected o isang aksidente lamang na ang isang tent.
01:48Pag umulan, alam naman natin kailangan i-check kung may naipo na tubig.
01:52Sa pang-araw-araw na karanasan natin, madalas pa rin na alam natin na ang nangyayari, lumulundo talaga ang mga telon o mga tent pag nakakaipon na ng tubig.
02:03At isali pa natin dyan na sa ating bansa, napakalaki talaga ng responsibilidad ng ating mga paaralan na mag-maintain na isang safe environment para sa ating mga anak.
02:14Sila nga ay may special parental authority na pag iniiwan natin ang mga anak natin sa kanilang mga eskwelahan.
02:21Kaya't inaasahan natin na ang kanilang magiging pangangalaga ay halintulad ng pangangalaga natin sa sarili nating mga anak.
02:30Kaya in case na magkaroon ng aksidente o injury sa mga paaralan natin, malaki ang responsibilidad at posibleng liabilidad ng ating mga paaralan.
02:41Ang mga usaping batas, bibigyan po nating linaw. Alam nyo na, para sa kapayapaan ng pag-iisip, huwag magdalawang isip.
02:51Ask me, ask it really good.
03:11Salamat kapuso!

Recommended