• 2 days ago
Ano ang sinasabi ng batas sa pagsusuot ng uniporme o ibang kasuotan para mas makabenta?

Alamin ‘yan kasama ang ating Kapuso sa Batas, Atty. Gaby Concepcion.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Hot topic pa rin ngayon ang pagtitinda sa kalsada.
00:04Sa araw-araw siguro nating buhay, madalas tayong maka-encounter nito kahit saan tayo pumunta.
00:10Ang tanong, ano-ano nga ba ang pwede at bawal pagdating sa pagtitinda?
00:15At ano rin ba ang sinasabi ng batas tungkol dito?
00:18Ask me, ask Attorney Gabby.
00:21Attorney, may kanya-kanyang paraan ng mga nagtitinda para makabenta.
00:31Pero may sinasabi po ba ang batas tungkol halimbawa sa pagsasuot ng uniforme o ibang kasuotan para mas makabenta?
00:40Well, gusto ko sanang sabihin ito ay isang kaso ng estafa.
00:43Madalas nating sinasabi na ayaw natin ang panlaloko,
00:47lalo na kung sinadya ang paggamit ng uniforme para makakuha ng simpatya, para makabenta.
00:53Pero nasabi na rin natin na pagdating sa mga krimen,
00:56ang bawat krimen ay may kanya-kanyang elemento na kapag hindi kompleto, ay hindi ito magiging kaso.
01:03Halimbawa sa krimen ng estafa,
01:05ang mga elemento nito ay una, may panlaloko o panilinglang,
01:09na kunwari ay may qualification.
01:11Halimbawa, ay isang minorde-edad na estudyante nangangailangan ng pantustos.
01:17Pangalawa, naginamit ang panlaloko para ito ay makabenta.
01:21Pangatlo, ang dahilan kung bakit bumili ang biktima ay dahil sa pagkukunwari na yan.
01:26At pangapat, ay may damage dapat sa biktima.
01:29Ang problema ay kung hindi kasama ang pangapat na elemento ng damage.
01:34Baka walang damage dahil kahit ayaw natin na may konting panilinglang at panlaloko.
01:39Walang damage dahil nakuha naman niya ang equivalent ng kanyang pera.
01:44So, baka magkaroon ng depensa at walang ang krimen ng estafa.
01:47Pero meron ding posibling kaso ukol sa maling paggamit ng iniporme
01:52kung hindi ka naman talaga miyembro ng grupo na nagsusot ng iniporme na yan.
01:57Sa ilalim ng Article 179 ng Revised Penal Code,
02:00merong krimen na ang tawag ay
02:02illegal use of uniforms and insignia.
02:05Actually, parang natin usually iniisip ito ay yung military uniform o sa armed forces.
02:11Dahil dito, pinaparusahan ang public at maling paggamit ng iniporme
02:17kung ikaw ay hindi naman talaga kasama sa grupo neto.
02:20Kaya sa isang kaso na nadesisyonan ng Court of Appeals,
02:23yung isang babaeng gumamit naman ng iniporme o abito ng isang kongregasyon ng mga madre
02:30at nang hihingi ng limos para sa mga ulila ng kongregasyon.
02:34E nakaabot nito kay Mother Superior ng kongregasyon na yan
02:38at nakasabi nga niya na unang-una yung kongregasyon nila,
02:42wala silang inaalaga ang mga ulila.
02:44At pangalawa, hindi rin sila humihingi ng limos.
02:47Sabi ng korte, ang pagsuot ng uniform o abito na ito,
02:52kahit na hindi eksakto, ay maaaring maging kaso
02:55sa ilalim nga ng Article 179 ng Revised Penal Code.
03:01Ano naman po ang sinasabi ng batas sa mga minor de edad na nagtitinda sa kalsada?
03:07Well, sa ilalim nga ng ating mga batas,
03:09ang rule, dapat inaalagaan natin ang mga anak
03:12at hindi sila dapat nagtitinda o namamali mo sa mga kalye,
03:16lalo na kung sila ay sa murang edad,
03:19na may threat ang pagtitinda na ito sa kanilang health at kanilang safety.
03:23Dapat nila'y nag-aaral sila whether grade school or high school man
03:27at dapat sinisigurado ng mga magulang nila.
03:30At pag napabayaan niya ng mga bata,
03:32yung mga batang yan na kanilang mga magulang,
03:35ang pagpababayaan niyan ay pwedeng kaso ng child abuse.
03:39At sa ilalim ng batas natin,
03:41ang mga acts of neglect, abuse, cruelty or exploitation,
03:46kondisyon na nakakasama sa normal na development ng isang bata,
03:50ay pwedeng maparusahan bilang child abuse
03:53ng penalty ng prisyon mayor in its minimum period
03:57o kulong na six years and one day hanggang walong taon.
04:01At kung talagang magkakaroon ng parenting assessment
04:04at talagang hindi nararapat na maging magulang
04:07ang mga nage-exploit sa kanilang mga anak,
04:10pwede ring tanggalan ng parental authority ang mga magulang
04:13at i-entrust ang mga anak nila sa DSWD o sa ibang tao,
04:18whether temporarily or permanently.
04:21Kailangan natin alagaan ang mga anak natin.
04:24In any case, mga usaping batas,
04:26bibigyan po nating linaw para sa kapayapaan ng pag-iisip.
04:30Huwag magdalawang isip.
04:32Ask me, ask it to you guys.

Recommended