• 2 days ago
Ano ba ang kaso na puwedeng ipataw sa mga nagpapaputok ng baril ngayong bagong taon!

Alamin ‘yan kasama ang ating #KapusoSaBatas, Atty. Gaby Concepcion.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Mga kapuso, Happy New Year! It's a brand new year!
00:04Pero nako, ang masamang balita, ang dami pa rin kaso ng mga sumalubong ng bagong taon
00:10na ang gamit na pampaingay, pagpapaputok ng barel. Ano ba yan? Di na natuto.
00:15Sa monitoring ng Philippine National Police, hindi bababa.
00:19Sa labing lima ang naitalang kaso ng illegal na pagpaputok ng barel
00:24bago kuman ang pagsalubong sa bagong taon.
00:26Karamihan yan sa Calabarzon at Metro Manila.
00:29Ano ba ang kakaharapin na kaso ng mga gumawa nito?
00:33Well, ask me, ask Attorney Gabby.
00:38Attorney, hindi naman nakakahappy ng new year ang mga ganitong insidente ng pagpaputok ng barel.
00:44Ano ba ang kaso sa mga gumagawa nito?
00:47Kapag polis ba ang gumawa, mas mabigat ang parusa?
00:52Well, actually, depende kung anong nangyari,
00:54maaaring hindi lamang bumibigat ang kaso, pero dumarami din.
00:58Unang-una, actually, kailangan nating tanungin,
01:01merong nagpapaputok ng barel na wala namang nangyari.
01:04Kailangan nating tingnan.
01:05Siguro, nahuhulog na lamang ang bala sa isang lugar na walang tao
01:09at walang masaktan.
01:10Buti na lang, diba?
01:12Pero may kaso ba?
01:13Baka sabihin na nagpaputok, wala namang nangyari, bakit may kaso?
01:17Well, ito ay isang kaso sa ilalaman ng Article 354
01:20ng ating revised penal code
01:22at ang krimen ay tinatawag na illegal discharge of firearm.
01:26May parusang kulong na hanggang anim na buwan ang krimen na ito.
01:31At sa ilalim na batas, kung ang gumawa ng illegal discharge of firearm
01:35ay isang miyembro ng ating mga law enforcement agencies,
01:38tulad nga ng ating mga polis,
01:40mas mabigat ang degree ng magiging penalty.
01:44Ang problema ay kung ang bala naman ay nahulog at may natamaan dito.
01:48Sasabihin na naman,
01:50naku, hindi naman sinasadya na may nasaktan.
01:53Well, kung may natamaan na tao na nasaktan,
01:55or worse, may namatay,
01:57ito nga ay talagang magiging kaso.
02:00Dahil ito ay kaso ng matinding pagpapabaya
02:02na walang regard para sa kapakanan ng ibang tao.
02:05Alam nga natin, what goes up must come down.
02:08So, nagkakaroon ng kaso ng reckless imprudence
02:11resulting in homicide or serious physical injuries
02:14or physical injuries of any sort.
02:17Kahit walang intensyon na makapatay o makasakit na ibang tao,
02:21ang reckless na pagpapabaya na ito ay criminal na in nature
02:25na nagiging mas mitindi ang kaso.
02:28At sinabi natin, dumadami ang kaso
02:30dahil kung ang nagpaputok ay miyembro ng ating law enforcement agencies,
02:35maaari pang magkaroon ng administrative na kaso ang may salang ito.
02:40Kailangan niyang panagutan ang pagpaputok ng barel
02:43ng taon-taon ay ipinagbabawal naman.
02:46Maaari itong magresulta sa suspension sa trabaho
02:48or worse, baka matanggalan pa ng trabaho dahil sa pangyayaring ito.
02:54At attorney, yung mga biktima ng ganitong pagpaputok ng barel,
02:57ano ang pwedeng habol?
02:59Paano kung hindi sinasadya yung nagpaputok ng barel nga?
03:05Well, hindi naman porket hindi sinasadya,
03:08ay wala na kayong liabilidad.
03:09In fact, ayon sa Article 4 ng Revised Penal Code,
03:13ang isang taon na may ginawang labag sa batas
03:15kahit na hindi niya sinasadya na makasakit o makapatay,
03:19ay kailangan panagutan ang lahat-lahat ng consequences
03:22ng kanyang mga ginawa.
03:24So, yung taong nagpaputok ng barel sa ere,
03:27na sinabi naman natin ay labag sa batas at isang krimen,
03:30pag siya ay nakasakit o nakapatay ng tao,
03:32ay dapat niyang panagutan ito whether civilly or criminally.
03:36Sa mga namatayan, may automatic liability para sa pagkamatay ng isang tao.
03:42Kasama na ang yung mga actual damages
03:45para sa pagpapalibing kung namatayan
03:47at yung hospitalization expenses para sa mga nasaktan.
03:51Maaari din ang moral damages dahil sa sakit ng pagyayari ng tamo,
03:55ng mga nawalan ng minamahal sa buhay,
03:58o yung mga nasaktan mismo.
04:00Maaari din ang danyos bilang indemnity for lost income.
04:03Hindi lamang ang actual na sweldo na nawala sa taong nagre-recover,
04:07alimbawa sa ospital,
04:09Ngunit maaaring i-compute ng korte
04:11kung ano ang earning capacity nila sa expected life expectancy
04:16base sa mortality table na ginagamit ng mga insurance company
04:20na i-multiply nila by the minimum wage.
04:23So meron talagang computation,
04:25so hindi dapat talagang panagutan at medyo mabigat ang amount na yan.
04:29In any case, sa mga usaping batas,
04:31bibigyan po natin linaw para sa kapayapaan ng pag-iisip.
04:35Huwag magdalawang isip,
04:37ask me, ask Katerina Gavin.

Recommended