Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Sinagot ni Atty. Harry Roque ang pag-ugnay sa kanya ng isang vlogger sa pagpapakalat umano ng ‘polvoron’ video na dati nang sinabi ng ilang eksperto na minanipula para pagmukhaing kay Pangulong Bongbong Marcos. Kasunod ‘yan ng pagharap ng nag-akusa sa pagdinig ng Kamara.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sinagot ni Attorney Harry Roque ang pag-ugnay sa kanya ng isang vlogger sa pagpapakalat-umanon ng Paul Verón video
00:06na dati nang sinabi ng ilang eksperto na minanipula para pagmukhain kay Pangulong Bongbong Marcos.
00:12Kasunod yan ang pagharap ng nag-akusa sa pagdinig ng kamera.
00:16Nakatutok si Tina Panganiban Perez.
00:21Ang screenshot na ito mula sa binansagang Paul Verón video, slang para sa cocaine.
00:27Pinag-aralan nito noon ng mga otoridad at eksperto at sinabing minanipula ito gamit ang artificial intelligence
00:35para pagmukhain si Pangulong Bongbong Marcos ang nasa video.
00:39Sa pagdinig ng Tri-Comity ng Kamera, iniugnay ng vlogger na si Vicente Bencalo Kunanan
00:45ang dating tagapagsalita ni Pangulong Duterte na si Harry Roque sa pagpapakalat nito.
00:51Sabi ni Kunanan sa kanyang sinumpaang salaysay,
00:54nagkaroon ng diskusyon sa isang hapunan tungkol sa kung paano ipakakalat ang video sa publiko.
01:00Hindi naman po na pagkaisahan pero nagbibigay po sila ng mga opinion na dapat siguro sa international vlogger dapat na maglabas
01:12or yung Australian reporter na nag-interview kay PBBM.
01:18Sino ang nangunguna sa diskusyon noong oras po na iyon?
01:23Mr. Chair, si Atty. Harry Roque po.
01:26Dito rin sa iyong affidavit, Pebbles, may binanggit ka na binanggit din ni Atty. Roque
01:35na sinabi niya na kaya niyang magpabagsak ng gobyerno.
01:41Ang eksakling sinabi niya dyan is nagkamali sila, magaling akong magbagsak ng gobyerno.
01:50Ayon kay Kunanan, matapos ang halos dalawang linggo,
01:53ipinalabas na ang binansagang Paul Veron video sa Mayisug Rally sa Vancouver, Canada noong isang taon.
02:01Sabi ni Kunanan sa kanyang affidavit, sinabihan siya ng vlogger na si Maharlika na sakya ng video.
02:07Ayon dito sa iyo yung salaysay din, parang alam ni Maharlika ang nilalaman ng video bago pa man ito may sa publiko.
02:16Yes po, Mr. Chair.
02:19Ano po ang basihan ninyo?
02:21Kasi noong pa po niya sinasabi na may video.
02:24Sa isang livestream ay magkasamang sinagot ni Naroke at Maharlika ang mga sinabi ni Kunanan.
02:30Yung larawan na yan, lumulutang na yan eh bago pa mag-Hongkong eh.
02:332020 pa lang sinabi ko na na may Paul Veron video.
02:36So ang sabi ko sa kanila is, ito na yung inaantay natin.
02:39Kinumpirma ni Roque na pinag-usapan sa Hong Kong kung anong gagawin sa video.
02:44Pero,
02:44Totoo naman na maraming mga suggestions kung meron nga ganyang video.
02:50Pero I don't think anything came out of that.
02:53Kasi from July 7 to yung actual showing mo, kailan ba yung actual showing siya?
02:57July 22.
02:58E mula July 7 to July 22, wala naman akong narinig na balita tungkol dyan sa pulveroni.
03:06Reaksyo ni Roque sa aligas siya nagbanta siyang kaya niyang magpabagsak ng gobyerno?
03:11Nakakatawa naman yan kasi nga una-una, wala naman akong kahit isang baril.
03:16Okay?
03:16Wala naman akong sinabi na kinakailangan tayo gumamit ang dahas.
03:19Sabi ni Roque, magagamit niyang prueba sa paghingi niya ng asylum sa The Netherlands
03:24ang pagdinig ng Tricom bilang patunay umano ng political persecution laban sa kanya.
03:31Sinisika pa namin kunan ng reaksyon dito ang Malacanang.
03:34Para sa GMA Integrated News, Tina Panganiban Perez, Nakatutok, 24 Horas.
03:49Hala naman akong kahit isang baril.

Recommended