Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Sa kulungan ang bagsak ng lalaking nagpasok at nagparada ng motorsiklo sa loob mismo ng Taal Basilica sa Batangas. Ang iba pa niyang ginawa sa mismong altar, umani ng pagkondena.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa kulungan ang bagsak ng lalaking,
00:02nagpasok at nagparada ng motorsiklo sa loob mismo
00:07ng Taal Basilica sa Batangas.
00:10Ang iba pa niyang ginawa sa mismong altar
00:12na umani ng pagkondena
00:14sa nahulikam na pagtutok ni Bam Alegre.
00:21Nabulabog ang tahimik na Taal Basilica sa Batangas kahapon
00:24nang biglang pumasok ang motorsiklong ito.
00:26Nagdiredirecho ang rider
00:27at ipinirada ang motor sa harap ng altar.
00:30Ang angkas niyang babae bumaba at lumayo
00:32habang ang lalahe naman umakyat sa altar.
00:36At umupo sa upuan ng pari.
00:38Bigla pang bumalakpak ang lalaki
00:40at itinaas ang kanyang kaliwang paa.
00:43Ito ang harapan ng simbahan.
00:45Ganito lang kababa yung hagdan
00:46kaya madaling naiakit yung motorsiklo.
00:48Nakataon din na bukas yung pintuan
00:50kaya na ituloy-tuloy hanggang sa may looban
00:52sa lugar ng altar.
00:54Ayon sa pulisya, hawak na nilang lalaki
00:56na dinalaraw ng ilang concerned citizen.
00:58Hindi rin daw siya makausap ng matino.
01:00Base dun sa sabi ng magulang,
01:03wala daw bisyo yung bata.
01:05Pero nung nandito na yung bata
01:08ay nanghihingi siya ng sigarilyo
01:11sa mga kapo-opreso niya.
01:14Ay nang tinanong natin ay
01:16sabi niya ay nakagamit siya ng marijuana.
01:20Nabili niya online.
01:22Depensa ng suspect,
01:23hindi rin niya pinagsisisihan
01:24ang ginawang pagpasong ng motorsiklo
01:26sa simbahan.
01:27Parang gusto ko lang po mabasbasan.
01:31Yun po.
01:32Yun po ang gusto ko.
01:33Depende nila sa kanila
01:34kung masamang tingin nila sa akin.
01:36Dahil gusto ko mabagang buhay ko.
01:39Ikaw hindi masamang tingin mo sa inyo?
01:41Hindi nga.
01:42Sumuko naman ako.
01:43Kung hindi ako sumuko,
01:46wala ko dito.
01:48Baka yung nagtatagun.
01:49Kakasuhan siya ng paglabag
01:51sa Article 133
01:52ng Revised Penal Code
01:53o Offending the Religious Feelings.
01:55Napanood ng ilang nananampalataya
01:57ang nagviral na video ng lalaki
01:59at hindi nila nagustuhan
02:00ang ginawa niya sa loob na simbahan.
02:02Parang kabastusan yung ginawa niya eh.
02:05Tapos pumalakpak pa.
02:06Maling-mali po talaga.
02:07Ang laki na pagkakasalan
02:08ang ginawa niya.
02:09Sinisika pa namin makuha
02:10ang pahayag ng pamunuan
02:12ng Taal Basil
02:12ikakaugnay ng insidente.
02:14Para sa GMA Integrating News,
02:15Bam Alegre.
02:16Nakatutok 24 oras.
02:18Maling-mali po talaga.

Recommended