• yesterday
Wala nang uwian ang libo-libong nasa Quirino Grandstand sa Maynila sa mga oras na ito para sa “Pagpupugay” o “Pahalik”. Doon na nila hihintayin ang Traslacion ng imahen ng Poong Hesus Nazareno papunta sa simbahan ng Quiapo bukas. 


Kabilang sa mga dumagsa sa Pagpupugay ang ilang senior citizen at may karamdaman na tiniis ang ilang oras na init at siksikan sa pila.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Magandang gabi po, Luzon Visayas at Mindana.
00:04Wala nang uwian ang libu-libong nasa Quirino Grandstand sa Maynila sa mga oras na ito para sa pagpupugay o pahalik.
00:13Doon na nila hihintayin ang traslasyon ng imahe ng puong Jesus Nazareno papunta sa Simbahan ng Kiyapo bukas.
00:21Pabilang sa mga dumagsas sa pagpupugay, ang ilang pung senior citizen at may karamdaman na tiniis ang ilang oras na init at siksikan sa pila.
00:30Mula rin dito sa Quirino Grandstand sa Maynila. Nakatutok live si Oscar Oyla.
00:36Oscar.
00:39Yes, Emil. Balak nga ng ilang mga namamanata dito e wala nang uwian pa-morninga na hanggang sa traslasyon.
00:51Dangali pa lang, abot na hanggang sa may tapat ng luneta sa may Ross Boulevard, ang pila ng pahalik na ginagawa dito sa may Quirino Grandstand.
01:01Sa tansya ng mga polis, nasa mayigit isang kilometro na ang haba ng pila, lalot di naman ito basta diretsyo lang, kundi pinagmistulang bituka para di masyado lumayo.
01:13Sa pagtatanong namin, tumatagal ng tatlo hanggang apat na oras ang pagpila.
01:18Isa na sa mga napasabak dito ang pamilya Damasco, na nasa dalawang oras din daw bago nakarating sa poon.
01:26Partida, sa courtesy lane na sila, pinapila pagkat mayroon silang karamdaman.
01:32Ang 26 anyos nilang anak na si Mary Rose, may cerebral palsy at iniindang respiratory tract infection.
01:40Habang ang 68 anyos niyang ama naman, na si Mang Ulysis, may sakit sa puso at diabetes, at bunsod ng komplikasyon, ay hirap na ring makalakad.
02:10Magalingin po kami at mahalin kami makatulong pa ulit.
02:15Taon-taon na raw nilang ginagawa ito bilang panata, umaasa na balang araw ay gagaling din sila.
02:23Kung may mga pagsubok man, narating sa buhay natin, katulad sa amin may mga pagsubok pero nilalabanan pa rin namin.
02:32So huwag kayong maulang pag-asa, dahil andyan si Heavenly Father, si Jesus Christ na handang tumulong sa atin.
02:39Siguro binibigyan lang niya tayo ng mga ganitong pagsubok para maalala natin siya.
02:45Samantala, tirikpaman din ang araw, kanya-kanya ng pwestong ilan sa mga namamanata sa may Burnham Green,
02:52ang open field dito sa may Kirino Grandstand.
02:55Kanya-kanyang set up ng mapapahingahan, yung iba halatang na paghandaan.
03:00May mga dala pang folding chair at mahihigaan.
03:03Wala na raw uwian, dito na raw sila magpapalipas ng magdamag, lalot inaasahang ngayong gabi pa lang.
03:10Mapupununan ang deboto ang lugar.
03:13Tapusin talaga namin, yung lahat dyan na programa tapusin talaga muna namin.
03:20Hanggang sa mga gano'n na magpared, ibaba na si senyor sa Reno.
03:25Taon-taon namin ginagawa ito.
03:27Kami kahit wala kami bawon, pamasahin lang, okay lang sa amin para makapunta kami sa kanya.
03:33Masalamat para humiling sa kanya ulit.
03:36Dahil nang hiling namin sa kanya, binibigay niyo.
03:39Pasado alas tres ng hapon, pinasigla naman ang mga namamanata sa lugar ng isinagawang band parade.
03:46Sa pangunguna ng marching band na tumugtog ng mahimig panreliyon at tradisyonal na musika.
03:54Pasado alas sinko naman na ng hapon, nang idaos ang panalangin sa takip silim.
03:59Isang pampublikong dasal na idinaraos sa dapit hapon bilang paghahanda sa araw ng traslasyon.
04:06Bukas, alas sinko ng umaga, magsisimula ang traslasyon.
04:10Ang andas ng puong Nasareno, iikot mula Kirino Grandsand, lulusot sa iba't ibang kalsada sa Maynila,
04:17sa rutang may habang mahigit sa limang kilometro, hanggang sa makabalik sa Quiapo Church.
04:22Paalala ng mga otoridad, huwag nang magsama ng mabata at mga may karamdaman sa traslasyon,
04:28na inaasahang lalahukan ng mayigit sa 6 na milyong katao.
04:37Sa mga sandaling ito, ay umabot na sa mayigit 29,000 na namamanata
04:42ang nagpunta dito sa Kirino Grandsand para sa pahalik ng puong Jesus Nazareno.
04:47Emil?
04:49Maraming salamat, Oscar Oida.

Recommended