Narito ang maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Miyerkules, April 9, 2025
-Lalaking wanted para sa kasong attempted homicide, arestado/ Hinihinalang shabu at hindi lisensiyadong baril, nakumpiska sa akusado/ Akusado, nakiusap sa mga pulis na bantayan ang kanyang pamilya; walang pahayag ukol sa kanyang kaso/ Akusado sa attempted homicide case, sasampahan din ng reklamo kaugnay sa illegal firearms at illegal drugs
-WEATHER: 16 na lugar sa bansa, posibleng tamaan ng danger level na heat index ngayong araw
-Misamis Oriental Gov. Unabia, humingi ng paumanhin sa ilang Muslim leader kasunod ng kanyang mga pahayag tungkol sa BARMM
-Pasig congressional candidate Ian Sia, pinagpapaliwanag muli ng COMELEC dahil naman sa body-shaming sa kanyang staff/ Pasig congressional candidate Ian Sia, sumagot na sa COMELEC tungkol sa pahayag niya sa solo parents/ Supreme Court, may show cause order din vs. Pasig congressional candidate Ian Sia na isang abogado/ COMELEC Resolution: Election-related activities, ituturing nang safe spaces; bawal ang diskriminasyon at kabastusan
-Sir Elton John at Madonna, nagkaayos na matapos ang ilang dekadang away/ Madonna at Elton John, nagsimula ang alitan noong 2002 dahil sa negative comments ni Elton sa kantang "Die Another Day" ni Madonna
-Rider, ipinasok ang motorsiklo sa loob ng Taal Basilica; umupo pa sa upuan ng pari/ Umaming gumagamit ng marijuana ang rider, ayon sa pulisya
-INTERVIEW:
PCPT. ROMMEL MAGNO
OIC, TAAL MUNICIPAL POLICE STATION
Rider, ipinasok ang motorsiklo sa loob ng Taal Basilica; umupo pa sa upuan ng pari
-Supply ng tubig sa La Carlota City, apektado ng pagputok ng Bulkang Kanlaon/ PHIVOLCS: Aktibidad ng Bulkang Kanlaon, mahigpit na mino-monitor/ Water rationing, isinagawa para sa mga barangay na kulang ang supply ng tubig
-3 Pinoy fencers, wagi ng gold medals sa isang kompetisyon sa Taiwan/ Ph Sambo Team, panalo ng 3 gold at 1 silver medal sa US Open International Sambo Cup
-INTERVIEW: ASEC. ALBERT DOMINGO
SPOKESPERSON, DEPARTMENT OF HEALTH
Mexican actor Manuel Masalva na galing sa bakasyon sa Palawan, naka-medically-induced coma dahil sa bacterial infection/ Publiko, pinag-iingat sa matinding init at alinsangan/ Mga residente sa paligid ng Bulkang Kanlaon, pinaaalerto kontra ashfall
For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
-Lalaking wanted para sa kasong attempted homicide, arestado/ Hinihinalang shabu at hindi lisensiyadong baril, nakumpiska sa akusado/ Akusado, nakiusap sa mga pulis na bantayan ang kanyang pamilya; walang pahayag ukol sa kanyang kaso/ Akusado sa attempted homicide case, sasampahan din ng reklamo kaugnay sa illegal firearms at illegal drugs
-WEATHER: 16 na lugar sa bansa, posibleng tamaan ng danger level na heat index ngayong araw
-Misamis Oriental Gov. Unabia, humingi ng paumanhin sa ilang Muslim leader kasunod ng kanyang mga pahayag tungkol sa BARMM
-Pasig congressional candidate Ian Sia, pinagpapaliwanag muli ng COMELEC dahil naman sa body-shaming sa kanyang staff/ Pasig congressional candidate Ian Sia, sumagot na sa COMELEC tungkol sa pahayag niya sa solo parents/ Supreme Court, may show cause order din vs. Pasig congressional candidate Ian Sia na isang abogado/ COMELEC Resolution: Election-related activities, ituturing nang safe spaces; bawal ang diskriminasyon at kabastusan
-Sir Elton John at Madonna, nagkaayos na matapos ang ilang dekadang away/ Madonna at Elton John, nagsimula ang alitan noong 2002 dahil sa negative comments ni Elton sa kantang "Die Another Day" ni Madonna
-Rider, ipinasok ang motorsiklo sa loob ng Taal Basilica; umupo pa sa upuan ng pari/ Umaming gumagamit ng marijuana ang rider, ayon sa pulisya
-INTERVIEW:
PCPT. ROMMEL MAGNO
OIC, TAAL MUNICIPAL POLICE STATION
Rider, ipinasok ang motorsiklo sa loob ng Taal Basilica; umupo pa sa upuan ng pari
-Supply ng tubig sa La Carlota City, apektado ng pagputok ng Bulkang Kanlaon/ PHIVOLCS: Aktibidad ng Bulkang Kanlaon, mahigpit na mino-monitor/ Water rationing, isinagawa para sa mga barangay na kulang ang supply ng tubig
-3 Pinoy fencers, wagi ng gold medals sa isang kompetisyon sa Taiwan/ Ph Sambo Team, panalo ng 3 gold at 1 silver medal sa US Open International Sambo Cup
-INTERVIEW: ASEC. ALBERT DOMINGO
SPOKESPERSON, DEPARTMENT OF HEALTH
Mexican actor Manuel Masalva na galing sa bakasyon sa Palawan, naka-medically-induced coma dahil sa bacterial infection/ Publiko, pinag-iingat sa matinding init at alinsangan/ Mga residente sa paligid ng Bulkang Kanlaon, pinaaalerto kontra ashfall
For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Transcription by CastingWords
00:30Huli kam sa Maynila ang komosyon sa paghuli sa isang lalaking akusado ng attempted homicide.
00:36Madadagdagan pa ang reklamo laban sa kanya matapos mahulihan ng mga hinihinalang siya buh at hindi lisensyadong baril.
00:44Balita natin ni Jomar Apresto.
00:48Kakain na sana ang dalawang lalaking ito sa barangay 340 sa Santa Cruz, Maynila nitong martes ng madaling araw.
00:55Maya-maya, may isang nakaputing lalaki ang biglang lumapit at tila kinumpronta ang lalaking nakasombrero.
01:02Tumayo ang lalaki at tila may binubunot sa kanyang bewang.
01:06Bigla siyang niyakap ng kasama niyang naka-orange na damit.
01:09Kita sa CCTV na baril pala ang bubunotin sana ng lalaking nakasombrero na nakuha ng kanyang kasama.
01:16Habang ang nakaputing sando, bumunot din ang baril.
01:19Ayon sa barangay, undercover na polis ang lalaking nakaputi at may nalang warrant of arrest para sa lalaking nakasombrero dahil sa kasong attempted homicide.
01:29Kala akong masabi may away daw, ay namakita ko yung polis. Alakiklala ko naman yung ibang polis dito.
01:36Bukod sa hindi umanulisin siyadong baril at mga bala, nakuha rin sa akusado ang isang sasye ng hinihinalang siyabo.
01:42Sabi ng barangay, mayroon ding cellphone na nakuha kung saan nakita ang ilang text na mayroong naguutos sa akusado para pumatay.
01:51Dayo lang siya. Kung hindi niya nakuha yung baril, ay di patay yung polis, di ba?
01:57Nakatakdang isa ilalim sa ballistic examination ng baril na nakuha sa akusado para malaman kung may kaugnayan ba ito sa mga nakalipas na insidente ng pamamaril sa lungsod.
02:07Sinubukan naman namin makipag-ugnayan sa lalaking naka-orange na t-shirt pero tumanggi na siyang humarap sa kamera.
02:20Yan naman na naging pahayag na akusado sa mga polis dahil may nagbabang tao mano sa buhay ng kanyang pamilya.
02:26Patuloy ang investigasyon ng motoridad.
02:28Sa ngayon, nasa kustodiyan ng Manila Police District ang akusado.
02:32Bukod sa naunang kasong attempted homicide, nahaharap siya sa reklamong paglabag sa Comprehensive Law on Firearms and Ammunition
02:39na may kaugnayan sa gun ban ngayong panahon ng eleksyon.
02:43Ngayon din ang paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
02:47Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:51Paypay pa more mga kapuso!
02:59Labing-anin na lugar sa bansa ang pinaalerto muli sa matinding init at alinsangan ngayong Merkoles.
03:05Ayon sa pag-asa, posibleng umabot sa danger level na 44 degree Celsius na heat index sa Dagupan, Pangasinan.
03:1142 degree Celsius naman sa Sangli Point, Cavite, Virac, Catanduanes at sa Butuan, Agusan, Del Norte.
03:1742 degree Celsius naman ang posibleng heat index sa Itiaga, Isabela.
03:21Iba, Zambales, Olongapo City, San Eldifon, Subulacan, Kamiling, Tarlac, Cuyo, Palawan, Rojas, Capiz, Iloilo City, Panglau, Bohol, Katarman, Northern Samar, Dipolog, Zamboanga, Del Norte at sa Musuan, Bukidnon.
03:37Mananatili namang nasa extreme caution level ang posibleng heat index dito po sa Metro Manila.
03:42Ayon sa pag-asa, easteries muli ang nakakaapekto at magdadala ng mainit na panahon sa bansa ngayong araw.
03:48Nagdudulod din ang nasabing weather system na mga panandali ang ulan.
03:53Base sa rainfall forecast ng Metro Weather, ilang panig ng Northern at Southern Luzon, Zambales, Visayas at Mindanao ang uulanin sa mga susunod na oras.
04:02Mababa naman ang tsansa ng ulan dito po sa Metro Manila.
04:05Patay ang dalawang sakay ng isang motorsiklo matapos silang pagbabarilin sa Marilao, Bulacan.
04:13Patuloy na inaalam ng mga otoridad kung sino ang salarin at kung ano ang motibo sa krimen.
04:18Balitang hatid ni James Agustin.
04:19Bumulag na ang dalawang sakay ng isang motorsiklo matapos pagbabarilin sa bahaging ito ng Barangay Lambaking sa Marilao, Bulacan.
04:29Pasado las 11 kagabi.
04:31Dead on the spot ang mga biktima na nagtamuan ang mga tama ng bala ng baril sa katawan.
04:37May nakuhang pagkakilan na sa 34 anyo sa lalaking biktima.
04:41Habang hindi pa tukoy ang babae, nasa tansya ng mga otoridad ay mahigit 20 anyos.
04:46Ayon sa mga residente, nagulat sila na makarinig na mahigit sa limang putok ng baril.
04:51May narinig po kaming sunod-sunod na putok ng baril.
04:57Tapos hindi po namin pinansin yun kasi may ginagawa po kaming sasakyan.
05:01Sa kabilang kanto lang po.
05:03Tapos nung biglang may sumisigaw na may bumulag ta, sumili po kami.
05:08Pero hindi kami basta-basta lumapit kasi baka mamaya nandun pa yung bumaril.
05:13Hindi na muna nagpa-unlock ng panayamang Marilaw Police habang iniimbisigan pa ang posibleng motibo sa krimen.
05:19Sa inisyal na imbisigasyon, pauwi na ang mga biktima ng paputokan ng gunman.
05:24Halos limang metro ang layo sa inuupahan nilang bahay.
05:27Nakasakay rin sa isang motorsiklo ang salarin na nakasuot ng itim na long sleeves at face mask.
05:33Ang barangay naman limitado lang din ang impormasyong nalalaman kaugnay sa mga biktima.
05:36Hindi po namin masyadong kilalim ang mga tao na yan dahil sabi po ng mga kapitbahay,
05:42dalawang linggo pa lang daw po silang nakatira dyan.
05:46Kaya hindi po namin malawang residente talaga dito yan o saan galing.
05:53Nang iproseso ng Soko, nakuhang nasa 38 sasya ng umunay siya bu.
05:58Mula sa bulsa ng shorts ng lalaking biktima,
06:01may nakita rin ba rin na nakasukbit sa kanyang bewang.
06:03Sa motorsiklo, nakuhang dalawang cellphone at mga drag para fernilya.
06:07Abot sa siyam na basyon ang balang na recover sa pinangyarihan ng paumari.
06:12Nagkasana ng follow-up operation ng pulisya.
06:14Pasado las 4 na nang umaga nang matapos si proseso ng Soko ang crime seat.
06:18Isa sa ilalim sa otopsiya ang mga labi ng dalawang biktima.
06:22James Agusti, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
06:25Ito ang GMA Regional TV News.
06:33Mahibig na balita mula naman sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
06:38Sugatan ng isang lalaki matapos umanong sakmalin ng buhaya sa Sofronio Española sa Palawan.
06:44Chris, nasan na yung buhaya?
06:45Bonnie, nakatakas ang buhaya matapos nakagatin ang lalaki.
06:52Batay sa investigasyon, namuuan ng hipon sa barangay Labog ang biktima
06:56ng biglang sakmalin ng buhaya sa kanyang kaliwang hita.
07:00Hininapaumanos siya nito sa malalim na bahagi ng tubig.
07:03Ilang beses na sinaksak ng kutsilyo ng biktima ang buhaya hanggang sa bumitaw ang buhaya.
07:09Nilapatan ng first aid ang biktima sa barangay health center
07:12saka siya inilipat sa ospital para sa patuloy na gamutan.
07:17Nahulog naman ang isang SUV sa overflow bridge sa Echage, Isabela.
07:23Wasak ang malaking bahagi at basag ang ilang salaminang sasakyan
07:27habang sugatan ang driver nito na dinala sa ospital.
07:30Ay sa mga otoridad posibleng nakatulog ang driver at namali ng kadig sa manibela.
07:36Walang pahayag ang driver. Patuli naman ang investigasyon sa insidente.
07:42Araw ng kagitingan ngayon, may libreng sakay po sa MRT3 at LRT2.
07:50Sa LRT2, mauulit ang libreng sakay para sa lahat ng pasahero mamayang alas 5 ng hapon hanggang alas 7 ng gabi.
07:57Ang mga veterano po at isa niyang kasama, libre naman ang sakay buong araw sa parehong LRT2 at MRT3.
08:07Nagsimula po yan noong Sabado at tatagal hanggang sa Biyernes.
08:11Ipakita lamang po ang Philippine Veterans Affairs Office ID para ma-avail ang libreng sakay.
08:19Huli ka mang paatras sa pagharurot at pagpapaikot-ikot ng isang SUV sa isang gasolinahan sa Quezon City.
08:25Ang driver, mahaharap sa reklamo. Narito ang aking report.
08:29Nakukuha na ng video ang SUV na ito na humaharurot paatras sa bahagin ng North Fairview sa Quezon City.
08:37Ang SUV, ilang beses daw binanga ang isang van na nakaparada sa gilid ng kalsada.
08:43Ayon sa may-arin ng van na si Rowena, nasa loob siya ng maramdamang umuuga ang sasakyan.
08:47Maraming tao naglabasan at sinasabi na binabanga na daw po yung sasakyan namin.
08:51Tapos tinignan ko sa likod, ay oo nga, binabanga na tayo.
08:55Sinubukan ang driver ng van na katukin ang SUV.
08:57Tinapi ko yung tagiliran niya.
08:59Tapos sabay silip ko, siya lang mag-isa at nakaganon siya sa manubila.
09:04Eh nung ano sabi ko, pag ikot ko doon sa kabila,
09:07sinabihan ko si Sir, Sir katukin ko na lang.
09:09Sabi naman ni Sir, huwag mo na katukin, baka may baril daw.
09:13Matapos ito, tumawag na sila ng polis.
09:15Sa halos 20 minutong paghihintay, hindi raw lumabas ang driver ng SUV.
09:20Sa video ng ito na nag-viral, makikita ang kinakausap na ng polis ang driver ng puting SUV
09:24mula sa bintana ng sasakyan.
09:26Maya-maya, dahan-dahang umatras ang SUV hanggang sa kumarulot pa atras at pumasok sa isang gasolinahan.
09:32Ilang beses itong nagpaikot-ikot doon dahilan para mabanga ang ilang gamit tulad ng drum ng tubig
09:37at protective barrier ng gasolinahan.
09:40Napatakbo ang mga tao.
09:42Nang humupang sitwasyon, lumabas ang driver ng SUV pero tila hindi raw alam ang nangyari.
09:48Eh sabi ko, Sir, anong po bang nararamdaman niyo?
09:50Sir, alam niyo pa ba yung nangyari?
09:52Hindi ko alam eh.
09:53Ang alam ko lang may tumama na sa akin dito, masakit nga eh.
09:57Kung saan ba kayo galing, Sir?
09:58Sabi niya sa Makati pa ako.
09:59Ayos naman siya makipag-usap, Sir.
10:01Tatlong sasakyan ang binanggan ng SUV.
10:04Wala namang nasaktan.
10:05Inaalam pa kung magkano ang halaga ng pinsala.
10:08Sinusubukan pa namin hinga ng pahayag ang driver ng SUV na 68 taong gulang at retiradong miyembro ng US Navy.
10:15Mahaharap siya sa reklamang reckless imprudence resulting in damage to property.
10:18Rafi Tima nagbabalita para sa GMA Integrated News.
10:22Nag-sorry si Misamis Oriental Governor Peter Unabia.
10:34Kaugnay po yan sa kanyang mga pahayag tungkol sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.
10:40Sa isang interfaith council sa Cagayan de Oro City, nakipag-usap si Unabia sa ilang religious leader
10:46at sinabing sinusuportahan niya ang Muslim community.
10:50Na pagkasundoan din sa naturang pulong na paiigtingin pa ang pagkakaintindihan para mapanatili ang kapayapaan sa kanilang lugar.
10:59Naging kontrobersyal si Unabia matapos banggitin sa isang campaign event ang mga pambobomba sa BARMM
11:05at tila pag-uugnay niya sa mga maranaw sa ilang election-related harassment.
11:15Pinagpapaliwanag ulit ng COMELEC ang isang kandidato sa PASIG dahil sa body shaming sa kanyang staff.
11:20Una ng pinuna ang naturang kandidato dahil sa mga kwento niya tungkol sa solo parents.
11:25Balita ng ating din Dano Tingkungko.
11:27Wala pang isang linggo mula ng yutos ng COMELEC na magpaliwanag si PASIG Congressional Candidate Atty. Christian Sia
11:36dahil sa pahayag na ito tungkol sa mga solo parent.
11:38Minsan sa isang taon ang mga solo parent na babae na nire-regla pa, pwede sumipin mo sa akin.
11:45May panibagong show cost order ang COMELEC para sa kanya dahil sa isa pa niyang pahayag noong April 3.
11:52Para kasi patunayang hindi anya siya manyak, iniharap niya sa hiwalay na kampanya ang isa niyang staff.
11:57Pakita ka lang, para hindi ka pagselosan. Yan. Yan ho ang staff.
12:04Ano pa isura mo ng nakaraang 15 taon?
12:07Wala.
12:09Payat?
12:11Oo, hindi. Mataba ka na.
12:12Amon ako.
12:13Ano pa, magiging staff na manyak.
12:19Di ba?
12:19Pagkatapos ay binanggit naman ang edad ng isa pang staff.
12:2259 years old.
12:24Di o.
12:26Pag ating mo sa babae, maminaw po.
12:27Ang babae ay nire-respeto at minamahal.
12:31Binigid ang COMELEC ng tatlong araw si Sia para magpaliwanag kung bakit hindi siya dapat sampahan ng election offense o petition for disqualification.
12:38Ang pangalawa na show cost order sa kanya dahil doon sa kanyang sinabi sa entablado, lalo na kahit ito ay address sa kanyang assistant, ang sinasabi kasi natin public yun, habang sa isang campaigning yun, and therefore naririnig ng madami at napapanood ng madami.
12:58Ngayong linggo ay dedesisyon na ng task force safe ng COMELEC kung dapat siyang kasuhan ng disqualification.
13:04Inihai na ni Sia ang kanyang paliwanag sa naon ng show cost order.
13:08Kung matuloy sa disqualification case, sunod na pag-aaralan kung may sapat ding basihan para sa hiwalay na reklamong paglabag sa omnibus election code.
13:15Sa parehong show cost order, ipinunto ang pusibling paglabag sa COMELEC Resolution 1116 na itinuturing na election offense ang diskriminasyon laban sa mga babae at pangaharas batay sa kasarian.
13:28Sinusubukan naming kingan ng paliwanag si Sia sa panibagong show cost order ng COMELEC.
13:32Nauna na siyang nagsori kaugnay sa sinabi niya tungkol sa mga solo peren.
13:36Ang Korte Suprema naglabas din ng show cost order para pagpaliwanagin si Sia kung bakit hindi siya dapat patawan ng disiplinary action para sa naturang pahayag.
13:44May sampung araw si Sia para sumagot.
13:46Sa gitna nito, inaprubahan ng COMELEC ang supplemental resolution para palawakin ang anti-discrimination and fair campaigning guidelines.
13:54Itinuturing ng safe space ang lahat ng election-related activity kabilang ang campaign rallies pati ang mga social media platform na ginagamit sa eleksyon.
14:02Election offense na rin ang child abuse, diskriminasyon, incitement at mga bastos na publication at palabas.
14:09Bawal na rin ang mga jingle na may double meaning.
14:11Dapat siguro mas mataas na konti nga yung discourse sapagkat meron po tayong mga nanunood na mga naniniwala sa atin, mga bata, kabataan, na maaaring paglumaki baka akala po nila kasi ay tama.
14:24Ang mga lalabag pwedeng isumbong sa task force safe ng COMELEC.
14:28Dano Tingkungko, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
14:31Happy Wednesday mga mari at pare, nagkaayos na ang music icon na si Sir Elton John at Queen of Pop Madonna matapos ang mahigit dalawang dekadang alitan.
14:50Pinost ni Madonna ang kanilang picture ni Elton na kuha sa backstage ng isang TV show.
14:55Sa caption, binalikan ni Madonna ang isang performance noon ni Elton na nakatulong daw sa kanya na maintindihan ang transformative power of music at okay daw maging iba.
15:07Inamin ni Madonna ng saktan siya sa negative comments noon ni Elton laban sa kanya na galing pa sa kanyang inahangaan sa industriya.
15:16Nang magkaharap daw sila backstage, humingi ng tawad si Elton at naging okay na bigla ang lahat.
15:21Sinabi rin ni Madonna na gumawaraw ng kanta si Elton para sa kanya at gusto siya na makakolab.
15:28Ayon sa People Magazine, nagsimula ang alitan matapos magkomento ni Elton na hindi niya nagustuhan ang kantang Die Another Day ni Madonna sa isang Bond film noong 2002.
15:40Sinundan ito ng pag-akusa ni Elton na nag-lip-sync si Madonna sa kanyang live performance.
15:45Sa autobiography na pinoblish ni Elton noong 2019, inamin niya na hindi niya nagustuhan ang mga komento ni Madonna noong 2012 kay Lady Gaga.
15:55Inilahad niya na dapat nag-sorry siya kay Madonna sa kanyang negative comments.
16:002023 nang purihin si Elton ni Madonna si Madonna para sa kanyang tribute performance ng mga nasawi dahil sa AIDS.
16:08Nauwi sa pamamaril ang pagkikipaghabulan ng isang gwardya sa mga polis sa Osmeña Boulevard sa Cebu City.
16:17Batay sa investigasyon, ang suspect ay nag-amok sa kanyang pinagtatrabahuhan.
16:22Binaril siya sa binti ng isang polis matapos niyang tangkang saksakin ang rumisponding SWAT member.
16:28Sugatan at naka-hospital arrest na ang suspect na walang pahaya.
16:30Ayon sa kasamahan niya, bigla nalang nagwala ang suspect at hindi nila alam kung bakit.
16:36Mag-iisang buwan pa lang daw sa trabaho ang suspect.
16:41Viral po ngayon sa social media ang rider na walang habas na ipinasok ang motosiklo niya sa loob ng Taal Basilica sa Batangas.
16:49Hindi raw niya pinagsisihan ang mga ginawa kabilang ang pag-upo sa upuan ng pari.
16:55Ang mainit na balita hatid ni Bam Alegre.
17:00Kita sa CCTV ng Taal Basilica sa Batangas ang pagpasok ng isang motosiklo sa loob mismo ng simbahan.
17:06Pagkahinto ng motosiklo, naglakad palayo ang angkas na babae.
17:09Naglakad naman ang rider na lalaki papunta sa harap.
17:12Binuksan ang harang ng altar at umupo sa upuan ng pari.
17:16Pumalakpak at itinaas pa ang paa.
17:20Dinala ang lalaki sa Taal Municipal Police Station.
17:22Hindi raw siyang makausap ng matino.
17:24Ayon sa pulisya, umamin kalaunan ng lalaki na gumagamit siya ng mariwana na nabibili niya online.
17:28Sasampahan siya ng reklamang paglabag sa Article 133 ng Revised Penal Code, The Offending the Religious Feelings.
17:35Sinisika pa rin natin kunan ng pahayag ang pamunuan ng Taal Basilica.
17:39Sa panayam ng GMA Integrated News sa lalaki, sinabi niyang hindi siya pinagsisisihan ang ginawa niya.
17:44Hindi naman inaresto ng pulisya ang kasama niyang babae.
17:47Bam Alegre nagbabalita para sa GMA Integrated News.
17:49At kaugnay ng balitang yan na pagpasok na isang motorsiklo sa loob ng Taal.
17:57Katigal, kausapin natin si Taal Municipal Police Station Officer in Charge Police, Captain Romel Magno.
18:02Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
18:06Magandang umaga po, sir.
18:07Kamusta na po yung inarestong motorcycle rider?
18:10May iba pa bang reklamo bukod sa paglabag sa Article 133 ng Revised Penal Code o The Offending Religious Feelings?
18:16Wala naman po siyang ibang kinakarap na kaso maliban doon sa Article 133 ng Revised Penal Code.
18:26Yung simbahan po ba ay formal na maghahain din ang reklamo?
18:31Sorry, sir. Hindi ko ma-reling.
18:33Opo. Yung simbahan po ba may balak maghahain ng reklamo?
18:38Yes, sir. Sila po ang complainant dito sa ating suspect.
18:41May paliwanag na ho ba itong suspect doon sa kanyang ginawa?
18:46Balisa ngayon, sir. Hindi pa natin makausap ng maayos yung suspect.
18:51Iba-iba po yung mga sinasagot niya kaya hindi pa natin ma-establish kung ano talaga yung dahilan bakit niya ipinasok yung motor.
18:58Pag sinabi niyo hindi makausap ng maayos, ano ito?
19:01Nakakapagsalita pero iba-iba yung sinasagot. Ganun ho ba?
19:06Yes, sir. Malayo po yung mga sagot niya sa tanong.
19:09Kaya hindi pa natin makausap ng maayos.
19:11Meron na po ba itong kaanak na nagpunta at nagtungo dyan sa presinto?
19:16Apo. Nandyan po ang kanyang tatay gagabi. Kauusap ko. Marami din naman tumadalaw sa kanya at naghahatin ng pagkain.
19:23Ano pong paliwanag kung meron man yung ama doon sa ikinilos ng kanyang anak?
19:27Sa salita po ng ama ay hindi niya alam na gumagamit ng droga yung kanyang anak.
19:35Tapagkat sinabi niya po sa amin na wala siyang nakikitang bisyo yung bata at galing nga daw po yan sa trabaho.
19:42Pero yung kanyang girlfriend, ang sabi po ay kakaiba nga yung kinikilos.
19:48Kasi hindi naman nagmamanu sa kanyang tatay. Nung araw na yun ay bigla na lang nagmanu.
19:52And then, nung kinausap naman po natin yung suspect, minsan medyo nakakausap ng maayos,
19:59ay alam niya kung paano bumili ng droga sa online.
20:03Yung dead drop, alam niya din kung paano binabagsak ang drugs.
20:07So, siguro po ay baka nakagamit ng droga at na hindi po natin masabi sa ngayon.
20:16Hanggang hindi pa po tapos ang investigasyon.
20:18Siya po ba yung sinailalim sa drug test?
20:22I-re-request pa po namin ng drug test sa ating crime lab.
20:28Pero sa ngayon, wala po kayo nakikita iba pang record itong rider na ito?
20:34Wala naman po siyang record o anumang record sa barangay o dito sa police station.
20:41Ngayon, last time po ito nangyari sa kanya na nagkaganyan.
20:43Pero gaano ba kadelikado itong ginawa nitong rider na ito?
20:47At anong indikasyon ito na pwede pang maging malala yung kanyang ginawa?
20:52Bali, nagkataon po na wala namang misa noong time na siya ay pumasok.
20:58Kaya lang ay nakakabahala at basta na namang nakakapasok ng ganyan.
21:03So, hihikwitan po natin ang ating siguridad sa simbahan.
21:07At pinapayohan din namin ang mga deboto na huwag po kayong mangambah na magkakaroon ng ganitong pangyayaring mali.
21:17Nabanggit niyo po, nakausap niyo yung kasamang babae nitong rider.
21:20Meron ho ba siyang magiging asunto?
21:23Wala naman po. Di naman po kasama yung babae.
21:26Di naman niya kagustuhan na pumunta doon.
21:29Meron diretso lang po yung motor.
21:31May magsasimana santa na po.
21:32Binanggit nga ninyo, maghihigpit kayo ng siguridad dyan sa paligid.
21:35Gano ba kadami yung nagpupunta dyan kapag ganitong panahon?
21:41Libo po ang dumarating dito kapag Semana Santa.
21:45Kaya naglalagay po tayo.
21:46Meron po tayong deployment plan na nakalaan para dyan sa Basilica, sa Kaisasay, sa mga areas of convergence.
21:55Meron po tayong mga helpdesk na nilalatag.
21:58Okay, sige po. Maraming salamat po sa oras na ibinahagi niyo sa Balitang Hali.
22:02Salamat po.
22:02Taal Municipal Police Station Officer in Charge, Police Captain Romel Magno.
22:09Isang araw matapos pumutok ang bulkang Kanlaon, bukod sa makapal na abo,
22:14problema rin po ng mga residente sa La Carlota City sa Negros Occidental ang tubig.
22:20May ulat on the spot si Aileen Pedreso ng GMA Regional TV.
22:25Aileen?
22:29Connie, hindi lang epekto ng ashfall sa kalusugan.
22:32Kundi pati na ang kakulangan ng supply ng tubig.
22:35Ang pinuproblema ngayon ng ilang residente dito sa La Carlota City matapos ang pagputok ng Mount Kanlaon kahapon.
22:42Isang araw matapos magkaroon ng explosive eruption,
22:45ang Mount Kanlaon,
22:46apektado ang supply ng tubig sa ilang bahagi ng La Carlota City na halos na balot ng ashfall.
22:51Dito sa barangay Arawal sa La Carlota City,
22:53kaunti lang ang lumalabas na tubig sa mga gripo,
22:56kaya problema ang mapagkukuna ng tubig lalo na ang maiinom.
22:59Narito ang pahayag ng ilang residente na kausap natin.
23:05Kada common, sa kada maglupok ang vulkan,
23:08problema taas o free.
23:10Ang next sinagin na kwans na tao, ang tubig.
23:13Kaysa spring ni Sana Galin, ang tubig,
23:17teoki, manganik,
23:18eh daw wala,
23:20magigit sa naglubog,
23:22pero ang wala kami di gakwa,
23:24ilimnan.
23:29Unti-unti na rin bumalik sa pagtatanim ng tubo
23:32ang mga magsasaka sa lugar,
23:34matapos pansamantalang tumigil kahapon
23:36dahil sa mga abo na tumama sa pananim ng mga ito.
23:39Sa tala ng La Carlota City,
23:40LGU, apat na barangay ang pinaka-apektado
23:42sa pagputok ng vulkan,
23:44kasama na dito ang Arawal,
23:45Yubo, San Miguel at Hagimit.
23:47May mahigit 1,900 na tao
23:49ang nasa evacuation center simula noong Disyembre.
23:52Nadagdagan ito ng labing-anim na tao
23:54mula sa apat ng mga pamilyang lumikas
23:56dahil sumama ang pakiramdam
23:57matapos nakalanghap ng asukre kahapon.
24:00Mahigpit na minomonitor ng FIVOX
24:02ang susunod pa ang aktibidad ng vulkan.
24:04Hindi inaalis ang posibilidad ng lava flow
24:06dahil sa pagakyat ng magma.
24:08Sa loob ng 24 oras na monitoring ng FIVOX,
24:1115 volcanic earthquakes ang naitala
24:13maliban sa explosive eruption
24:15na nagtagal kahapon ng mahigit 50 minuto.
24:19Sa ngayon, Connie,
24:20nagsasagawa na ng water rationing
24:22ang LGU sa mga barangay
24:24na apektado ng kakulangan ng supply ng tubig.
24:27Samantala,
24:28unti-unti na rin na nililinis
24:30ang mga kalsada na nabalot kahapon ng abo
24:32dahil na rin sa isinagawang
24:34flushing operations
24:37ng Bureau of Fire Protection.
24:39Yan muna ang latest mula dito
24:41sa La Carlota City.
24:42Balik sa inyo dyan, Connie.
24:44Maraming salamat,
24:44Aileen Pedreso
24:46ng GMA Regional TV.
24:52Good job ang mapapambato natin
24:54sa sports na fencing at sambo.
24:57Tatlong pinay-fenster
24:58nagwagin na gold
24:59sa 2025 Heffing Cup
25:00National Children's Junior Championship
25:02sa Taiwan.
25:03Si Yuri Canlas
25:04para sa under-19 women's AP,
25:06Jayden Divinigrasia
25:07para sa under-15 women's saber
25:09at si Aidan Taguino
25:11para sa under-11 men's saber.
25:14Panalo rin ang
25:14Philippine Sambo Team
25:15sa US Open International Sambo Cup
25:17sa Georgia, USA.
25:20Gold medalists
25:21si Nachino C. Tangconshan,
25:23Sidney C. Tangconshan
25:24at Aislin Agnes Yap
25:26para sa 88, 80
25:27at 72 kilogram categories.
25:30Silver naman si
25:31Joe Maritore
25:32sa 54 kilogram category.
25:34Congratulations sa inyo!
25:40Kila nagkokoentuhan lang
25:41sa labas ng isang mall
25:42sa Cotabato City
25:43ang ilang binatilyo
25:44na yan itong lunes.
25:45Pero maya-maya,
25:47nagsuntukan
25:47at nagrambula na sila.
25:50Isang security guard
25:51ang umawat sa mga binatilyo
25:52na pawang mga minority edad.
25:54Kalaunan,
25:55may responding mga polis.
25:57Sa kabila niyan,
25:58hindi na nadala
25:58sa istasyon ng mga binatilyo
25:59matapos maresolva agad
26:01ang tensyon.
26:01Walang iniulat
26:03na sugatan
26:03sa nangyaring rambulan.
26:10Nasa critical condition ngayon
26:12ang Mexican actor
26:13na si Manuel Masalva
26:15sa isang ospital
26:16sa Dubai.
26:17Sumama ang pakiramdam niya
26:19matapos dumating sa Dubai
26:20noong March 18.
26:22Galing siya
26:23sa bakasyon sa Palawan
26:24dito sa Pilipinas.
26:26Inoperahan siya
26:26noong March 26
26:28matapos makita
26:29ng mga doktor
26:30ang bacterial infection.
26:32Inilagay siya
26:33sa medically induced coma
26:34kinabukasan
26:35matapos makarating
26:37ang infeksyon
26:38sa kanyang mga baga.
26:39Sa ulat ng
26:40Los Angeles Times,
26:41batay sa kanyang manager
26:42natukoy na
26:44ng mga doktor
26:44kung ano ang uri
26:46ng bakterya
26:46at binibigyan na
26:48ang aktor
26:48ng nararapat
26:49na antibiotics.
26:51Naglunsad naman
26:51ng online fundraising
26:53ang kanyang pamilya
26:54at mga kaibigan.
26:55Nakilala si Masalva
26:56sa ilang series
26:58gaya ng Narcos Mexico
26:59at The Secret of the Greco Family.
27:08Usapang kalusugan tayo
27:10ngayong mainit
27:10ang panahon.
27:11May pumutok na vulkan
27:13at yung balita
27:14tungkol po sa
27:14Mexican actor
27:15na si Manuel Masalva.
27:17Kausapin na po natin
27:18si Department of Health
27:19spokesperson
27:19Asik Albert Domingo.
27:21Magandang umaga
27:21at welcome po
27:22sa Balitang Hali.
27:23Magandang umaga
27:25Connie.
27:26Magandang umaga
27:26na rin sa lahat
27:27ng mga kapuso
27:27na nakikinig
27:28at nanonood.
27:29Unahin po natin
27:30itong bacterial infection
27:32ng aktor
27:32na si Manuel Masalva.
27:34Galing daw siya
27:35sa Palawan
27:35bago siya nagkasakit.
27:37Tukoy na ho ba
27:37natin dito
27:38sa Pilipinas
27:39talaga nakuha
27:40itong bacteria
27:40na tumama po sa kanya?
27:42O papaano ho ba
27:43yung ugnayan
27:44sa inyo
27:44kung meron man?
27:46Yes.
27:46Diyan tayo
27:46nahihirapan na Connie
27:48dahil lahat tayo
27:49sabay-sabay
27:49nating nabasa
27:50yung showbiz report
27:52mula sa Los Angeles Times
27:53kasi isa nga siyang
27:54batikang aktor.
27:55Ang ating alam lang
27:56na impormasyon
27:57ay di o mo
27:58meron nga siyang
27:59infection
27:59at ang tawag nila
28:00ay aggressive bacteria.
28:02Pinatanong ho namin
28:03na sa Dubai
28:04at sa Mexico na rin
28:05sa dalawang mga lugar
28:07through our
28:08WHO
28:08International Health Regulations
28:10or IHR system.
28:12Kasi hindi ho natin
28:12pwedeng panghimasukin
28:13dahil wala na ho
28:14sa Pilipinas yun
28:15number one.
28:16And number two
28:17nagtanong rin po tayo
28:18sa ating mga
28:19local health centers
28:20sa mga surveillance units.
28:21Wala naman po tayong
28:22report na nakukuha.
28:24Yung itahong narinig natin
28:26mula dun sa
28:27publicist ni
28:28Manuel
28:29ang sinasabi ay
28:30medically induced coma.
28:32Ipaalala ho natin
28:33sa lahat ng mga kapuso
28:34pag sinabi ho
28:35medically induced
28:36hindi ho yun
28:36dahil sa bacteria.
28:38Kasama ho yan
28:38sa proseso
28:39nung paggamot sa kanya
28:40dahil habang
28:41naka-ICU siya
28:42ay kailangang patulugin
28:43para hindi po siya
28:44nasa-stress
28:45dahil malamang
28:46sa malamang
28:46naka-intubate po
28:47yung kanyang baga.
28:49At wala naman din ho
28:51tayong natatanggap
28:52na parang
28:53sabihin na natin
28:54notifiable
28:55disease
28:56patungkol po
28:57diyan.
28:59Wala po.
29:00Wala ho tayong
29:00natatanggap.
29:01In fact,
29:01Connie,
29:02ang hinala namin
29:03ito ay isang
29:04bakterya
29:04na makikita
29:05sa ating
29:06mga dagat.
29:07Hindi ho siya harmful
29:08basta hindi tayo
29:09kakain ng
29:10hilaw
29:10na lamang dagat
29:11at huwag tayong
29:12lalangway
29:13ng may sugat
29:14kasi doon yung
29:15dalawang paraan
29:16kung paano
29:16pwedeng makapasok
29:17sa ating katawan
29:18ang mikrobyo
29:19na nasa dagat.
29:20Alright.
29:20At tungkol naman
29:21sa tag-init tayo
29:22kasagsagan nga
29:23ng mainit na panahon
29:24papaano natin
29:26maaaring ingatan
29:26ang ating mga sarili
29:27laban po sa mga
29:28sakit
29:29lalong-lalong na
29:30doon sa mga
29:31nasa danger level
29:33na mga lugar.
29:35Yes, Connie.
29:35Ang pinakasuse
29:36sa ating
29:37heat-related illnesses
29:38yung heat stroke
29:39heat cramps
29:40yung heat exhaustion
29:41ay tayo dapat
29:43laging hydrated.
29:447 to 8 glasses
29:45of water
29:46kada araw
29:47ang dapat ating iniinom
29:48para hindi tayo
29:49matuyuan
29:50maliban na lamang
29:51kung tayo ay pasyente
29:52na may kidney disease.
29:53Segundaan ko na rin, Connie,
29:54nung mga ibang madalas
29:55na tatanong sa amin.
29:57Sunburn,
29:58magingat ho tayo
29:59mula 9 a.m.
30:00hanggang 4 p.m.
30:01Yan po yung pinaka
30:02mataas yung sikat ng araw.
30:04Gumamit ho tayo
30:05ng sunblock
30:05SPF 30 pataas
30:07para huwag tayo
30:08ma-sunburn
30:08at mag-re-apply
30:09every 2 hours.
30:10Mag-ingat tayo
30:11sa mga batang
30:12naglalangoy
30:13na huwag malunod
30:14tagihong babantayan
30:15at sa food poisoning na rin.
30:17Pag may kilinuto tayo
30:18may binaon tayo
30:19dapat in 2 hours
30:20nakakain natin
30:21dahil mabilis
30:22kung mapanis
30:22ang pagkain
30:23sa init ng panahon.
30:24At ito naman
30:26meron din tayong
30:27balita
30:28tungkol sa ashfall
30:29dyan po sa
30:30May Negros Island.
30:32Unang-unang marami
30:32hong nasasabi nga
30:33talagang mahirap ito
30:34delikado sa mata
30:36sa ating paghinga.
30:38Ano ho
30:39ang maari
30:39nilang magawa
30:41lalong-lalong
30:42na dun sa
30:42nahihirapan
30:43na huminga
30:44kapag nalanghap
30:45ang abo
30:45mula sa vulkan?
30:47Tama yun, Ms. Connie.
30:48Ang pinakamabisang gawin
30:50para sa nahihirapang huminga
30:51ay kung kaya
30:52umalis dun sa lugar.
30:54Kaya nga
30:54ang dapat po dito
30:55pag sinabi ng ating
30:56local government
30:57dun sa Negros Island region
30:58pag sinabi nila na
30:59mag-evacuate
31:00sila kasi nakakaalam
31:01kung saan yung
31:02takbo ng hangin
31:03ayon na rin sa
31:04FIVOX at pag-asa.
31:06At the same time
31:07pwede tayong gumamit
31:08ng ating N95 mask
31:09yan po yung ideal.
31:10Pero pwede rin naman po
31:11ang medical mask
31:12or kung wala hong mask
31:14kahit anong tela
31:15na pwede natin
31:16basain ng konti
31:17ng malinis sa tubig
31:18at itakip sa ating
31:19ilong at bibig.
31:21Sa mata
31:21mag-gumamit po tayo
31:22ng goggles
31:23kung meron po tayo.
31:24Kung wala po
31:25ating gumamit
31:26ng salamin
31:27or kung nasa loob tayo
31:28ng isang kwarto
31:29na abutan tayo
31:30Ms. Connie
31:31isarado na natin
31:32yung mga bintana
31:33at yung mga pintuan
31:34yung mga siwang
31:35lagyan ng mga
31:36tawag natin
31:37ng mga tela
31:37para hindi pumasok
31:38ang abo
31:39habang ito ay nahuhulog.
31:41Alright.
31:41Maraming pong salamat
31:42as ek sa inyo pong
31:43ibinahagi sa aming
31:44mga tips
31:45at impormasyon na yan.
31:47You're welcome, Connie.
31:48Iyan po naman
31:49si Assistant Secretary
31:51Albert Domingo
31:52ng DOH.
31:54Ito ang
31:55GMA Regional TV News.
32:00Balita sa Visayas
32:01at Mindanao
32:02mula sa GMA Regional TV
32:03na sunog
32:04ang isang gusali
32:05sa maramag bukit noon
32:06kung saan
32:06nasawit
32:07ang isang ginang
32:08at kanyang anak.
32:10Cecil,
32:10ano rin ang pinagmula
32:11nitong sunog?
32:12Grafie dalawa
32:15ang tinitinang
32:16sanhinang sunog.
32:17Problema sa linya
32:18ng kuryente
32:19at arson
32:19o sadyang pagsunog.
32:21Sa embesikasyon
32:22ng BFP,
32:23may nakakita
32:23sa isang pumintong
32:24motorsiklo
32:25at may itinapon
32:26ang rider nito
32:27na pinagmulan
32:28daw ng apoy.
32:29Lumumagap lab ito
32:30at halos lamuni
32:31na ang gusali
32:32na punirarya
32:33sa unang palapag
32:34at tirahan naman
32:35sa ikalawang palapag.
32:37Nailabas daw
32:37ng ginang
32:38ang kanyang mister
32:39na isang stroke patient
32:40pero bumalik sa loob
32:42para kunin sana
32:43ang 11-anus na anak.
32:45Natagpuan ang mga bangkay
32:46nang mag-inaan
32:47lang maapula na
32:48ang sunog.
32:49Hinihingi pa
32:49ang pahayag
32:50ng kaanak
32:51ng mga biktima.
32:52Ayon sa BFP,
32:53abot sa mahigit
32:54800,000 piso
32:55ang halaga
32:56ng pinsala
32:56ng sunog.
32:59Patayang isang lalaking
33:01sinasabing
33:02nagnakaw
33:03sa isang nakataradang
33:0410-wheeler
33:04sa barangay
33:05Kasinglot
33:06sa Taguloan,
33:07Misamis Oriental.
33:08Ayon sa pulisya,
33:09tinangay ng sospek
33:11ang 8,000 pesos
33:12na cash
33:13at ilang gamit
33:14ng may-ari
33:14ng 10-wheeler.
33:15Hinabol siya
33:16ng isang off-duty
33:17na pulis
33:18matapos magpatulong
33:19ang mga taga-barangay.
33:21Sa gitna
33:21ng habulan,
33:22tinutukan ng sospek
33:24ng baril
33:24ang pulis
33:25kaya ang pulis
33:26binaril
33:27ang sospek
33:27sa paa.
33:28Dinala ang sospek
33:29sa ospital
33:30pero idiniklarang
33:31dead on arrival.
33:33Nabawi ang tinangay
33:34niyang pera
33:34at gamit
33:35pati ang kanyang baril.
33:36Ina-imbestigahan
33:37ng Misamis Oriental
33:38Provincial Police
33:40kung may padlabag
33:41ang rumisponde
33:42nilang tauhan.
33:43Sinusubukan pa
33:44ng GMA Regional TV
33:46na kuhana
33:46ng pahayag
33:47ang nakabaril
33:48na pulis
33:48at ang pamilya
33:50ng nasawing sospek.
33:52Sa kuhan
33:54ng CCTV na yan
33:55sa barangay
33:55Tibagan
33:56sa San Juan
33:57ni Tupong Lunes,
33:58isang pusa
33:59ang lumabas
33:59ng gate.
34:00Maya-maya
34:01nagulungan
34:02ang dumaang
34:02sasakyan
34:03ang pusa.
34:03Itang gumagalaw
34:05pa ang pusa.
34:06Tumagal
34:06ng tatlong minuto
34:07na dinaandaanan
34:09lamang
34:10ang nakahandusay
34:11na pusa
34:11hanggang sa
34:12nagulungan pa
34:13itong muli
34:14ng isa pang sasakyan.
34:16Isang dalaki po
34:16ang dumampot
34:17sa pusa
34:17na hindi na noon
34:18gumagalaw.
34:20Ayon sa may-ari
34:20ng pusa,
34:21lumana bas minsan
34:22sa umaga
34:23ang kanilang alaga
34:23para magpaaraw.
34:25Pakiusap
34:26ng Philippine Animal
34:27Welfare Society
34:28sa publiko,
34:29agad dalhin
34:29ang mga nakitang
34:30sugatang hayop
34:31sa pinakamalapit
34:33na VEP clinic.
34:36Nakiisa
34:37si na Pangulong
34:38Bongbong Marcos
34:38at Vice President
34:39Sara Duterte
34:40sa pagunitang
34:41ngayong araw
34:41ng kagitingan.
34:43Sabi na Pangulo,
34:43ang kagitingan
34:44ay hindi lang tungkol
34:45sa tibay at lakas
34:46sa gitna
34:46ng mga pagsubok,
34:48kundi tungkol din
34:48sa pagpapakita
34:49ng kabutihan
34:50at kagandang loob
34:51sa ating kapwa
34:52at komunidad.
34:53Para naman sa BICE,
34:55ang pinakamainim
34:55na paraan
34:56para alalahanin
34:57ang kagitingan
34:57ng mga bayani
34:58noong World War II
34:59ay ang pagtitiyak
35:00na hindi na magdurusa
35:01ulit
35:01ang ating bansa.
35:03Panawagan ng BICE,
35:04gamitin ang pagmamahal
35:05sa bayan
35:05at sa Diyos
35:06para harapin
35:07ang ating mga problema
35:08at lumikha
35:09ng mas magandang bukas.
35:10Tinumpirman ng Department
35:16of Foreign Affairs
35:17na patay na
35:18ang isa
35:18sa apat na Pilipinong
35:19nawawala sa Myanmar
35:20kasunod ng
35:21Magnitude 7.7
35:23na rindul doon
35:23noong March 28.
35:25Ayon kay DFA Elder
35:26Secretary Eduardo de Vega
35:27na kumpirmang
35:28kay Francis Aragon
35:29ang isa sa mga
35:29na-recover na labig.
35:31Si Francis
35:31ay isang PE teacher
35:32na nawala
35:33matapos gumuhok
35:34ang tinitirhan nilang
35:35condominium building
35:36sa Mandalay.
35:37Patuloy na hinahanap
35:38ang tatlo pang Pinoy
35:39na nakatira
35:40sa parehong gusali.
35:44Nasa bataan
35:45si Pangulong Bongbong Marcos
35:46para sa paggunita
35:47ngayong araw
35:48ng kagitingan.
35:50Nakiisa rin
35:50sa seremonya
35:51ang ilang opisyal
35:52ng Japan at Amerika.
35:54May ulot on the spot
35:55si Chino Gaston.
35:56Chino?
36:00Connie,
36:01ang kagitingan
36:02ng mga Pilipinong sundalo
36:03ang naipapakita
36:04at ginugunita
36:05tuwing araw
36:06ng kagitingan.
36:07Huling naipakita ito
36:08ng mga Pilipinong sundalo
36:10pagkasama
36:10ng kanilang mga
36:11kakamping Amerikano
36:12sa laban
36:13kontra sa mga
36:14puwersa
36:14ng Japon
36:15noong
36:16pangalawang
36:17digmaang
36:18pandaigdig.
36:18Dito nga
36:19sa mga
36:19kabundukan
36:20ng Bataan,
36:20higit 80 taon
36:22na
36:22ang nakalilipas.
36:25Pinungunahan
36:26ng Pangulong Bongbong Marcos
36:27ang pagunitan
36:28ng ika-83
36:29tatlong
36:29tatlong
36:29anibersaryo
36:30ng araw
36:30ng kagitingan
36:31sa Mount
36:32Samat
36:32Shrine
36:33of Valor
36:33sa Bataan
36:33kung saan
36:34taonang
36:35binibigyan
36:35ng pugay
36:36ang kagitingan
36:37ng mga
36:37Pilipino
36:38at Amerikanong
36:38sundalo
36:39na namatay
36:40dito
36:40noong
36:40pangalawang
36:41digba
36:41ang
36:41pandaigdig.
36:43Ayon sa
36:43Pangulo,
36:44sana
36:44magsilbing
36:45aral
36:45ang nangyari
36:46sa Bataan
36:46sa napakasamang
36:47epekto
36:48ng gyera
36:48sa buong
36:49mundo.
36:50Hindi
36:50raw
36:50mas marami
36:51pang
36:51gyera
36:51ang solusyon
36:52sa problema
36:52ng mundo
36:53kundi
36:54honorable
36:54peace
36:55kung saan
36:55lahat ng
36:56partido
36:56ang
36:57nagkakasundo.
36:58Bagamat
36:58walang
36:59binanggit
36:59na bansa,
37:00sinabi
37:00ng Pangulo
37:01na nakalulungkot
37:02lang na
37:02basis sa
37:02mga
37:03pangyayari
37:03sa ibang
37:04parte
37:04ng mundo
37:04tila
37:05meron
37:05pang
37:06hindi
37:06natuto
37:06ng
37:07aral
37:07na ito.
37:08Kasama
37:09sa
37:09okasyon
37:09si
37:09Japanese
37:10Ambassador
37:10Endo
37:11Kazuya
37:11na ginunita
37:13ang naging
37:13papel
37:14ng Japan
37:14sa digmaan.
37:15Sa higit
37:1583
37:16taon
37:17mula
37:17ng
37:18World
37:18War II,
37:19minabuti
37:19raw ng
37:19Japan
37:20na sundin
37:20ang daan
37:21tungo
37:21sa
37:21kapayapaan
37:22at ayaw
37:23na
37:23ng
37:23sinatawag
37:24niyang
37:24devastating
37:25effects
37:25ng
37:25gira.
37:26Tinawag
37:27niyang
37:27unbreakable
37:27na
37:28ang
37:28nabuong
37:28relasyon
37:29ng
37:29US,
37:29Pilipinas
37:30at
37:30Japan
37:30na
37:31sa
37:31ngayon
37:31ay
37:32kasabay
37:32na
37:32humaharap
37:33sa
37:33pagtaguyod
37:34ng
37:34international
37:34order,
37:35peace
37:36at
37:36global
37:36security
37:37sa
37:37gitna
37:38ng
37:38mga
37:38unilateral
37:39efforts
37:40ng
37:40ibang
37:40bansa
37:40na
37:41baguhin
37:41ang
37:42security
37:42environment.
37:43Buga
37:44ng
37:44pinaigting
37:45na
37:45relasyon
37:45sa
37:45Pilipinas
37:46ang
37:46mga
37:47Japanese
37:47radars
37:48multi-role
37:49vessels
37:49na
37:49pinakikinabangan
37:50ngayon
37:51ng
37:51Pilipinas.
37:52Dagdag
37:52pa rito
37:53ang
37:53reciprocal
37:54access
37:54agreement.
37:55Sa
37:55kanya
37:56namang
37:56tanumpati,
37:56kinilala
37:57din ni
37:57US
37:57Embassy
37:59Deputy
38:00Chief
38:00of
38:00Mission
38:01Robert
38:01Ewing
38:01ang
38:02ginawang
38:02sakripisyo
38:03ng
38:03mga
38:03Pilipino
38:04at
38:04Amerikanong
38:04sundalo
38:05sa
38:05bataan.
38:06Ang
38:06World
38:06War
38:062
38:07ang
38:07naging
38:07basihan
38:08ng
38:08Unbreakable
38:09Band
38:09at
38:09Alyansa
38:10ng
38:10Pilipinas
38:11at
38:11US
38:11na
38:11siyang
38:12lalong
38:12payigtingin
38:13sa
38:13mga
38:13bold
38:14and
38:14new
38:15steps
38:15aniya
38:15sa
38:16hinaharap.
38:16Kasama
38:17sa
38:17gagawing
38:17balikatan
38:18exercises
38:18ang
38:19pagsasanay
38:19na
38:20gagamit
38:21ng
38:21unmanned
38:22surface
38:22vessels
38:23at
38:23special
38:24forces
38:24training
38:24sa
38:25isla
38:26at
38:26probinsya
38:26ng
38:27Bataanis.
38:28At
38:28yan ang
38:29latest
38:29mula
38:29rito
38:29sa
38:29Bataan.
38:30Balik
38:30sa
38:30Kasabay
38:35ng
38:35pagunitan
38:35ng
38:36araw
38:36ng
38:36kagitingan
38:37nagkilos
38:37protesta
38:37ang
38:38ilang
38:38grupo
38:38sa
38:38Maynila.
38:47Nagsimula
38:47ang
38:47pagtitipon
38:48sa
38:48Taft
38:48Avenue
38:49hanggang
38:49makarating
38:49sa
38:50Rojas
38:50Boulevard.
38:51Nagkilos
38:51protesta
38:52ang
38:52grupo
38:52bilang
38:52pagtutol
38:53sa
38:53balikatan
38:54exercises
38:54at
38:54defense
38:55agreements
38:55ng
38:55Pilipinas
38:56at
38:56Amerika.
38:57Sinubukang
38:58makalapit
38:58sa
38:58U.S.
38:59Embassy
38:59ng
38:59mga
38:59paralista
39:00pero
39:00hinarang
39:01sila
39:01ng
39:02mga
39:02polis.
39:03Isang
39:03oras
39:03nagtagalang
39:04protesta
39:04na bahagyang
39:05nagdulot
39:05ng
39:05trapiko.
39:12Madalas
39:13mga
39:13alagang
39:13hayop
39:14natin
39:14ang
39:14mahilig
39:14magpapansin.
39:16Minsan
39:17bet
39:18din
39:18nating
39:18magpapansin
39:20sa
39:20kanila.
39:21Pero
39:21para sa
39:22isang
39:22aso
39:22sa
39:23Laguna
39:23mas
39:23mabuti
39:24yatang
39:24quiet
39:25ka
39:25na
39:25lang
39:26sa
39:26tabi.
39:26Bakit
39:27kaya?
39:29Ayun o.
39:34Bigay todo si Maria Francis
39:36Panagiton
39:38sa pagsayaw
39:39pero
39:39ang mas kapansin-pansin
39:40ay yung aso nilang
39:41si Panda
39:42na nakaupo
39:43at nakatitig lang
39:44sa kanyang
39:45fur mommy.
39:46Mukhang hindi yata
39:47na-impress
39:48si Panda
39:48sa dance moves
39:49ni Francis.
39:51Kahit tapos
39:51nang sumayaw
39:52si fur mom,
39:53hashtag
39:53judgmental
39:54pa rin
39:55si Panda.
39:56Penta sa netizens
39:57ang kwelang moment
39:58at kanya-kanya
39:59na sila
39:59ng entry.
40:0013.6
40:01million na
40:02ang views
40:03niyan.
40:04Trending!
40:06Maraming!
40:06Oo nga.
40:07At ito po
40:08ang balitang
40:08hali.
40:09Bahagi kami
40:09ng mas malaking
40:10mission.
40:10Nakapusikohan
40:11ni si Sean.
40:12Rafi Tima po.
40:12Kasama nyo rin po
40:13ako,
40:13Aubrey Carampert.
40:14Para sa mas malawak
40:15na paglilingkod
40:16sa bayan.
40:16Mula sa
40:17GMA Integrated News,
40:18ang News Authority
40:19ng Filipino.
40:20Mula sa