• last year
Narito ang maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Martes, Disyembre 3, 2024

- PHIVOLCS: Bulkang Taal, nagkaroon ng minor phreatomagmatic eruption kaninang 5:58 am

-WEATHER: Amihan, patuloy na umiiral sa Northern Luzon; Shear Line naman sa ilang panig ng Central Luzon

-23-anyos na lalaki, arestado dahil sa umano'y panggagahasa sa kapitbahay; akusado, iginiit na ka-mutual understanding niya ang biktima

-Dept. of Agriculture: Presyo ng galunggong at iba pang isda, mataas pa rin dahil sa closed fishing season at epekto ng mga bagyo

-2, sugatan matapos araruhin ng truck ang isang utility van at 2 motorsiklo

-PH U18 Athletics Team, panalo ng 4 na medalya sa 2024 Sea Youth Athletics Championships

-5-anyos na lalaki, patay matapos masagasaan ng ambulansiya

-3 pasahero, patay matapos madaganan ng truck ang sinasakyang utility van

- 3 lalaki, arestado sa pagbebenta umano ng ilegal na droga

-Panayam kay Dr. Teresito Bacolcol, Director, PHIVOLCS; Bulkang Taal, nagkaroon ng minor phreatomagmatic eruption; nananatili sa alert level 1

-Abogado ni Rufa Mae Quinto, kinumpirmang may warrant of arrest ang aktres para sa paglabag sa Securities Regulation Code

-Iba't ibang civil society at religious groups, naghain ng impeachment complaint laban kay VP Duterte

-Exec. Sec. Bersamin sa inihaing impeachment laban kay VP Duterte: "The Office of the President has nothing to do with it"

-Kampo ni Apollo Quiboloy, pinag-aaralang iatras na ang apelang ilipat ang pastor sa Camp Crame mula sa Pasig City Jail

-Resort sa Brgy. Subabasbas, sinalakay ng mga armadong lalaki

-Kim Ji Soo, ibinida ang nakuha niyang award sa Ima Wa Ima Asian International Film Festival sa Osaka, Japan

-PHILRICE: 255,000 metric tons ng bigas, nasasayang sa Pilipinas kada taon

-Philippine Statistics Authority: Walang anumang civil registry document ang pangalang "Mary Grace Piattos"

-Babae, nasawi matapos matabunan ng gumuhong pader ang kanilang Bahay

-Russian attack submarine na namataan sa loob ng EEZ ng Pilipinas, nagpalipas lang daw ng masamang panahon

-Mga mangingisdang Pinoy sa Rozul Reef, nilapitan ng helicopter ng China; PCG, sumaklolo

-China, iginiit na ito ang may soberanya sa Rozul Reef

-BLACKPINK, balik-World Tour sa 2025, ayon sa YG Entertainment

-DOH, pinaaalalahanan ang mga residente sa paligid ng Bulkang Taal na mag-ingat sa epekto ng abo

-P19.5-M halaga ng ilegal na drogang nasabat sa Davao Region at SOCCSKSARGEN, sinunog ng PDEA


For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
Transcript
00:00Magandang tanghali po. Oras na para sa maiinit na balita.
00:13Magandang tanghali po. Oras na para sa maiinit na balita.
00:29Nagkaroon ng minor phreatomagmatic eruption sa Bulkang Taal.
00:33Ayon sa P-Vox, nangyari ang pagsabog kaninang bandang alas sa east ng umaga.
00:37Nagboga ang bulkan, ang steam o usok na hanggang 2,800 metro ang taas
00:43at pinagpad ng hangin sa pakanluran, timogkanlurang direksyon.
00:48Nagmula ang usok sa umangat ng magma na dumikit at magpakulo ng tubig sa ilalim ng crater ng bulkan.
00:55Base sa isang tagatali sa Ibatangas na nakasaksi sa pagsabog,
00:58pumikit kumulang 8 minuto nagtagal ang makapal na usok mula sa bulkan.
01:03Ayon sa P-Vox, kasalukuyan pa rin nananatili sa Alert Level 1 ang Bulkang Taal,
01:07kaya hindi pa rin pinapayagan ang pagdaan ng anumang sasakyang panghimpapawid malapit sa tuktok ng bulkan,
01:13pati na ang pananatili sa Taal Lake.
01:16Kuha pa tayo ng update mamaya mula sa P-Vox.
01:24Wala pong bagyo o low pressure area na namamataan sa loob o labas ng Philippine Area of Responsibility.
01:30Sa kabila po niyan, e mananatiling maulan sa ilang bahagi ng bansa ngayong Martes.
01:35Ayon sa pag-asa, asahan ang katamtaman hanggang malalakas na ulan sa Cagayan at Aurora.
01:41Habang matitinding ulan naman ang mararanasan sa Isabela.
01:44Dahil diyan, mataas ang banta ng baha o landslide sa mga nasabing lugar, kaya dapat maghanda.
01:51Maraming bahagi po ng Luzon, kasama ang Metro Manila,
01:54ang uulan din sa mga susunod na oras base sa rainfall forecast ng Metro Weather.
01:59Posible ang heavy to intense rain sa ilang lugar.
02:02Hanging-amihan ang magpapaulan sa Northern Luzon,
02:06shearline naman sa ilang panig ng Central Luzon,
02:09habang mga local thunderstorms ang maasahan sa iba pang bahagi ng bansa, ayon sa pag-asa.
02:15Sa bahagi naman ng Taal Volcano, posibling muli ang mga pag-ulan.
02:19Patimog kanduran ang direksyon ng hangin doon ngayon,
02:22kaya pinag-iingat po ang ilang nga bayan na nasa bahagin niya ng vulkan sa banta ng vog o volcanic smog.
02:32Matapos ang mahigit isang buwang pagtatago na aresto sa Maynila
02:35ang isang lalaking ng gaha sa umano ng kanyang kapitbahay.
02:38Ang akosado ay giniit na nagkamabutihan na rao sila ng biktima.
02:43Balita ng atid ni Bea Pinlak.
02:52Sa kulungan ng bagsak ng 23 anos na lalaking ito,
02:55mahigit isang buwan matapos niya umanong gahasain,
02:58ang kainuman niya sa barangay 105 Tondo, Maynila.
03:02Ang nabiktima umano, 19 anos niyang kapitbahay na isang single mom.
03:07Magkapitbahay sila, itong biktima.
03:11Basis sa kwento, basis sa kwento,
03:13nagkaroon sila ng inuman,
03:15din na nangyari na yung pangagahasap sa bahay ng kaibigan nila.
03:19Kwento ng akosado,
03:21nakatambay lang siya noon nang yayain siya sa inuman ng kanyang kaibigan sa kanilang bahay.
03:26Doon daw niya nakasama at nakausap ang biktima.
03:29Yun po, pagkabasamin yung yayala po ako sa taas,
03:33noon po meron may nangyari sa amin.
03:35Malays po namin ginusto yun.
03:37Sabi niya po sa akin, may gusto po sa akin siya, madagal na.
03:41Dapat alaman natin na meron siyang asawat-anak.
03:45Sabi niya meron silang mutual understanding but siyempre depends niya yun eh.
03:49Walang piyansang inirekomenda para sa kasong rape na kinakaharap ng akosado.
03:54Bea Pinlac nagbabalita para sa GMA Integrated News.
04:05Sa mga balak bumili po ng pangulam na isda,
04:08maghanda po kayo ng extra budget dahil mahal pa rin po ang presyon niyan.
04:13Ayon sa Department of Agriculture,
04:15matindi ang epekto sa supply ng isda ng sunod-sunod na bagyo nitong Oktubre at Nobyembre.
04:20Yan ay kahit pinayagan na ang pag-aangkat ng 38,000 metric tons ng isda.
04:25Nagkataon ding closed fishing season ngayon.
04:28Sa monitoring ng DA sa ilang palengke sa Metro Manila,
04:31P240-P300 ang kada kilo ng local galunggong.
04:36P240-P260 naman kung imported.
04:40Ang bangus na sa P130-P250 kada kilo.
04:44P140-P170 kada kilo naman ang tilapia.
04:48P300-P360 ang kada kilo ng mackerel.
04:53Naglalaro naman sa P160-P220 ang salmon head.
04:58P100 ang kada kilo ng tamban.
05:00P180-P300 naman ang tambakol.
05:07Eto na ang mabibilis na balita.
05:10Kumamba lang sa Sumulong Highway, Santi Polo, Rizal,
05:13ang six-wheeler na yan matapos araruhin
05:15ang isang utility van at dalawang motorsiklo na nakaparada sa gilid ng kalsada.
05:20Ayon sa driver ng truck, nawalan siya ng preno sa pababa
05:23at pakurbang bahagi ng kalsada dahil basa ang daan.
05:27Bumangga rin sa isang poste ang truck bago tuloy ang sumalpok sa concrete wall ng highway.
05:32Nagtamo ng sugat sa braso at tuhod ang driver ng truck
05:35habang galos naman sa minti ang tinamo ng driver ng utility van.
05:39Wala namang nasawi sa insidente.
05:44Bumaliktad ang taxi na yan matapos bumangga sa mga barriers
05:47sa northbound lane ng Quezon Avenue flyover sa Quezon City kaninang madaling araw.
05:51Wasak ang harapan ng taxi.
05:53Basag din ang windshield at kumalas ang bumper nito.
05:56Ayon sa mga traffic enforcer,
05:58dinala na sa ospital ang driver ng taxi matapos indahin ang pananakit ng kanyang dibdib.
06:03Walang sakay na pasahero ang taxi na mangyari ang insidente.
06:06Nagdulut yan ang matinding traffic sa lugar.
06:09Natanggal ang sasakyan sa kalsada matapos ang isang oras.
06:13Patuloy pa ang investigasyon.
06:16PANALO NANG APAT NA MEDALYA ANG UNDER-18 ATHLETICS TEAM NANG PILIPINAS
06:19Panalo ng apat na medalya ang Under-18 Athletics Team ng Pilipinas
06:23sa 2024 Youth East Asia Youth Athletics Championship sa Malaysia.
06:27Nakakuha ng gold medal ang Pilipinas sa javelin throw mula kay Ana Bianca Espinilla.
06:32Silver medalist naman si Jericho Cadag sa 2,000-meter stipple chase
06:37habang bronze doon si Julian Canalita.
06:41Bronze medalist din si Courtney Jewel Trangia sa discus throw.
06:45Good job sa inyo!
06:49Ang ambulansya na sana'y nagpadlintas ng buhay naging dahilan para mamatay
06:53ang isang batang limang taong hulang sa Taytay Rizal.
06:56Ang nakabanggang driver na maaarap sa reklamo na trauma raw sa nangyari.
07:01Balitang hatid ni EJ Gomez.
07:03Napatay yung bata.
07:06Nabangga ng ambulansya ang limang taong gulang na lalaki sa Barangay Santa Ana sa Taytay Rizal.
07:12Ang bata sumama raw sa kanyang labindalawang taong gulang na ate
07:16na inutosan ng kanilang magulang na bumili ng plastik sa isang tindahan.
07:20After nilang bumili, nung mayatid na yung kanilang plastik na binili,
07:25si ate, yung 12 years old, umalis.
07:29Allegedly, pupunta daw sa kaibigan.
07:32Ito namang ating victim, sumunod.
07:35So, nung pupatawid na siya sa kalsada, siya namang daan nung ating ambulansya.
07:40Itinakbo pa raw sa ospital ang biktima, pero idinikla raw ang dedo na rival.
07:44Ayon sa driver ng ambulansya, galing sila sa isang ospital sa Quezon City
07:48at nag-pick-up na mga tent na ginamit na mga nasunugan sa may lupang arenda.
07:53May susunduin rin daw sana silang pasyente ni EJ Gomez.
07:57May susunduin rin daw sana silang pasyente ng maganapang aksidente.
08:00Talagang na-trauma po talaga ako.
08:03Nasyak din talaga ako sa nangyari.
08:06Hindi natin din po talagang maisat tabi na siyempre may buhay pong nawala,
08:12pero talaga pong nakakulungkot ang nangyari dahil nga sa isang aksidente.
08:17Aksidente rin ang nangyari.
08:19So, yung ambulansya manakita natin sa CCTV,
08:22medyo mabagal lang din, around 40 to 50 km per hour ang takbong.
08:25As per sa investigation.
08:28Ayun sa isang saksi, bago pa man ang naturang aksidente,
08:31nakabangga pa umuno ng mixer na ginagamit sa ginagawang kalsada ang ambulansya.
08:36Tinuro ko po yung mixer, sabi ko,
08:38nabanggaan niyo yung mixer, gumaba po yung driver.
08:42Tapos nung natapos sila,
08:44meron pong akong narinig na tunog ng treno na napakalakas.
08:49Tumakbo po ako.
08:51Tapos nakita ko po, mga nagsisigawan na may nasagasaan daw.
08:55Kinilala ang biktima na si Don Isaiah Isaac Baggal,
08:58nakapapasok lang sa kindergarten.
09:01Hindi naman na din kasi mababalik ng tawad yung buhay ng anak ko eh.
09:06Gusto ko na lang talaga mangyari, hostesya talaga.
09:09Pagbabayaran niya talaga sa kulungan.
09:12Sa custodial facility ng Taytay Municipal Police Station,
09:15nakadetain ang driver ng ambulansya,
09:17na maharap sa reklamang reckless imprudence resulting in homicide.
09:21EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
09:32Oras na para sa maiinit na balita ng GMA Regional TV mula sa Luzon
09:36at makakasama po natin si Chris Doniga.
09:38Chris?
09:41Salamat Connie!
09:42Hinahanap ngayon ang isang binatilyo na magsasampung araw
09:45nang nawawala sa Kalasyao dito sa Pangasinan.
09:48Patay naman sa Bulacan, ang isang nanay at kanyang dalawang anak
09:52matapos na madaganan ng truck, ang sinasakyan nilang utility van.
09:56Ang maiinit na balita hatin ni Jerick Pasilyaw ng GMA Regional TV.
10:02Yuping-yupi ang harapang bahagi ng utility van na iyan
10:05matapos madaganan ng truck sa anggat Bulacan.
10:08Ayon sa embestigasyon, binabagtas ng utility van at truck
10:11na may lamang lupang panambak ang matarik na kalsada sa barangay Marungco.
10:14Bigla o manong nawala ng kontrol ang driver ng truck, sinubukan niyang magpreno
10:18ngunit tumagilid ang truck hanggang sa madaganan ng utility van.
10:21Dead on arrival sa ospitalang sakay ng van na si Angeline Herrera
10:24at dalawa niyang anak na edad anim at dalawa.
10:27Nakaligtas naman ang kanilang padre de familia.
10:29Nagkaareglo na ang dalawang panig.
10:33Sa Kalasyao, Pangasinan, labis ang pag-aalala ng isang pamilya
10:37matapos mawala ang kaanat nilang labimpitong taong gulang.
10:40Sa kwento ng tsahin ng nawawalang si John Lloyd Devera,
10:42pasado alas 11 ng gabi noong November 23,
10:45nang magpaalam ang binata na pupunta lang sa convenience store.
10:48Ngunit matapos ang ilang oras, hindi pa siya umuwi.
10:51Lumalabas naman po siya, pero bumabalik din siya kaagad.
10:54Kaya lang nagtataka kami, yung gabi na yun, bakit hindi po siya bumalik?
10:59Kasi nabangang ko siya lagi pag dumadaan siya eh.
11:02Ayon sa mga otoridad, may dalawang lalaking sakay ng motorsiklo
11:05ang nakausap umano ni Devera, malapit sa gilid ng convenience store.
11:08Bumalik pa rao sa establishmento ang dalawang lalaki, pero hindi nakasama ang binatilyo.
11:25Kuling nakita si Devera, suot ang isang itim na t-shirt, jersey shorts at nakatsinelas.
11:30Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa pagkawalan ng binatilyo.
11:33Jarek Pasilyaw ng GMA Regional TV nagbabalita para sa GMA Integrated News.
12:03Ang mga suspect na sinampahanah ng karampatang reklamo.
12:09Update po tayo sa minor phreatomagmatic eruption sa Bulcang Taal.
12:12Makakausap po natin si PHIVOX Director Dr. Teresito Bacolcol.
12:16Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
12:19Yes, magandang umaga din po sa inyo ma'am.
12:21Opo, ano pong banta ang hatid kaya kapag sinabihang nagkaroon itong minor phreatomagmatic eruption
12:28gaya po na nangyari kaninang umaga sa Bulcang Taal?
12:32Unang-una ang minor phreatomagmatic eruption na nangyari kanina ay nangyari ito kapag nagkaroon ng interaction between magma and tubig na nagdudulot ng biglang pagsabog.
12:42So may mga, bagabat maliit lamang ito, nangyari kanina, maaari itong magdulot ng localized ashfall and emission ng volcanic gases gaya ng sulfur dioxide.
12:52I see. Pero ano ang magiging hudyat kaya kung kakailanganin pang itaas ang alert level sa Bulcang Taal ngayon na nasa alert level pa rin po?
13:00Okay, so nasa alert level 1 pa rin yung Taal volcano and there are other parameters na tinitignan natin.
13:05Collectively, para itaas natin yung alert level from 1 to 2 patulad ng pagdami ng volcanic earthquakes.
13:12But so far, for the past 24 hours, dalawang volcanic earthquake lamang yung na-record natin.
13:18And isa yan sa mga importanteng parameters na tinitignan natin bago natin itaas yung alert level from alert level 1 to alert level 2.
13:26Okay. Sa mga lugar po na maaaring direkt ang apektado po ng nangyaring pagsabog sa Taal, baka may mga paalala po kayo?
13:33Okay, so may mga kanina may mga maninipis na abo na bumagsak sa barangay ng Laurel at sa barangay ng Agoncillo.
13:41Ito ay nasa western side ng Taal volcano.
13:44So paalala natin sa ating mga kababayan, kapag may nalanghap sila na masang-sang namoy, ito po ay galing sa asupre or sulfur dioxide
13:51or may mga abo, kahit maninipis lamang ay magsuot po sila ng face mask.
13:56Kasi po baka may irritate po yung respiratory systems nila.
14:02Lalo may mga problema sa baga, katulad ng hika, and other respiratory problems.
14:10Dr. Bacolkol, ano ba yung mga dapat kayo ang bantayan o isaalang-alang po ng mga residenteng malapit sa Bulcangtaan?
14:17Kasi sinasabi nga ako medyo matagal na rin itong pabuga-buga.
14:22Pero is it right para sabihin natin na talagang magkaroon ng mas malakas na pagsabog kaya?
14:29So again, ang mga residente around Taal volcano, dapat nang bantayan yung advisories ng aming opisina at lokal na pamalaan.
14:39Again, dapat silang handa sa posibilidad ng ashfall, lalo na kung may phreatic or phreatomagmatic activity.
14:47And dapat wag silang pupunta sa Taal volcano island kasi that's a permanent danger zone.
14:52Maghanda rin sila ng face mask. Very important po yun, face mask, lalo na kapag may sulfur dioxide or kapag may abo.
15:01Is there a way to tell kung ripe ng sumabog ng mas malakas ang Taal volcano?
15:07Again, tinitingnan natin yung mga parameters na pinamonitor natin.
15:12Katulad yung nabang-meet ko kanina, yung number of earthquakes.
15:15So kapag biglang dumami yan, and biglang dumadami din yung phreatic eruptions or biglang dumadami yung sulfur dioxide,
15:24ay pwede pong magkaroon ng major eruption.
15:26So wala naman yun sa Tagalog na mas dormant ang isa pong vulkan at biglang nagkakaroon mga activities. Wala po yun sa ganoon?
15:35Wala po yan.
15:37Naiba naman po ako, ano naman ang lagay sa binabantayanin yung aktibidad ng vulkan ka naon naman?
15:43Sa lukuyan, ang Kalaon volcano ay nasa alert level 2 pa rin.
15:48And for the past 24 hours, nakapagtala tayo ng 11 volcanic earthquakes and nakapagtala tayo ng 2,524 tons of sulfur dioxide.
15:59Again, we are also closely monitoring Kalaon volcano kasi kapag may pagbubago sa parameters, baka this will lead to major eruptions.
16:09Meron tayo inaasahang major eruption. Ito ba yung nanatili pa rin sa alert level 2?
16:16Yes, the possibility of major eruptions still there.
16:22Kaya tulad na sinabi ko, patuloy ang aming monitoring kabilang na ang momonitor ng seismic activity, gas emission and ground deformation.
16:35Kasi itong parameters na ito ay nagbibigay sa atin ng babala kung may sinyales ba ng mas malakas na pagsabog in the near future.
16:46Marami pong salamat sa inyong mga impormasyong ibinahagi sa amin sa Balitang Hali.
16:51Yan po naman si FIVOX Director Dr. Teresito Bacolcon.
16:56Hinunterman ng abugado ni Rulfo May Quinto na may warrant of arrest ang aktres para sa kasong paglabag sa Securities Regulation Code.
17:04Magpapiansa rao sila, gate ng abugado, biktima lang din si Quinto na nadawit dahil daw sa pagiging endorser niya ng kumpanyang sangkot sa kaso.
17:13Narito ang aking report.
17:15Labing-apat na counts ng paglabag sa Section 8 ng Securities Regulation Code o pagbibenta at pag-aalok ng securities sa Pilipinas
17:25ng walang pahintulot mula sa SEC ang kinakaharap na kaso ng aktres na si Rulfo May Quinto.
17:31Ito ang kinumpirma ng kanyang abugado.
17:33Paglilinaw ni Atty. Mary Loui Reyes, hindi ang mas mabigat at non-bailable na syndicated staffa tulad ng mga unang naglabasang balita.
17:40May sanding na warrant of arrest sa client ko po. And yes po, she will face those charges po.
17:47Intangig lang na mag-vote lang para sa render siya. And magpapost po kami ng bail for that.
17:53Katulad ni Nery Naigniranda na inaresto dahil sa mga kaso kaugnay sa Dermacare. Biktima rin daw si Rulfo May ayon sa kanyang abugado.
18:01Kung kitosen, isa rin siya sa naging biktima nito.
18:03Hindi siya yung naging biktima ng pangiisam, but she was a victim in the sense na ginawa siya model endorser.
18:11Hindi din sa kanya nakapagbayad ng down payment. Tapos yung mga cheque po, puro din tumalbog.
18:17Lahat po yan hawak naman po namin ng evidensya na ipre-present naman po namin sa court."
18:21Pag-iisipan pa rin nila kung magsasampa ng kaso.
18:24Prioridad daw nila na makapagpiansa ang kliente na hindi rin nakadepensa sa fiscal level kaya nagulat sila na arrest warrant na agad ang kinakaharap.
18:32Samantala ayon sa BGMP, nasa ospital pa rin pero maayos naman ang kondisyon ni Nery na dinala sa ospital nitong nangkaraang biyernes.
18:40Alinsunod naman ito sa utos ng Korte bilang Tugon sa medical evaluation request ng Kampo ni Nery.
18:46Ayon sa abugado ni Nery, nakakalungkot na hindi sila naabisuhan sa mga paratang laban sa kanya nang mas maaga at nabigyan sara sila ng pagkakataong maipaliwanag ang kanilang panig.
18:56Ang mga kahalim tulad umanong kaso laban kay Nery sa ibang lugar ay nabasura kaya't kumpiansa silang mapapatunoy ang wala talagang sala si Nery.
19:04Raffi Tima nagbabalita para sa GMA Integrated News.
19:08Naghain ang iba't ibang civil society at religious groups ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
19:16Dahil po yan sa maliumanong paggastos ng confidential funds ng OVP at DepEd, pagbabanta sa Pangulo, First Lady at House Speaker at iba pang dahilan.
19:25Balitang hatid ni Chino Gaston.
19:56Ang loyalty po ng mga kasama natin ng mga civil society leaders ay sa taong bayan. Ito ay responsibilidad ng ating institution. They have to give this complaint a fair chance and a fair day in court.
20:14This is a very important process and I'm sure the complaint merits sa lower house and upper house to make time.
20:25Ang grounds of impeachment na inihain culpable violation of the Constitution and graft and corruption, bribery, betrayal of the public trust, at other high crimes.
20:36Dalawang putapat ang articles of impeachment kasama ang hindi raw ma-account na confidential funds ng Office of the Vice President at the Department of Education, nung kalihim pa nito si VP Sara.
20:49Isinama rin ang umanoy rig o minanipulang bidding ng laptop at iba pang electronic device sa DepEd.
20:56At ang anilay pagwaldas ng bise ng napakalaking halaga ng confidential and intelligence funds sa tatlong termino niya bilang mayor ng Davao City.
21:05Binanggit din ang pagkakasangkot umanoh ng Pamilya Duterte sa iba't-ibang krimen.
21:11At ang pagbabanta umanoh ni VP Sara sa buhay ng Pangulo sa Zoom Presko niya noong November 23 na papasok daw sa betrayal of public trust at high crimes.
21:21Among the articles po are the misuse, the failure to account, the intel and confidential funds of both the Office of the Vice President and also of the Department of Education.
21:38And nandyan din po yung grounds like yung kanyang mga threats, yung kanyang mga rants.
21:48Meron din as an article about her involvement also in the extrajudicial killings during her term as mayor of Davao City.
22:00Ayon sa House Secretary-General, susuriin nila ang complaint basis sa mga alituntunin ng impeachment process saka ipadadala sa House Speaker.
22:10Sa December 21 ang huling sesyon ng Kamara bago sila mag-adjourn.
22:14We have 10 days to acconent, 10 session days. So pag pinayal ngayon, kulang na. Kasi bali 9 session days na lang eh.
22:26Paniwala ni Sandania, hindi hadlang sa paggulong ng impeachment ang limitadong panahon ng Kamara para talakayin ng impeachment complaint.
22:33Mahalaga po itong impeachment complaint na ito para simula na yung totoo na step process towards holding the Vice President accountable.
22:44Simple lang naman po ang kailangan natin itandaan. Kundi ngayon, kailan pa?
22:50Kaugnay naman sa umano'y pagbabanta ni VP Sara sa buhay ni ng Pangulong Marcos, First Lady Liza Marcos at House Speaker Martin Romualdez,
22:57iniurong ng NBI ang kanilang investigation sa December 11 matapos hindi sumipot ang vice noong nakarang linggo.
23:05Inihatid ng mga tauhan ng NBI sa OVP sa Mandaluyong ang panibagong sampina para padaluhin si VP Sara.
23:13Sinusubukan pa namin makuha ang pahayag ng vice tungkol sa impeachment complaint at bagong sampina ng NBI.
23:20Chino Gaston nagbabalita para sa GMA Integrated News.
23:27Ito na lang sa inihayang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
23:31Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, I quote,
23:34The Office of the President has nothing to do with it, end of quote.
23:37Ang inihayang reklamo ay independent initiative daw ng mga privadong individual.
23:42Ang endorsement naman daw nito ay prerogative ng sinumang membro ng Kamara.
23:47Sabi naman ni Senate President Jesus Codero na nawagan siya sa mga kapwa senador na huwag magbigay ng komento kaugnay sa mga aligasyong nakapaloob sa reklamo.
23:55Anya, mahalagang tugunan nilang reklamo ng may impartiality at objectivity.
24:01Senado ang magsisilbing impeachment court sakaling aprobahan ng Kamara ang reklamong impeachment.
24:06Wala pang pahayag si Vice President Sara Duterte kaugnay sa impeachment complaint laban sa kanya na inihaim sa Kamara.
24:14Pinag-aaralan ng kampo ni Pastor Apolo Q. Buloy na huwag nang ituloy ang kanilang apelan na ilipat ang pastor sa Camp Kramen,
24:21sa Quezon City, mula sa Pasig City Jail.
24:25Ayon kay Eteri Ysraeli Tutorion, hindi pa raw kasi inaaksyonan ang Pasig Regional Trial Court,
24:30ang inihain nilang motion for reconsideration.
24:33Sa halip na ipalipat ng kulungan, hihilingin na lamang daw ng kampo ni Q. Buloy na payagang makapasok sa kanyang selda
24:41ang medical personnel kung kakailangan niyan.
24:44Mula noong November 27, sa Pasig City Jail na nakakulong si Q. Buloy,
24:48alinsunod sa utos ng Pasig RTC,
24:51nahaharap po siya sa mga kasong child and sexual abuse at qualified human trafficking na dati na niyang ikinanggi.
25:00Ito ang GMA Regional TV News!
25:05Iahatid na ng GMA Regional TV ang maiinit na balita mula sa Visayas at Mindanao,
25:10kasama si Sarah Hilomen Velasco.
25:13Sarah?
25:14Salamat Rafi!
25:16Hindi muna tumatanggap na bisita ang isang resort sa Lapu-Lapu, Cebu matapos itong salakayi ng mga armadong lalaki.
25:24Sakay ng dalawang sasakyan, kita ang pagdating ng mga lalaki na nakasuot ng bonnet sa resort sa Bargay Suba-Basbas.
25:31Naganap daw yan noon pang September 25, nang i-takeover ng Umanoy Bagong Mayari ang naturang resort.
25:38Hindi nadat na ng mga polis ang grupo ng Romes Pondesila.
25:41Wala namang naiulat na nasaktan.
25:44Sa dating pamunuan ng resort na nag-upload ng video,
25:47ninakaw ng mga armadong lalaki ang ilang mahalagang gamit sa resort at hinostage paumano ang tatlo nilang tauhan.
25:55Ina-upload nila ang video para daw makatulong sa kitna ng legal proceedings.
25:59Sinisig ka pa ng GMA Integrated News na kunin ang pahayag ng bagong mayari ng resort.
26:04Ayon naman sa polisya, korte na ang magdedesisyon kung sino ang tunay na mayari ng resort
26:10dahil parehong may ipinapakitang papeles ang dalawang partido.
26:15I GOT THE POWER
26:21I GOT THE POWER, ang sparkle star at OPAC na si Kim Jisoo, straight from Osaka, Japan.
26:28Iplinex ng Kay Puso, ang nakuha niyang Outstanding Actor Award in Cross-Cultural Series sa 2024 IMAWA IMA Asian International Film Festival.
26:39Para yan sa kanyang pagganap bilang si Dr. Kim Young sa hit afternoon prime series na Abot Kamay na Pangarap.
26:48Winner din sa film festival si Kiray Celis, na best performance in a comedy para sa kanyang recent film.
26:57From Kim to another Kim, na isa pa ring solid kapuso.
27:02Nag-renew ng kontrata sa GMA Network si Kuya Kim Atienza.
27:06Tuloy pa rin ang pag-atid niya ng Entertainment with Tiktok Lock Fam.
27:14At makabuluhang impormasyon sa Kuya Kim Ano Na sa 24 Oras.
27:19Ako po'y talagang humbled dahil ako'y kailangan ng istasyon.
27:24At yung huling tatlong taon na nandito ko, ang feeling ko parang dalawampun taon ako rito eh.
27:28Present sa contract signing si na GMA Network President and CEO Gilberto Arduabi Jr.,
27:34Senior Vice President Atty. Annette Gozon Valdez,
27:38GMA Public Affairs First Vice President Nessa Valdeleon,
27:42GMA Integrated News Vice President and Deputy Head for News Programs,
27:46and Specials Michelle Ceva,
27:49Entertainment Group Consultant Darling Jesus Bodigon,
27:52at ang manager ni Kuya Kim na si Noel Ferrer.
27:55He's become a true kapuso.
28:00Sa maiklim panahon, nandun nakikita naman the depth of the relationship
28:06that has developed and there's the highest regard for Kim.
28:11Talagang binigay ng Diyos na maging kapuso si Kuya Kim,
28:14everything has been so smooth.
28:16We really love him and siya siguro ang pinaka-versatile talent natin.
28:22Extended pa nga ang pagbibigay kaalaman ni Kuya Kim.
28:26Twing Saturday morning, makakasama niyo na rin siya sa pagising sa bagong entertainment show
28:32na ang dami mong alam Kuya Kim.
28:34Nelson Canlas nagbabalita para sa GMA Integrated News.
28:39Mahigit sa limang milyong sako ng biga sa buong bansa
28:42ang nasasayang kada taon ayon sa isang pag-aaral.
28:46Kaya ang Department of Agriculture is sinusulong ang pagbibenta ng half rice sa mga kainan.
28:52Balitang hatid di Bernadette Reyes.
28:57Talaga namang mapapasarap ang kain mo kapag may only rice sa restaurant o karinderiya.
29:03Pero ang ending minsan, nasasayang lang ang hindi na maubos na kanin.
29:07Sa restaurant na ito nga, isang plastic na puno ng kanin ang nasasayang kada araw.
29:12Everyday po na meron po talagang kahit papano is like mga half rice or minsan one fork.
29:21Sa isang pag-aaral naman lumabas na humigit kumulang anim at kalahating gramo ng kanin
29:26ang nasasayang ng isang Pilipino kada araw.
29:29Pagamat mahigit isang kutsara lang yan, pag pinagsama-sama,
29:33aabot yan sa 255,000 metric tons na bigas sa buong taon
29:37o katumbas ng mahigit limang milyong sako.
29:40So pag pinagsama-sama po natin yan sa lahat ng population during that year,
29:44kaya niya magpakain ng 2.79 million Filipinos for a year.
29:48Si Nanay Rosy, sumasama ang loob kapag nakikitang may natitirang kanin.
29:53Ayoko po, nagagalit ako pag di naubos. Sabi ko, pagkakain kayo, yung kaya nyo lang ubosin.
29:59Para maiwasan ang food wastage,
30:01sinosuportahan ang Department of Agriculture ang programang magkaroon ng half rice na serving
30:06sa mga restaurants at karinderiya kagaya nito.
30:09Gustong talagang i-revive, for the record, gustong i-revive ni Secretary yung bill na ma-offer yung half rice.
30:16For example, yung 255,000 metric tons at P43 per kilo,
30:23that will translate to about P3.6 billion worth ng bigas annually.
30:31So malaking pondo yun.
30:33Sa ngayon, ayon sa PhilRice, may 47 na local ordinances
30:36kaunay ng pagbibenta ng half rice sa mga kainan.
30:40Pero target daw ng kampanya na maging nationwide ito,
30:43kahit sa government agencies muna,
30:45bago magkaroon ng executive order para isulong ang pagbibenta ng half rice sa mga kainan sa buong bansa.
30:51Pabor naman ng mga nakausap pong suki na mga kainan.
30:54Sakpo lang pong satyan mo, hindi sobra.
30:56Karamihan sa restaurant, dami talaga na iiwan mong nan.
30:59So sayang, matatapon po yung pagkain.
31:01Pero habang wala pang EO, payo ng PhilRice,
31:03lalo ngayong kaliwat kanan naman ang mga handaan at reunion.
31:07Hindi sana tayo maging takaumata and sana kumuha lang tayo ng pakonti-konti.
31:11Bernadette Reyes, nababalita para sa GMA Integrated News.
31:16Kinumpirma ng Philippine Statistics Authority na walang anumang record
31:21ng pangalang Mary Grace Piatos na pumirma sa ilang resibo ng Continental Funds
31:26ng Office of the Vice President.
31:28Mayulat on the spot si Jonathan Andal.
31:30Jonathan?
31:32Graffi, walang birth certificate, walang marriage certificate,
31:36at kahit pa death certificate na nakapangalan sa isang Mary Grace Piatos.
31:41Yan po ang sinabi ng PSA o Philippine Statistics Authority
31:45sa binigay nilang certification sa House Committee on Good Government and Public Accountability
31:49na siyang bumubusisi sa Confidential Funds ng Office of the Vice President
31:53of Department of Education sa pamumuno ni Vice President Sara Duterte.
31:57Pero sabi rin sa certification na pirmado ni Undersecretary Claire Dennis Mapa
32:01kung mayroong dagdag na informasyon pa gaya ng pangalan ng magulang ni Mary Grace Piatos
32:06o pecha at lugar ng mahalagang pangyayari sa kanya,
32:09pwede nilang hanapin pa ito ng gusto sa kanilang Civil Registry System Database.
32:14Si Mary Grace Piatos ang nakapirma sa isa sa daan-daang Acknowledgement Receipt o Resibo
32:19na ipinasa-umanon ng OVP sa COA o Commercial Audit
32:23para ipaliwana kung paano nila ginastos ang kanilang Confidential Funds noong 2022.
32:27Pero tingin ng mga mambabatas, hindi totoong tao si Mary Grace Piatos
32:32na tila pinagsama raw ng pangalan ng isang restaurant at chitsiria.
32:36Kung matatandaan, nag-aalok ng isang milyong pisong pabuya ang mga mambabatas
32:41sa sino mang makapagtuturo kay Mary Grace Piatos.
32:44Sabi naman ang isa sa mga staff ng OVP noong huling pagdinig ng Good Government Committee,
32:48may mga apelied ng Piatos sa Davao.
32:51Si Congressman Raul Manuel ng Kabataan Party List
32:53sinabi sa isang presscon ngayong umaga na patunay ang PSA certification
32:58na nag-imvento lang ng resibo ang opisina ng Vice Presidente.
33:04Raffy, sinusubukan pa natin kunin ang panig ng tanggapan ni Vice President Sara Duterte
33:10tungkol sa certification na ito ng PSA. Balik sa iyo Raffy.
33:23Patay ang isang lalaki sa Pavia, Iloilo
33:26matapos barilin ng dating kinakasama ng kanyang live-in partner.
33:30Nasawi naman ang isang ginang sa Cebu City matapos matabulan ng gumuhong riprap.
33:36Ang mainit na balita hatid ni Femarie Dumabok ng GMA Regional TV.
33:43Tulong-tulong ang mga rescuers sa pagresponde sa mga natrap sa loob ng isang bahay
33:48matapos madaganan ng gumuhong riprap sa isang subdivision sa Cebu City.
33:52Nangyari ang insidente sa gitna ng malakas na buhos ng ulan.
33:56Kabilang sa ni-rescue ang isang ginang na natabunan ang kalahating katawan.
34:01Nasawi siya kalaunan. Sugatan naman ang mister niya.
34:17Kwento ng anak ng mag-asawa na sa loob siya ng bahay kasama ang dalawa niyang kapatid
34:22na nakatakbo palabas ng bahay.
34:24Pina-iimbestigahan na ng LGU ang insidente.
34:27Sasagutin din nila ang pangangailangan sa pagpapalibing sa nasawi ginang.
34:35Isa ang patay at anim ang sugatan sa karambola ng mga sasakyan sa talisay Cebu.
34:40Base sa imbestigasyon, nag-counterflow ang isang multi-cab at bumanga sa kasalubong ng motorsiklo at tricycle.
34:47Ang driver aminadong nakainom at hindi napansin na napunta siya sa kabilang lane.
34:52Tumila po ng mag-asawang sakay ng motorsiklo na ikinasawi ng nagmamaniho nito.
35:07Patay sa pamamarilan 35 anos na lalaki sa Pavia, Iloilo.
35:12Nangyari ang insidente sa loob ng beauty parlor ng kanyang live-in partner.
35:17Aminado sa krimen ang nahuling suspect na dating kinakasama ng babae.
35:21Kinakausap daw niya sa loob ng parlor ang biktima para layuan ang kanyang asawa.
35:26Nang may kunin na kutsilyo ang biktima.
35:35Selos ang motibong sinusundan ng polisya sa krimen.
35:39Nakaditin na ang suspect na nahaharap sa reklamong border with the unused of unlicensed firearm.
35:45FEMERI DUMABOK NANG GEMI REGIONAL TV
35:49NAGBABALITA PARA SA GEMI INTEGRATED NEWS
35:53Nagpalipas lang daw ng masamang panahon ang Russian attack submarine na namataan sa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas noong November 28.
36:02Yan ang paliwanag ng mga sakay nito nang i-radio challenge nila ng Philippine Navy ay sa National Security Council.
36:09Galing daw noon ang submarine sa exercises kasama ang Malaysian Navy.
36:14Umalis din daw ang submarine hapon noong araw na iyon.
36:18Paglilinaw ng NSC, kahit bahagi ng EEZ ng Pilipinas, high seas pa rin na maitutuling ang lugar kung saan dumaan ang submarine,
36:26kaya malayang maglayag doon ang anuang sasakyang pandagat.
36:30Tingin naman ng dating vice commander ng Philippine Navy na si retired Rear Admiral Romel Judong,
36:36posibleng mechanical problem ang dahilan kung bakit naroon ang submarine na hindi raw aaminin ng Russia.
36:42Posibleng daw na mensahe o babalayuan para sa Amerika.
36:51Sa halit na tulungan sa gitna ng masamang panahon, sinilaw at pinagbantahan paumano ng China Coast Guard
36:58ang mga mange-isdang Pinoy sa Rosal Reef na nasa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
37:02Pati ang mga taga Philippine Coast Guard na sumaklolo sa mga mange-isda.
37:06Binuntutan din ang mga barko ng China.
37:09Balitan natin ni JP Soriano.
37:13Nangingisda sa Rosal Reef o Iroquois sa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas ang mga Pilipinong ito.
37:24Nang bigla silang lapitan ng helicopter ng China.
37:29Nag-hoover siya ng mababang lipad lamang at 15 feet.
37:34At ginagawa niya ito sa mga mange-isdang Pilipino.
37:38We're thinking that they're doing this as a form of harassment para itaboy ang ating mga mange-isdang Pilipino.
37:44Dahil na ipadala ang video sa Coast Guard, agad silang sumaklolo sa mga mange-isdang inabutan na rin pala ng ulan at paglakas ng alon.
37:54Kabilang kami sa mga media personnel na sumama sa kanila.
37:58Sakay ng BRP Cape Engaño nitong Sabado.
38:01Kasunod ang BRP Melchorra Aquino, isa sa pinakamalaking Philippine Coast Guard vessel.
38:07Di pa man nakalalayo sa Palawan, ay sinunda na kami ng Chinese Coast Guard vessel na ito, pasado alas 5 ng hapon.
38:17Pagdating namin sa bandang Escoda Shoal, huminto alas 8 ng gabi ang aming sinasakyan.
38:24Sa gitna ng dilim, ilaw lang ang kayang i-record ng video.
38:28Pero kitang-kita naming dumaan sa aming harapan ang barko ng China Coast Guard.
38:32Narinig din namin ang ilang beses na radio challenge ng China para palayuin ang Philippine Coast Guard sa Umanoy territoryo nila.
38:40Pasado alas 10 ng gabi, muling napahinto ang sinasakyan naming barko dahil din sa pagdaan ng China Coast Guard.
38:48This is very dangerous, maaaring magdulot ito ng banggaan at maging gusto ito ng isang sakuna.
38:56We were able to prevent this kind of collision with the Chinese Coast Guard.
39:02Pagputok ng liwanag na mataan namin ang ilan pang Chinese vessels.
39:06Natanaw na rin namin ang mga Pilipinong mangingis ng dalawang linggo na nasa Russell Reef.
39:11Mag alas 8 na umaga, December 1, at matapos nga po ang magdamag na pagbuntot at ilang beses na pagpigil ng China Coast Guard sa Philippine Coast Guard vessel na ito,
39:20ay narating na rin po ng PCG vessel ang bahagi ito ng Iroquois o Russell Reef.
39:26Nakabantay pa rin ang China Coast Guard habang isinasakay sa mga inflatable boat ng PCG.
39:32Ang mga kababayan nating mangingisda.
39:35Sa isang punto ibinabapan nila ang kanilang maliit na speedboat pero di naman lumapit sa amin.
39:41Ang China Coast Guard tinawag na iligal ang pagtitipo ng mga sasakyang pandagat ng mga Pilipino sa Russell Reef kaya gumawa sila ng kaukulang hakbang.
39:55Kwento ng mga Pilipino, lumubog ang dalawa sa dalawampu nilang bangga dahil sa masamang panahon.
40:02It is also very disappointing.
40:06The mere fact na nakapagpalipad sila ng aircraft dito ay namu-monitor nila ang mga isang Pilipino.
40:12Hindi sila nag-offer ng kahit anumang assistance.
40:16Sa halip na tulong ay sinilaw paumano ang mga Pinoy.
40:19Masakit po sa mata.
40:21Yung kulay green nila ng laser.
40:23Ginagit-git po nila.
40:25Yung hindi ka talaga ganunin ka talaga ng blocking nila.
40:28Binabantaan din silang bobomba ng tubig kapag lumapit sa mga Chinatown.
40:32Sa mga inaangking bahagi ng China.
40:35At sa kabila ng mga natapos ng pag-uusap sa pagitan ng China at Pilipinas,
40:40gaya ng Bilateral Consultation mechanism o BCM,
40:43lumalabas na patuloy pa rin ang China Coast Guard sa pagpigil,
40:47pagbuntot sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas dito sa West Philippine Sea,
40:51bagay na iligal ayon sa 2016 arbitral ruling.
40:54Pero sabi ng PCG patuloy silang maglalayag dito sa West Philippine Sea
40:58hanggat ipinag-uutos ito ng ating gobyerno.
41:00JP Soriano, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
41:06Gait naman ng Chinese Foreign Ministry, hindi factual o makatotohanan ng claim ng Pilipinas.
41:12Anila, sila ang may karapatan sa Rosal Reef at ipapangbahagi ng Spratly Islands.
41:17Legal daw ang ginawa ng China Coast Guard para protektahan ang kanilang sovereignty.
41:22Back in your area na soon, ang K-pop superstar na Blackpink.
41:27Mula sa successful na Born Pink World Tour, in-announced ng YG Entertainment
41:32na magre-reunite ang grupo sa 2025 para sa isa pang world tour.
41:37Sabi ng YG, it's gonna be a busy year din para sa iba pa nilang talents gaya ng Treasure at Baby Monster.
41:51Sad day naman para kay BTS member V.
41:54Is she near ni Taehyung na pumanaw na ang kanyang beloved dog na si Yontan.
42:00Nagbahagi pa si V ng sweet moments nila ng kanyang furbaby over the years.
42:07Ang living legend na si Sir Elton John, kinumpirmang halos na wala na siya ng eyesight o paningin.
42:13Dahil sa eye infection, hindi na raw nakakakita ang isa pa niyang mata.
42:17Sa kabila naman, limitado na lang ang nakikita.
42:21Matatagalan man, nasa proseso na raw ang healing ng music icon.
42:26Pinasasalamatan naman ni Sir Elton John ang mga doktor at nurse at ang kanyang pamilya na nag-aalaga sa kanya.
42:33Sa ngayon, feeling positive daw ang singer-songwriter-pianist sa kanyang recovery.
42:39Nelson Canlas nagbabalita para sa GMA Integrated News.
42:48Kasunod po ng minor phreatomagmatic eruption ng Bulkang Taal,
42:52pinag-iingat ng Department of Health ang mga residente sa masamang epekto sa kalusugan ng abo ng bulkan.
42:58Kabilang po dyan, ang pangangati ng ilong, lalamunan, mata at balat.
43:04Posible rin daw yung magdulot ng ubo at hirap sa paghinga.
43:07Para maiwasan po ang masamang epekto nito sa kalusugan, iwasan muna ang anumang outdoor activities.
43:13At hanggat maaari, manatili muna sa loob ng bahay at isarap po ang pintuan at mga bintana.
43:19Makakabuti rin daw na magsuot ng N95 mask.
43:23Ngayon din ng goggles o eyeglasses bilang proteksyon sa mata.
43:28Ito ang GMA Regional TV News
43:33Sinunog ng Philippine Drug Enforcement Agency ang mahigit labing syam na milyong pisong halaga
43:39ng iligal na droga na nasa bat nila sa Davao Region at sa SOC Sarjet.
43:44Dinala ang mga droga sa isang punerarya dito sa Davao City para sunugin.
43:49Kasamay rin sinira ang halos isang milyong pisong halaga ng expired na gamot.
43:53Ayon sa PIDEA, sinisira ang mga droga at expired na gamot para hindi na magabit o maibenta.
43:59Tapos na rin daw iyong inspeksyonin ng mga korteng humahawak ng mga kaso.
44:06Dahil naman sa pagbamahal sa mga alagang hayop, may 43 pusa ang isang dalaki sa Dagupan, Pangasinan.
44:13Lahat ng iyan, na-rescue ni Roel Arboleda.
44:16Pitong taon ang sumasagip ng mga pusa si Roel.
44:18Nagsimula raw siya sa pagpapakain sa mga agalang pusa.
44:22Una siyang nagampo ng labing kitong pusa hanggang sa dumami ito ng dumami.
44:27Nakakapagod at malaking gasos man daw, nakakawala naman ng stress kapag kasama niya ang kanyang fur babies.
44:34Full support din ang kanyang pamilya.
44:41Inilabas na po ng Philippine Post Office ang special 2024 Christmas stamp.
44:46Yan ang Simbanggabe sa Ilog, Pasig na pinakamahaba raw na usable postage stamp sa buong mundo.
44:54Ginawa yan bilang pagpupugay sa tradisyong simbanggabe ng mga katoliko.
44:59May habay ang 234mm at pinapakita ang sham na simbahan na malapit sa Pasig River.
45:06Mula Maynila, Mandaluyong, Makati, Pasig at hanggang sa lalawigan ng Rizal.
45:12Wow!
45:16Down to 22 days na lang ang countdown bago ang Pasko.
45:20Sa kanya man, simbahan o loob ng kulungan, buhay pa rin ang diwa ng Pasko.
45:25Ang cuddle weather sa Baguio City sinamahan pa ng holiday festivities.
45:30Mumida po sa kahabaan ng Session Road ang vibrant na parade of lanterns.
45:35Nagmistula namang giant projector screen ang Paway Church sa Ilocos Norte.
45:42Sa mismong simbahan at tori dinawas ang light show na bahagi ng Christmas celebration.
45:47Pag-asa naman ng hatid ng mga paro sa City of Love na Ilo Ilo.
45:51Gawa kasi ang mga yan ng mga PDL sa BGMP District Jail Male Dormitory sa Haro.
45:57Sa Paway Church.
46:00At ito po ang Balitang Hali. Bahagi kami ng mas malaking mission.
46:04Ako po si Connie Cizon.
46:06Para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
46:08Mula sa GMA Integrated News, ang news authority ng Pilipino.
46:38Thank you for watching!

Recommended