• last year
Narito ang maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Martes, Nobyembre 19, 2024:


-Babaeng mastermind umano sa pagpaslang sa kanyang dayuhang mister noong 2023, arestado


-Bahay, malapit nang mahulog sa ilog dahil sa pagguho ng lupa/Bagyong Pepito, nag-iwan ng matinding pinsala sa magkakatabing bahay sa gilid ng kalsada


-7 magkakaanak, patay matapos matabunan ng lupa ang tinutuluyang bahay


-WEATHER: Maayos na panahon, inaasahan ngayong araw sa malaking bahagi ng bansa


-Malacañang sa mga gov't agency: Iwasan ang marangyang pagdiriwang ngayong Pasko


-Airport bus na biyaheng NAIA-Imus-NAIA, umarangkada na; may 50% discount para sa OFWs at empleyado ng NAIA


-Fil-Am speed skater na si Peter Groseclose, wagi ng bronze medal sa ISU Junior World Cup 2 sa Bormio, Italy


-NDRRMC: Pinsala ng Bagyong Nika, Ofel at Pepito sa infrastructure, umabot na sa halos P470M


-P170,000 halaga ng hinihinalang shabu, nasabat sa 3 suspek; 2 sa kanila, aminadong nagbebenta ng droga


-2 miyembro umano ng basag-kotse sa Cavite, arestado sa Manila


-Nag-AWOL na pulis, suspek ngayon sa pagpatay sa isang Brgy. Chairman matapos matukoy ang kanyang sasakyang ginamit sa krimen


-FPRRD, iniimbestigahan na ng DOJ kaugnay sa umano'y mga extrajudicial killing/ Crimes against humanity, posibleng isampa laban kay FPRRD


-Marian Rivera, kinilala sa Man at His Best Award ng Esquire Philippines bilang "Actress of the Year"


-Presyo ng ilang gulay sa Blumentritt Market, tumaas dahil sa epekto ng mga nagdaang bagyo


-Pagpirma ng isang "Mary Grace Piattos" umano sa resibo ng OVP para sa confidential funds, kinukuwestiyon ng Kamara


-Lalaking balak tumakbong vice mayor, natagpuang patay sa kanyang karinderya


-166 na bahay, nasunog dahil umano sa napabayaang niluluto


-Acting at singing prowess nina Ariana Grande at Cynthia Erivo, inaabangan sa film adaptation ng "Wicked"


-Social media accounts ng mga pribadong indibidwal na mag-eendorso ng mga kandidato, hindi na kailangan irehistro sa COMELEC


-Asong si Budang, nag-siyesta sa gitna ng mga tinutuping damit


-2 pulis, nasawi sa drug buy-bust operation na nauwi sa barilan; 2 pang pulis at 2 suspek, sugatan


-Pekeng snow, paandar sa White Christmas theme ng isang mansyon


-Alden Richards at Kathryn Bernardo, thankful sa patuloy na success ng "Hello, Love, Again:" P520M na ang gross sales sa Pilipinas, as of Nov. 18


-Ben&Ben members Pat Lasaten at Agnes Reoma, ikinasal na


-372 estudyante, guro at staff, hinihinalang na-food poison dahil umano sa kinaing spaghetti


-Hindi bababa sa 13, patay sa pagguho ng gusali


-Full-body scanners, inilagay sa Bilibid para maiwasan ang pagpuslit ng mga kontrabando


-Interview: Veronica Torres, Weather Specialist, PAGASA


-Beach wedding sa Aurora, hindi napigil ng malalakas na alon bunsod ng bagyo


-Pagpanaw ni Mercy Sunot ng Aegis, ikinalungkot ng netizens at ilang personalidad


-Pag-apruba ng Senado sa 2025 National Budget, pinamamadali na ni PBBM


-Smog, bumalot sa New Delhi; Ilang residente, nagkakasakit na


-Dating GMA HRDD Vice Pres. Dexter Mendoza, pumanaw na


-Lalaki, natagpuang duguan at wala nang buhay sa loob ng isang sasakyan


-Oil price rollback, epektibo ngayong araw


-Thoughtful daughter, may pasalubong na mga prutas sa nanay na may sakit


For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

Category

🗞
News
Transcript
00:00Magandang tanghali po, oras na para sa maiinit na balita.
00:13Magandang tanghali po, oras na para sa maiinit na balita.
00:44Tikom ang dibig at hindi na pumalag sa pulisya.
00:49Ang 39 anos na babaing ito nang arestuhin siya sa visa ng warrant of arrest sa Valenzuela.
00:55Siya ang itinuturong utak umano sa pagpaslang sa sariling asawa niya na isang Pakistani resort owner sa Dinalupian, Bataan.
01:03Ayon sa pulisya, May 2023 nang yari ang krimen.
01:07Merong dalawang lalaki na nagpanggap na nag-inquire or magiging customer nila doon sa resort at humihingi ng assistance.
01:18Habang ina-assist niya nga itong dalawang customer, doon nga siya pinagbabarel.
01:24Ang dalawang kasabwat din daw ang nagturo sa babae na siyang nagutos umano sa pagpatay.
01:30Inaalam pa na mga otoridad ang posibling motibo sa krimen.
01:33Sinubukan namin kunin ang panig ng akusado pero tumangi siyang magbigay ng pahayag.
01:38Non-bailable ang kasong murder na kinakaharap niya.
01:42Bea Pinlac nagbabalita para sa GMA Integrated News.
01:47Halos mahulog na sa ilog ang isang bahay sa San Miguel, Catanduanes dahil sa paghuhon ng lupa.
01:55Kakaunti na lamang at tuluyan ang babagsak ang bahay na yan sa ilog matapos umapaw ang tubig at kainin ang lupa sa ilalim ng kalsada sa kasagsaga ng bagyong pepito.
02:06Mabuti na lang at nakaalis agad ang mga nakatira roon kaya walang nasaktan.
02:11Matinding pinsala rin ang iniwan ng bagyo sa iba pang bahay roon.
02:16May isa pang bahay na tila tinangay na ang malaking bahagi nito at humarang sa kalsada.
02:22Patuloy ngayon ang mga residente sa pagkukumpuni ng kanilang bahay.
02:29Itong magkakaanak sa Ambagyo, Nueva Vizcaya ang nasa way sa landslide na dulot ng bagyong pepito.
02:37Karamihan po sa kanila ay mga menor de edad.
02:40Ayon sa Nueva Vizcaya PDRRMO, magkakasama ang mga biktima sa loob ng isang bahay nang matabunan ito ng gumuhong lupa.
02:49Hindi na raw nailika sa mga biktima dahil biglang bumuhos ang ulan at malambot na ang lupa.
02:55Bibigan daw ng tulong ang pamilya ng mga nasa way.
03:03Mga kapuso, maayos na panahon na ngaasahan po sa malaking bahagi ng bansa
03:09matapos lumabas na nga po sa Philippine Area of Responsibility ang bagyong pepito.
03:14Ngayon man, asahan pa rin daw ang mga panandaliang ulan.
03:17Base sa rainfall forecast ng metro weather sa mga susunod na oras,
03:21uuulanin ang extreme northern Luzon at ilang bahagi ng southern Luzon, Visayas at Mindanao.
03:28Ayon sa pag-asa, umiiral po ngayon sa Batanes ang northeasterly surface wind flow,
03:33shear line sa Babuyan Islands, habang easterly sa silangang bahagi ng Visayas at ng Mindanao.
03:40Ang northeasterly ay matuturing na hilaw na hanging amihan,
03:44habang ang shear line ay ang pagsasalubong ng malamig na northeasterly at mainit na easterlies.
03:51Wala nang binabantay ang bagyo sa Pacific Ocean.
03:54Dahil po sa northeasterly maalon at delikado pa rin pong kumalaot
03:59ang maliliit na sasakyang pandagat sa northern coast ng Ilocos Norte
04:03at mga baybayin ng Batanes at Babuyan Islands.
04:07Sa nakalipas na 24 oras, 3 dam pa rin ang nagpapakawala ng tubig.
04:126 na gates ng Binga Reservoir sa Benguet ang nakabukas para sa pagpapalabas ng tubig.
04:185 gates naman sa Ambuklao, habang 4 sa Magat Reservoir sa Isabela.
04:26Pinapaalalahanan po ng Malacanang ang mga ahensya ng gobyerno na iwasan muna ang magarbong pagdiriwang ng Pasko.
04:33Pakikeisa raw ito sa mga nasalanta ng sunod-sunod na bagyo,
04:37alinsunod na rin po sa utos ni Pangulong Bongbong Marcos.
04:40Ayong kay Executive Secretary Lucas Bersamin,
04:43hinimok nilang idonate na lamang ng mga ahensya
04:46ang sobrang perang unang inilaan para sa selebrasyon.
04:50Nitiyakin daw ng pamahalaan na mararamdaman pa rin naman
04:53ng mga apektadong residente ang diwa ng Pasko
04:56sa pamamagitan ng pamamahagi ng relief goods,
04:59pagsasayayos ng mga napinsalang dusali
05:02at iba pang klase ng tulong.
05:06Maagang pumasko naman para sa mga balikbayang taga-Kavite.
05:10May direto ng byahe ng bus mula po Ninoy Aquino International Airport papuntang Imus, Kavite.
05:16Sa pamasahing 300 piso, mas mabilis at komportable na ang byahe.
05:21May 50% discount pa para sa overseas Filipino workers at empleyado ng naiya.
05:27Ayon sa operator ng airport bus,
05:29dagdag na safety feature nito ang pag-monitor online kung nasaan na ang bus.
05:40Huwag iyang Filipino-American speed skater na si Peter Groseclaw
05:44sa International Skating Union Junior World Cup 2 sa Borneo, Italy.
05:51Bronze medal ang nakuha ni Peter sa men's 500m short track speed skating event
05:57na kalaban niya ang halos 50 global skaters.
06:00Yan ang kauna-unahang medalya ng Pilipinas sa isang International Skating Union World Cup event.
06:06Congratulations and good job, Peter!
06:11Umabot na sa halos Php 470 million ang halaga ng pinsala
06:16sa infrastruktura dahil po sa hagupit ng mga bagyong Nika, Ophel, at Pepito.
06:21Batay po sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council
06:26o NDRRMC, karamihan sa nasira ng bagyo ang mga kalsada sa iba't-ibang lugar sa bansa.
06:33Mahigit Php 8 million naman ang tinatayang halaga ng pinsala sa agrikultura.
06:38Halos 2 million residente at halos 500,000 pamilya ang apektado ng bagyo.
06:44Mahigit 700,000 residente naman mula sa 7 regyon ang pinalikas.
06:50Sa ngayon po, may pitonang napaulat na nasawi at nalawang nawawala.
06:55Hinukumpirma pa ang bilang na yan ng NDRRMC.
06:59Habang 23 naman ang kumpirmadong sugatan.
07:04Libo-libong halaga ng hinihinalang syabu ang nasabat sa tatlong suspect sa Kaintari Zal.
07:09Ang dalawa po sa kanila aminadong nagbebenta ng droga.
07:13Habang ang isa, nagde-deliver lamang daw.
07:16Balitang hatid ni EJ Gomez.
07:20Arestado ang dalawang lalaki at isang babae sa by-bust operation ng kainta-polis
07:26sa barangay San Isidro pasado alauna ng hapon noong Sabado.
07:30Sila ay sina alias Pogi, alias Riza at alias Rizal.
07:35Ayon sa pulisya, nakipaghabulan pa ang isa sa mga suspect na itinuturing na leader ng grupo matapos ang by-bust operation.
07:43Habang yung dalawa ay naaresto na, si Pogi ay tumakbo.
07:48Hinabong siya ng ating mga operatiba na umabot doon sa marikina Marcos Highway.
07:54Si alias Pogi ay nire-revealed ng mga arrested namin na illegal drug personalities sa area ng Balante.
08:03Siya ang laging bukang bibig na maraming tulak.
08:07Nasabat sa tatlong sospek ang walong pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na 25 grams at nagkakahalaga ng P170,000.
08:17Narecover din ang hindi-lisensyadong 9mm pistol at apat na bala nito.
08:22Basis sa investigasyon, sa Taguig, Pasig at Muntinlupa raw ng gagaling ang supply ng droga ng tatlong sospek na kanilang ibinibenta sa Taytay, Antipolo, Pasig at Marikina.
08:33Ang style ng pag-webbenta nila is online, through chat, text, and then mag-meet-up siya sa isang lugar, doon ang mag-aabutan paliwaan.
08:46Aminado ang mga sospek sa krimen.
08:49Totoo po yung nahuli po sa amin. Nagawa lang po yun, dala lang po sa kahirapan.
08:56Dala po ng kahirapan din po, may binubuhay po ang dalawang bata.
08:59Sabi naman ang isa pa, taga-deliver lang siya.
09:02Hindi po nag-aatid lang po ako. Kung may magpapatid, ako magdadala lang po, tapos sa akin lang po babayaran.
09:09Dati ng nakulong ang tatlong sospek dahil din sa kasong may kinalaman sa illegal na droga.
09:15Naka-detained sa custodial facility ng Kainta Municipal Police Station ang tatlo na mahaharap sa reklamong paglabag sa Republic Act 9165 or Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
09:29EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
09:35Ito ang GMA Regional TV News.
09:40Oras na para sa maiinit na balita ng GMA Regional TV mula sa Luzon.
09:44At makakasama pa rin po natin si Chris Zuniga. Chris?
09:49Salamat Connie.
09:50Nauwi sa pamamarilang pagnatalo ng magkapit bahay sa HN Nueva Ecija.
09:54Habang arestado naman ang dalawang miyembro umano ng basagkotse na nambiktima sa General Trias Cavite.
10:00Ang mainit na balita hatid ni CJ Torrida ng GMA Regional TV.
10:08Hinarang ng mga operatiba ang motorsiklong Ian sa Tondo, Maynila.
10:12Ang rider nito, miyembro umano ng basagkotse na nambiktima sa General Trias Cavite.
10:18Nauhuli naman sa isang hotel sa Quiapo, Maynila pa rin ang kasabot niya.
10:23Ayon sa mga otoridad, nakuha ng mga sospek ang dalawang bag na may lamang ilang gadget at cash
10:29na mayigit sandaang libong piso mula sa isang kotse roon.
10:33Nahaharap ang mga sospek sa karampatang reklamo. Wala silang pahayag.
10:41Sugatan ng isang mag-anak sa HN Nueva Ecija matapos barilin ng kanilang kapitbahay.
10:47Ayon sa embesikasyon, nagtalo ang mga biktima at sospek dahil umano sa pag-aalaga ng pugo at pagputon lang puno ng sospek.
10:55Habang nagtatalo, bigla nalang daw bumunot ng baril ang sospek at binaril ang mga biktima.
11:01Nakatakbo ang padre de familia at dalawang anak niya sa loob ng kanilang bahay.
11:06Isinugod sila sa ospital dahil sa tinamong sugat sa katawan.
11:10Nakatakas naman ang sospek pero naaresto ang kapatid niya na tumulong sa kanyang pagtakas.
11:15Narecover na mga otoridad ang van na ginamit ng sospek sa pagtakas.
11:19Hindi muna nagpa-unlock ng panayam ang pulisya habang patuloy ang embesikasyon at pagtugis sa sospek.
11:25Wala pang pahayag ang naarestong kapatid ng sospek.
11:28CJ Torida ng GMA Regional TV, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
11:36Isang pulis naman na umaninag-awul ang hinahanap ng kanyang mga kabaro sa HN Nueva Ecija.
11:41Sa kayo ng sospek sa pagpatay sa isang barangay chairman.
11:44Siya kasi ang natukoy na may-ari ng kotseng ginamit ng gunman sa pagtakas.
11:49Matapos barilin si barangay chairman Mark Vic Pascual noong nakaraang linggo.
11:54Walang sospek sa bahay pero nakuharoon ang isang baril, granada at isang sashay ng hinihinalang shabu.
12:01Susuriin ang mga narecover na gamit para makumpirma kung may kinilaman iyon sa krimen.
12:06Natunto ng kotse sa pamamangitan ng mga CCTV footage.
12:11Initing na ng Justice Department kung nilabagba ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang batas
12:18kawag nai po sa International Humanitarian Law ayong kay Secretary Jesus Crispin Remulia.
12:23Balitang hatid ni Salima Refran.
12:28Marami akong pinatay na pulis sa dabaw na kriminal.
12:33Ako mismo ang talagang kumirit.
12:38I will admit na ang order ko yung mga drug manufacturers patay yung mga big time drug distribution patayin.
12:53So nagpa-plan po talaga?
12:55That was part of the strategy as a mayor.
12:58Kasunod ng mga pag-aming ito sa Quad Committee ng Kamara at base sa iba pang hawak na impormasyon,
13:04sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulia na inumpisahan na ng Department of Justice
13:10ang imbesigasyon laban mismo kay dating Pangulong Rodrigo Duterte
13:14kaugnay ng mga umano'y extrajudicial killing.
13:17Kakausog ko lang kanina yung head ng task force. Very good progress.
13:21Malawak an niya ang sakup ng imbesigasyon.
13:24Mula sa panahong mayor panandawaw si Duterte hanggang sa maging presidente
13:29at ipatupad ang kanyang madugong gera kontra iligal na droga.
13:33Siyempre, you're talking about several laws that come into play.
13:38You have the revised penal code and other special laws.
13:42IHL, International Humanitarian Law, ang ating pinupuntiriya ngayon
13:48because it is the law that the ICC is studying as well as the law that we have here.
13:55It's the law of the ICC actually. It's what they're using right now.
14:00Mga paglabag sa RA 9851 o Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law,
14:06Genocide and Crimes Against Humanity, ang tinitignan laban kay Duterte.
14:11Katawang ito ng Crimes Against Humanity na pinahaharap sa dating Pangulo
14:15sa International Criminal Court o ICC.
14:18We want the charges to be separate from each other.
14:24What we charge here and what the ICC charges have to be, if possible, will not overlap.
14:31Kasi ano yan eh, even if we're not members of the ICC, the spirit of complementarity still applies.
14:40Patuloy na kinukuha ng GMA Integrated News ang panig ni Duterte.
14:44Sabi naman ang kanyang dating presidential legal advisor na si Attorney Salvador Panelo,
14:49bakit hindi na lang maghain ang kaso kung mayroong ebidensya?
14:53We just kind of give you a day-to-day, blow-by-blow account.
14:57But we are evaluating everything very well.
14:59Sanima Refran, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
15:08Happy Tuesday, mga Mari at pare!
15:11Actress of the Year ng Esquire Philippines, si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.
15:18Si Marian ang kaisa-isang female personality sa siyam na kinilala sa Man at His Best Award 2024.
15:25Truly successful ang big screen comeback ni Marian.
15:28Mula sa MMFF box office hit na Rewind, hanggang sa kanyang Sinimalaya Best Actress winning performance sa Balota.
15:36Entertainer of the Year naman ng Esquire Philippines, ang SB19.
15:40Habang Athlete of the Year, si Double Olympic Gold Medalist Carlos Yulo.
15:45Si Direct Joey Reyes naman ang kinilalang Creative of the Year.
15:49Deserve nyo yan!
15:56Sa mga mamamalengke naman po dyan, maghanda na ng extra budget dahil mahigit doble po ang taas presyo ng ilang gulay.
16:03Katulad na lamang sa Bloom & Treat Market sa Maynila.
16:07Php 180 ang talong, Php 200 ang kamatis, at Php 140 ang repolyo at ampalaya.
16:15Nasa Php 300 naman ang presyo ng bell pepper.
16:18Ayon sa ilang nagtitinda, hindi maibiyahe agad pa Maynila ang gulay dahil sa magyo.
16:23Sa latest price monitoring ng Department of Agriculture, nasa Php 150-220 ang kada kilo ng talong sa NCR.
16:33Php 150-230 naman ang kamatis, at Php 70-140 ang repolyo.
16:40Depende pa yan sa klase.
16:42Ang ampalaya nasa Php 110-200 per kilo, habang Php 230-500 ang bell pepper.
16:50Php 150-230 ang per kilo ng bangus, habang Php 150-240 ang kada kilo ng salmon head.
17:00Nasa Php 110-320 naman ang presyo ng iba pang isda, gaya ng Tilapia at Galunggong.
17:09Kinekastuhan ng ilang mambabatas ang pagkataon ng isa sa pumirma sa mga resibo ng Office of the Vice President para sa confidential funds.
17:18Ang pangalan kasi tila pangalan daw ng isang kainan at ng isang tsitsirye.
17:23Balitang hatid ni Jonathan Andal.
17:25Isa ito sa mga resibo ng ipinasan ng OVP o Office of the Vice President sa COA o Commission on Audit para ipaliwanag kung paano nila ginasto sa loob ng labing isang araw ang Php 125 million 2022 confidential funds.
17:45Pero ang pangalang nakapirma sa resibo, hirap basahin ang mga kongresista.
17:51The name would read, tama po ba, Mary Grace Piatos?
17:55Piaty? Piaty?
17:57Ang pagkabasa ko Piatos eh.
17:59Why po yung last?
18:00Why po? Since masyada nang mababa yung tail.
18:05Ang seryosong tanong ng mga kongresista, totoong tao ba ang nakapirma sa resibo?
18:10Now, sa tingin mo, totoong tao yan? What's your opinion?
18:14It could be a person.
18:15Pero, would you know na merong restaurant na Mary Grace ang pangalan?
18:19Yes, Mr. Chair.
18:21At meron ding Piatos na brown ng potato chips?
18:25Yes, Mr. Chair.
18:27Para makumpirma, nag-ambag-ambaga ng mga kongresista para mag-alok ng pabuya P1 million sa makapagtuturo sa taong nakapirma rito.
18:36Kasi ang sinasabi ng Office of the Vice President, totoo si Mary Grace Piatos.
18:41Kasi kami, hindi kami naniniwala na totoong may Mary Grace Piatos.
18:44Si Mary Grace Piatos kasi yung may pinakamalaking nakuha dun eh.
18:47Pag wala si Mary Grace Piatos, sigurado halos lahat na ng tao na naandun is fictitious na.
18:54Isa lang ang resibo na ito sa daandaang acknowledgement receipt na isinimitin ng OVP sa COA,
18:59na sa tingin ng mga mambabatas ay dinoktor o pinike, gaya ng mga resibo ng iba-iba ang pangalan,
19:05pero tila raw iisang tao lang ang sumulat at pumirma.
19:09Kasi sinasabi ni VP Sara na peke daw ang acknowledgement receipt na ipinakita sa hearing.
19:20E itong acknowledgement receipt na ito, galing po ito ng Commission on Audit.
19:26At sinabi nga ng Commission on Audit na ito yung mga ipinasan na acknowledgement receipt ng OVP.
19:35So paano mo sasabihin na ito ay mga peke?
19:39Sinubukan namin hinga ng kumento si Vice President Sara Duterte, pero wala pa siyang tugod.
19:44Sa Merkoles ang susunod na pagdinig ng kamera tungkol sa confidential funds ng OVP at DepEd.
19:50Inasahang dadalo ang ilang OVP officials at aabangan kung lulutang ba si Mary Grace Piatos.
19:56Jonathan Andal, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
20:01Ito ang GMA Regional TV News.
20:07Ihahatid na po ng GMA Regional TV ang mainit na balita mula naman sa Visayas at Mindanao.
20:13Kasama po natin si Sara Hilomen, Velasco. Sara?
20:17Salamat Connie!
20:18Natagpo ang patay sa loob ng kusina ng kanyang karinderia ang isang lalaki sa Barngay Bukay Pait sa Tantangan South, Cotabato.
20:27Ayon sa Tantangan Municipal Police, may narinig na putok ng baril ang mga kapitbahay gabi bago matagpuan ng biktima.
20:34Ngunit hindi nila ito pinansin.
20:36Tulog din daw ang asawa ng biktima sa kanilang bahay sa likod ng nasabing karinderia.
20:42Narecover sa crime scene ang anim na basyo ng baril.
20:45Gating kapitan sa barangay ang biktima at tatakbosa ng vice mayor para sa 2025 midterm elections.
20:52Walang pahiyag ang pamilya ng biktima ukol sa insidente.
20:56Batay sa investigasyon ng mga polis, posibleng personal na galit ang motibo sa krimen.
21:01Pinagahanap pa ang sospek.
21:05Halos 170 bahay ang nasulog sa Barangay Lapasan sa Cagayan, De Oro City.
21:11Nabalit na may tim at makapal na usok ang paligid dahil sa apoy.
21:15Mabilis daw itong kumalat dahil gawa sa light materials ang mga bahay ayon sa Bureau of Fire Protection.
21:22Nahirapan pang makapasok sa lugar ang mga bombero dahil sa masikip na daanan.
21:26Patuloy pang iniimbestigahan ang pinagbulan ng apoy.
21:29Pero, isa sa mga tiniting ng sanhi, ang napabayaang niluluto.
21:34Batay sa tala ng barangay, mahigit 200 pamilya ang nasunugan at aabot sa mahigit 1 milyong piso ang danios ng sunog.
21:42Ready to defy expectations na sina Ariana Grande at Cynthia Erivo sa film adaptation ng Broadway classic na Wicked.
21:56Ang chikahan with the cast ng pelikula sa latest ni Maren Lynching.
22:12Ang mga movie adaptation ng Broadway musical, The Wicked.
22:19Starring Ariana Grande as Galinda at Cynthia Erivo as Elphaba.
22:32Base sa mga karakter mula sa Wizard of Oz.
22:35You're the one the wizard has been waiting for.
22:38Ang Wicked ay kwento ng unlikely friendship sa pagitan ng dalawang totally different individuals.
22:46At ang kanilang journey of self-discovery.
22:56Sina Ariana at Cynthia nakachikahan ko pagkatapos ng kanilang Australian movie premiere.
23:03At 11 you said you wanted to be Galinda and now that you are, how has being Galinda changed your life?
23:08She has such a fierce belief of self and she is kind but unapologetically who she is.
23:15And I think that maybe before I might have been a little bit timid or apologetic and scared to take up any sort of space.
23:23And I think that Galinda taught me that it's okay. It's okay.
23:28Come with me. What? To meet the wizard.
23:30Magic is my word for wicked. What word for you encapsulate your entire wicked experience?
23:37Empathy.
23:39I'm gonna say acceptance.
23:44Of self and of others.
23:47Pareho daw silang hanga sa talento ng mga Pilipino sa pagkanta.
23:51And Filipinos are the best singers in the world.
23:53Yes, no they do.
23:54No, honestly they have the best voices too.
23:56Because this is the tribute they want.
24:04Oh, see what I'm saying.
24:06Goosebumps.
24:15We love you too. Oh my gosh.
24:17Thank you so much. That's amazing.
24:19That was stunning. That was beautiful.
24:20That's gorgeous.
24:21Those harmonies at the end.
24:22Wow.
24:23That was stunning. Thank you for sharing.
24:26Ang co-stars sila sa Jonathan Bailey at the movie Icon as Jeff Goldblum.
24:30Puro hype races naman para Kainan Ari at Cynthia.
24:33Okay, so how would you describe Cynthia and Ariana as people, co-workers, friends?
24:39Sublime.
24:40Sublime.
24:42You look in the dictionary, you know, ecstasy incarnate.
24:48Unbelievable. They're amazing.
24:50As people, as co-workers, they were so generous.
24:53Generous, and I mean not a moment of anything but sweet.
24:57Just pure brilliance and generosity.
24:59Yes, and then as artists, you know, you're in the presence of greatness when you see them act and dance and sing.
25:06Just fantastic.
25:08I just think their performances are milestone knockout.
25:13Palabas ang Wicked bukas November 20.
25:15Lien Ching, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
25:24Inalis na po ng Commission on Elections ang pag-uobliga sa mga pribadong indibidwan
25:28na iparehistro ang kanilang social media pages na mag-iendorso ng kandidato sa eleksyon 2025.
25:35Batay po yan sa inamihanda kanilang resolusyon.
25:38Ayon sa komisyon, ang nasabing hakbang ay bilang pagprotekta sa freedom of expression.
25:43Sa kabilan yan, o obligahin pa rin ang mga kandidato,
25:47kanilang otorizadong kinatawan,
25:49mga political party at party list na iparehistro ang kanilang social media account at pages.
25:55Sa December 13, ang deadline sa pagpaparehistro.
26:03Literal na agaw-pansin ng isang aso from Tarlac City.
26:08E paano ba naman sa gitna ng mga damit na piling magsyesta ng alagang simulat?
26:15Akala yata ikasama rin siya sa mga tutupin.
26:18Ang request ng firm mom na si Lenny Dacayo,
26:21tumabi muna pero dead ma ang eksena ni Budang.
26:25Viral online ang video with more than 300,000 views.
26:29Trending!
26:45Sa Sultan Kudrat Maguindanao del Norte.
26:56Umalingaw naw ang mga putok na baril sa Barangay Simuay.
27:00Natunogan pala ng drug suspects na mga miyembro ng pulisya ang katransaksyon nila.
27:06Dead on the spot ang dalawang pulis at sugataan ang dalawa pa nilang kasamahan.
27:11Nagtamuri ng mga sugat ang dalawang naarestong suspect na hindi nagbigay ng pahayag.
27:16Nakatakas ang dalawang iba pang suspect.
27:19Narecover sa operasyon ang isang kilong hinihinalang shabu na may halagang 6.8 million pesos at isang baril.
27:30Samantala, 36 days na lang Pasko na mga kapuso.
27:34Kaya naman may Christmas paandar entry ang isang mansiyon sa San Pablo, Laguna.
27:39Bongga ang let it snow moment nila bilang parte ng white Christmas na tema.
27:44Peke manangyebe, enjoy naman ang mga bumisita lalo na ang mga bata.
27:49Sa gate, babati naman ang mga angel figurine.
27:52Tadtad din ang mga pailaw, ang bahay, pati na ang giant Christmas tree.
27:57Umaapaw ang pasasalamat ni Alden Richards at Catherine Bernardo sa continuous success ng Hello Love Again.
28:11Hindi po namin in-expect na talagang ganun yung magiging response po ng mga manunood.
28:16Ang lahat ng success na natatanggap ng movie dahil po yun sa supporta nyo so maraming salamat.
28:22Unexpected manila, grateful daw si Alden at Kath sa dami ng tumatangkilik sa sequel ng movie.
28:29As of 6pm kagabi, nasa 520 million pesos na ang gross sales nito sa box office sa Pilipinas.
28:37Bilang pasasalamat sa success, ang bahagi ng kita ng pelikula ay mapupunta sa nasalantan ng mga nagdaang bagyo.
28:45Kagabi, bumiyahin na pa Los Angeles, California, si Alden at Kath para dumalo sa Asian World Film Festival,
28:52kung saan closing film ang Hello Love Again.
28:55Maglilibot din sila sa iba pang lugar sa Amerika, pati na sa Canada, para pasalamatan ang fans nanunood.
29:03Soon, magihello naman ang dalawa sa Global Pinoy sa Middle East.
29:10Sa mga marikong liwanag, ikinasal na ang keyboardist at bassist ng bandang Ben & Ben.
29:18Sa Instagram, isinair ni na Pat Lasaten at Agnes Rioma ang moments ng kanilang garden wedding ceremony sa Los Angeles, California.
29:27Nariyan din ang iba pang members ng Ben & Ben na nagbigay ng special performance para sa newlyweds.
29:34Bubuhos naman ang best wishes mula sa kanilang kaibigan at fans.
29:38Congratulations, Patness!
29:48Patay ang isang trabahante ng isang minahan sa Naga, Cebu matapos madaganan ng bumigay na bato.
29:54Nang dahil naman umano sa spaghetti, daan-daan ang inihinalang na food poisoned sa isang eskwelahan sa Gimaras.
30:02Ang mainit na balita hatid ni Kim Salinas ng GMA Regional TV.
30:09Napuno ng pasyente ang ward ng isang hospital sa Buena Vista, Gimaras.
30:12Isinugod doon ang dose-dose ng estudyante matapos makaranas ng pagsusuka, pagdurume at pagkahilo.
30:19Karamihan sa mga sumamaang pagkiramdam, nakakainumano ng spaghetti sa dinaluhang event sa school.
30:25Sa investigation ng polisya, mahigit sanlibong food bags ang inihain mula umaga hanggang tanghali,
30:30pero limandaan lang ang nakadalo, kaya ang sombra, ipinamigay sa isa pang event noong hapon.
30:50Sa kabuuan, ayon sa paaralan, 372 esudyanteng guru at kawanin nila ang nagpatingin ng hospital sa iba't ibang pasilidad.
31:00Agad naman daw tumulong ang paaralan at handa raw nitong sagutin ang pangangailangan medikal ng mga esudyante.
31:13Sa ngayon, may ilang pasyente ang nasa hospital pa at minomonitor.
31:17Ayon sa isang culinary arts trainer, maaring dahilan ng mabilis na pagkakontaminate ng pagkain
31:22ang mainit na panahon at paglagay ng pagkain sa lalagyan habang mainit pa.
31:26Hanggat maaari, dapat makain agad ang inilutong pagkain.
31:33Dead on the spot ang isang lalaki sa Cebu City matapos magtamo ng tama ng baril sa ulo.
31:38Nagugat-umano ang pamamaril sa 400 pisong utang ng biktima.
31:42Itinuturong sospek sa pamamaril ang 18 anos na kapitbahay ng biktima sa investigasyon ng polisya.
31:49Personal na galit ang pinagugatan ng krimen.
32:13Pagpunta niya sa bahay, wala daw doon kasi umalis.
32:16Pagbalik, siningil niya ulit.
32:18Kaso that time, wala siya nakuhang pera kasi nga naubos na daw.
32:22Agad na naaresto ang sospek na mahaharap sa kasong murder.
32:26Wala siyang pahayag.
32:30Patay ang isang trabahante sa isang minahan sa Naga-Cebu.
32:33Sa investigasyon ng polisya, kasama ng biktima ang dalawang iba pang trabahante sa minahan na may 11 metro ang lalim.
32:40Kaya doon sa mga saksi, bigla nalang bumigay ang isang parte ng shaft na nasa ilalim.
32:44Kaya bumigay ang mga bato at dumagan sa mga trabahante na naroon.
32:48Napuruhan ang biktima habang sugatan ang dalawang niyang kasamahan.
32:52Pansamantalang ipinasara ng polisya ang minahan habang nagpapatuloy ang investigasyon.
32:57Wala pang pahayag ang may-ari ng minahan.
33:00Kim Salinas ng GMA Regional TV, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
33:11Isang gusali ang gumuho sa commercial capital ng bansang Tanzania sa East Africa.
33:16Nasa wisa panguho ang hindi bababa sa labing tatlong tao ayon sa presidente ng bansa.
33:21Mahigit walumpu naman ang naigliptas na.
33:24Nangako ang Prime Minister ng Tanzania na ipagpapatuloy ang rescue operations hanggang mahanap ang lahat ng mga nawawala.
33:32Hindi pa tukoy ang sanhinang panguho, pero karaniwang rong mayroon.
33:37Iba pang balita, may bagong katuwang ang Bureau of Corrections para hindi makapagpuslit ng mga kontrabando sa New Believed Prison sa Muntinlupa.
33:45Yan, ang high-tech equipment na RS Full Body Scanner.
33:49Kaya nitong mag-scan ng buong katawan ng bibisita sa loob lamang ng tatlong segunda.
33:55Pag-scan ng buong katawan, mayroon ang mga kontrabando sa New Believed Prison sa Muntinlupa.
34:01Kaya nitong mag-scan ng buong katawan ng bibisita sa loob lamang ng tatlong segunda.
34:06Ibig sabihin, hindi na kailangan pong mano-manong kapkapan ang mga papasok doon.
34:12Ayon sa Bucor, nagkakahalaga ang dalawang unit nito ng 40 milyong piso.
34:18Target nilang dagdagan pa yan para lagyan din ang iba pang piitan.
34:24Ulat panahon po tayo, makakaasa kaya tayo ng tuloy-tuloy na magandang panahon.
34:32Kausapin na po natin si Pag-asa Weather Specialist Veronica Torres.
34:36Magandang umaga at welcome po sa Balitang Halim.
34:39Magandang umaga din po sa inyo Ms. Connie, pati na rin sa ating mga tagasubaybay.
34:43Opo, ito ay kailangan natin malaman.
34:45Kailan inaasahang magsimula ho kaya itong amihan season? Muna natin, ayan.
34:50Opo, sa kasalukuyan ang mga kasamahan natin ng mga climatologist ay patuloy na binabantayan ang mga weather system natin.
34:56So ngayon, posible sa susunod na araw o hindi kaya sa susunod na linggo ay mag-announce na po tayo ng amihan season.
35:04Although posible rin kasi inaantay natin ang patuloy na paglayo ni Pepito para makapenetrate din sa atin ang northeast monsoon.
35:11Pero sa ngayon po wala tayo nakikita ang anumang sama ng panahon?
35:15Tama po kayo, maliban kay Manny na dating si Pepito na nasa labas na ngayon ng PAR, wala na tayo ibang LPA o bagyo sa loob o malapit sa PAR.
35:23Opo, talagang excited tayong lahat maramdaman ang lamig ni amihan. May mga lugar na ba tayo munang mararamdaman ito?
35:30Opo, so yung nararamdaman natin ngayon, although may mga gale warnings sa Batanes area, ito sa northeasterly surface wind flow.
35:39And then kapag mas lumalakas yung amihan, posible sa bandang eastern section ng bansa, malamig na din although maulan din po.
35:47I see. Kapag ofisyon lang nagsimula ang amihan, posible bang sabayan ng bagyo na mga sama pa ng panahon tayo?
35:53Opo, kahit mag-declare na tayo ng amihan season, posible pa rin yung mga bagyo at low pressure area pumasok o mabuo sa ating PAR.
36:01Pero sa ngayon po, di ba parang sinasabi nila artificial pa lamang yung mararamdaman ng lamig ng amihan? Bakit po ganoon?
36:10Yung posible po siguro kapag modified north is monsoon yung nararamdaman nila. Pero ang peak na manalamig ng amihan ay nararanasan around January o kaya first week ng Feb.
36:24Parang nag-iba nga, di ba? Dati talagang pagsapit ng December, malamig na eh. Pero bakit po ganoon? Parang umusog siya sa January at Feb.
36:33Opo, usually naman po, base na din po sa ating mga records, ang pinaka malamig na naitatala natin around January, February din po.
36:42I see. Pero yung ating mga bagyo na papasok sa December, ilan pa po ba?
36:47So ngayon ay posible isa o dalawa. Pero by tomorrow, magkakaroon tayo ng climate forum, posible itong ma-update.
36:55Marami pa po tayong mga kailangan na bantayan pagdating sa mga weather system na yan hanggang hindi pa tapos ang taon.
37:02Kaya magsapasalamat na lang po kami at sabay-sabay tayong manalangin na wala ng bagyo. Thank you very much po sa inyong oras.
37:08Marami salamat po.
37:10Yan po naman si Veronica Torres ng Pag-asa.
37:12Isa po sa pinakapinangangambahan na mga ikakasal, hindi po ba yung hindi pagpabor ng panahon sa kanilang wedding day?
37:22Gaya na lamang po ng newlyweds sa Aurora, nasa kabila naman ng banta ng bagyong pipito, abay, syempre, itinuloy ang kanilang kasalan.
37:30Balitang hatid ni Oscar Oida.
37:33Itong araw na pinakahihintay ni Nareyshal at Regan mula Aurora, ang kanilang pag-iisang dibdib.
37:40Pero napalitan ito ng kabah sa dibdib.
37:43Dahil itinaasang Rovincia ang signal number 3 dahil sa bagyong pipito.
37:48Patanayan na lang natin na wala talaga makakapigil sa atin kahit bagyo man.
37:52Pero sa mismong beach wedding, lupakasang alon.
37:57Pero sa mismong beach wedding, lupakasang alon.
38:00At maging sila, inabot at nabasa.
38:04Thursday pa lang po, nagpa-plan na kami i-postpone.
38:08Kaso, yung weather po kasi sa amin by that time is sobrang init po.
38:13Tirik na tirik yung araw. Kaya sabi po ng both parents namin, i-pubush na lang po ramin.
38:18Isinaalang-alang rin daw nila ang kalintasa ng mga guests.
38:22Kaya humingi rin sila ng tulong sa Coast Guard para magbantay sa kanilang kasal.
38:27Safe naman, hindi na tinapos yung bows.
38:31Nag-proceed na po kagad kit sa function call.
38:34Nagpapasalamat din sila sa tapang ng kanilang entourage at pamilya na sinamaan sila sa pagkakataon yun.
38:42Excited ako dahil sa araw na to, maging isang ganap na gatos ganap.
38:48You're always finding a way to make me happy.
38:51Oscar Roida, nagbabalita para sa GMA Degraded News.
38:58Bumuhos ang pakikiramay sa mga naulila ng Aegis vocalist na si Mercy Sunot.
39:04Kabilang sa nagpaabot ng pakikidalamhati si Jopay Pagyasamora.
39:08Nag-share si Jopay ng moment kasama si Mercy na nakasama niya sa ilang gigs.
39:13Forever idol niya raw ang vokalista at hindi mamawala sa kanyang puso.
39:18Pumanaw si Mercy dahil sa sakit na cancer.
39:21Itong November lang din siya nagdiwang ng 48th birthday.
39:25Kasama sana siya sa nakatakdang concert ng Aegis sa February 2025.
39:55Para hindi matigil ang anilay critical government functions,
39:58matiyak na may alokasyon ang mga fiscal resources para sa mga programa ng gobyerno
40:03at matiyak na makakatugon sa mga hamon.
40:06Wala pang komento ang Senado kaugnay nito.
40:11Pumanaw po ang dating Vice President ng Human Resources Development Department ng GMA Network na si Dexter Mendoza.
40:18Para sa kanyang mga kaibigan at mahal sa buhay,
40:22kasalukuyang makikita po ang kanyang labi sa Balthazar Chapel
40:25ng La Funeraria Paz sa Manila Memorial Park sa Paranaque
40:30mula alas 10 ng umaga hanggang alas 10 ng gabi.
40:33Tatagal po ang burol hanggang Webes, November 21.
40:37Nakikiramay po ang GMA Integrated News sa mga naulila ni Ginoong Mendoza.
40:45Sa iba pang balita,
40:46duguan at wala ng buhay ng matagpuan ang isang lalaki sa loob ng isang sasakyan
40:51sa Padre Alge Street sa Abad Santo sa Maynila.
40:55Sa pangunang investigasyon ng mga otoridad,
40:58sinaksak ang biktima na pinaniniwala ang dayo sa lugar.
41:01Sinasabing sinubukan pa ng biktima na makaalis,
41:04ngunit binawian din siya ng buhay kalaunan.
41:07Nagbabacktracking na ang mga otoridad sa mga CCTV sa lugar para makatulong sa investigasyon.
41:15Abiso naman sa mga motorista,
41:17efektibo na ngayon ang rollback sa presyo po ng mga produktong petrolyo.
41:21Sa anunsyon ng ilang kumpanya ng lagis,
41:2385 centavos na bawa sa kada litro ng gasolina,
41:2775 centavos naman para sa diesel,
41:29may rollback din po ang ilang kumpanya sa kerosene na 90 centavos kada litro.
41:45Ramdam naman ang umaapaw na pagmamahal sa isang tahanan sa Lucena, Quezon.
41:52Ang batang babae nagbida natin today mayroong pasalobong sa kanyang nanay.
41:59Alam ko ito ah, a thoughtful daughter a day keeps the sickness away.
42:05Yan po ang naranasan ni mommy Christine Bautista nang sorpresahin siya ng anak na si Guiana.
42:11Lama ng plastic, sari-saring prutas para sa nanay na nooy may sakit.
42:16Nagbunga naman ng act of love dahil gumaling si mommy Christine.
42:21Viral online ang video ni Guiana with more than 400,000 views.
42:27Trending!
42:29Ayan, sana maraming mga bata pa ang makakita ng ganitong gesture.
42:33Oo, ang cute nyan.
42:34Usually ikaw ang nagaalaga sa anak mo pag may sakit,
42:37pero yung anak mo pag ikaw yung inaalagaan, napakasarap ng pakiramdam.
42:42Tsaka ano yan, testament din yung ganyang pag-uugali ng bata.
42:46Kahit kano ka bata, doon sa ipinapakitan pagmamahal din ang magulang.
42:50Kasi nakuha niya yung values nila.
42:52Oo, malamang yung mommy niya pag may sakit siya,
42:55alagang-alaga.
42:57Binibigan din siya ng fruits.
42:59Diba, Mars, ikaw pag may sakit ka, diba, tinatanong ka ng mommy mo,
43:03anong gusto mo?
43:05Diba, anong gusto mong kainin?
43:07Parang lahat binibigay sa'yo.
43:09Yes, naalala ko nung bata ako, naka-confine ako.
43:11Tinanong ako ng mommy ko, anong gusto ko?
43:13Sabi ko, lahat ng kulay ng pajama.
43:16Diba, hindi magkain ng pajama.
43:19Fashionista ka kahit nasa ospital ka.
43:23Siyempre kasi gusto ko sa ilalim ng aking lab gown, maganda.
43:27Oo, gusto mo maganda ka kahit may sakit, kailahan.
43:31Pero ito, mara talagang values na ito, na pagmamahal, diba,
43:35maipapasa talaga sa ating mga anak.
43:38Kaya sana, e, dumami pa.
43:40Diba, yung mga ganyang bata na sobrang thoughtful.
43:42Oo, yung patulad ni Gianna.
43:44Gianna, ang cute-cute mo!
43:46Super!
43:47Sana hanggang paglaki mo, ganyan ka.
43:49Yan, ang ating aabangan.
43:51At ito po ang Balitang Hali.
43:53Bahagi kami ng mas malaking mission.
43:5536 na araw na lang.
43:57Abay, Pasko na!
43:59Ako po si Connie Sison.
44:00Kasama niyo rin po ako, Aubrey Carampil.
44:02Para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan,
44:05at mula po sa GMA Integrated News,
44:07ang News Authority ng Filipino.

Recommended