Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Huli ka mang paatras sa pagharurot at pagpapaikot-ikot ng isang SUV sa isang gasolinahan sa Quezon City.
00:06Ang driver mahaharap sa reklamo. Narito ang aking report.
00:12Nakukuha na ng video ang SUV na ito na humaharurot paatras sa bahagin ng North Fairview sa Quezon City.
00:18Ang SUV, ilang beses daw binanga ang isang van na nakaparada sa gilid ng kalsada.
00:23Ayon sa may-arin ng van na si Rowena, nasa loob siya ng maramdamang umuuga ang sasakyan.
00:27Maraming tao naglabasan at sinasabi na binabanggan na daw po yung sasakyan namin.
00:32Tapos tinignan ko sa likod, ay oo nga, binabanggan na tayo.
00:35Sinubukan ang driver ng van na katukin ang SUV.
00:38Tinapi ko yung tagiliran niya, tapos sabay silip ko, siya lang mag-isa at nakaganon siya sa manubila.
00:44Eh nung sabi ko, pag ikot ko doon sa kabila, sinabihan ko si Sir, Sir katukin ko na lang.
00:50Sabi naman ni Sir, huwag mo na katukin, baka may baril daw.
00:53Matapos ito, tumawag na sila ng polis.
00:55Sa halos 20 minutong paghihintay, hindi raw lumabas ang driver ng SUV.
01:00Sa videong ito na nag-viral, makikitang kinakausap na ng polis ang driver ng puting SUV mula sa bintana ng sasakyan.
01:06Maya-maya, dahan-dahang umatras ang SUV hanggang sa kumarulot pa atras at pumasok sa isang gasolinahan.
01:13Ilang beses itong nagpaikot-ikot doon dahilan para mabangga ang ilang gamit tulad ng drum ng tubig at protective barrier ng gasolinahan.
01:21Napatakbo ang mga tao.
01:22Nang humupang sitwasyon, lumabas ang driver ng SUV pero tila hindi raw alam ang nangyari.
01:28Eh, sabi ko, Sir, anong po bang nararamdaman niyo? Sir, alam niyo pa ba yung nangyari siya? Hindi ko alam eh.
01:34Ang alam ko lang may tumama na sa akin dito, masakit nga eh.
01:37Kung saan ba kayo galing, Sir? Sabi niya sa makati pa ako. Ayos naman siya makipag-usap, Sir.
01:41Tatlong sasakyan ang binanggan ng SUV. Wala namang nasaktan.
01:45Inaalam pa kung magkano ang halaga ng pinsala.
01:48Sinusubukan pa namin hinga ng pahayag ang driver ng SUV na 68 taong gulang at retarado miyembro ng US Navy.
01:55Mahaharap siya sa reklamang reckless imprudence resulting in damage to property.
01:58Rafi Tima nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:11Rafi Tima nagbabalita para sa GMA Integrated News.

Recommended